"Hindi ka ba aalis?!" naiinis na sigaw ko kay Ian na nasa tabi lang ni Ylona, nakapulupot ang braso nito sa bewang niya habang nanunood sila sa laptop ko.
Oo, laptop ko. Ylona and I were supposed to watch a movie kaso ang espanyol niyang boypren nanghimasok ng hotel room.
"Maya na, tapusin ko muna to" bulong ni Ian, ni hindi pa ako pinasadaan ng tingin ng sagutin ako.
Nanonood daw pero nakatitig naman kay Ylona.
I sighed. Landiin ko din kaya si Thomas? Kaso nag away kasi kami kanina.
Nagpapaturo kasi ako sa kanya sa paglangoy, ang gago naman kasi nang aasar tapos binitawan ako noong abot bewang na ang tubig sakin.
Tapos nung umalon, syempre inalon ako. And I cried kasi OA ako. Tapos si gago tinawanan ako bago ako sinagip.
"Lalabas lang muna ako." Pagpapaalam ko nalang sa magsyotang dinedma ako.
"Punta mo?" tanong ni Ylo at liningon lang ako saglit.
"Magpapahangin lang." I answered. Before I leave, I looked back at them.
"Hoy, rated PG ang hotel room na 'to. Manatiling banal, gets?" pang aasar ko bago ako tuluyang umalis ng room namin ni Ylo. I heard Ian laughing.
Naghihintay na akong magbukas ang elevator nung tabihan ako ni Thomas.
Naka- suot siya ng itim na shirt at cargo pants at naka sandal slippers. It was just a simple get up kaso iba parin epekto sakin.
"Hoy, di mo pa ako papansinin?" tanong neto sa'kin. Tinignan ko lang siya saglit bago kumunot ang noo ko.
Bakit ba ngiting ngiti parin siya?! Nakakatuwa bang alunin ako ng tubig?!
Hindi ko siya pinansin hanggang sa makapasok na kami ng elevator.
Natakot lang ako kanina kasi akala ko malulunod ako, but I knew Thomas would always be there for me.
Nag iinarte lang talaga ako ngayon. Cute kasi si Thomas kapag hindi pinapansin. Feeling baby ang gago.
And hindi yan magaling manuyo, magaling lang talaga mang-away.
"Uy, sorry na." Bulong niya bago sinundot ng paulit ulit ang braso ko.
"San ka pupunta? Sama ako." Sinundan ako ni Thomas hanggang paglabas ng hotel. Magpapahangin lang sana ako kasi kahit gabi na, sobrang mainit parin.
"Gusto ko ng ice cream." sabi ko bago ko siya tuluyang hinarap.
He smiled when I finally looked at him and he grabbed my hand agad agad tapos hinila na ako sa malapit na kainan na nagseserve ng sweets.
"Kapag linibre kita ng ice cream, hindi ka na galet? Bati na tayo?"
"Galet parin ako, kinakausap lang kita as a friend."
Thomas laughed so hard bago niya ako inakbayan.
"Sige, okay lang na friends muna tayo. Basta kausapin mo ako."
When we finally entered the place, medyo mahaba ang pila ng order kaya naupo na ako sa isang table and I let Thomas order for me.
Ilang minuto din ang lumipas, nung may lumapit na lalake sa table ko. Akala ko nga waiter pero pag angat ng ulo ko, he wasn't what I thought he was.
"Hi, I'm Howard!" pagpapakilala nito sabay abot sa'kin ng kamay niya.
Uh oh.
Nasan ba si Thomas?! Hindi ko naman matignan ang pila kasi tinakpan niya.