Picture 2

41 5 0
                                    

Picture 2

Take Care

Destiny POV

Habang sinusundan ko sya sa paglalakad, hindi pa din ako mapakali kung saan nga ba kami pupunta. Hanggang sa tumigil sya sa tapat ng isang room na may double door.

Nagdadalawang isip pa rin ako kung sususnod ba talaga ako. Nang hindi pa ako gumagalaw sa kinatatayuan ko ay lumingon sya sa akin. 

"Why are you staring at me like that? Pumasok ka na." it's more look like na inuutusan nya ako.  At nauna na syang pumasok sa loob.

Daig pa nya ang babaeng may monthly period kung makapag sungit sya sakin. 

Pumasok kami sa black and white themed na office room nya. May mini sofa din sa may gawing kaliwa at sa harap naman ay yung office table nya na may nakalagay na laptop. Malaki din pala yung office nya dahil may flatscreen TV pa sa harap at may mini refrigirator, Parang isang maliit na living room kumbaga. Kitang kita sa harap ng office table nya ang pangalan nyang naka engrave sa salamin. "Skyler Del Valle., CEO"

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. At his age ay isa na syng CEO? Mukha syang bata pero wala sa itsura nya ang pagiging isang CEO. He's very succesful then at a very young age.

"So let's start the interview. How old are you?" tanong nya habang naka-upo sa kanyang swivel chair.

Hindi pa rin nya inaalis ang tingin nya sakin simula nung pumasok kami sa office nya. 

Interview agad? hindi pa naman ako masyadong prepared. Tss. Sana makapasa dahil kailangang kailangan ko talaga ng trabaho. 

"I'm turning twenty S-sir" Tipid na sagot ko.

"Are you a college graduate?" 

"Hindi pa po Sir. I'm planning to be a working student." 

Matagal syang tumitig sakin bago sya sumagot. Ang cool nya tignan kahit sa simpleng pagtitig lang sa akin. Para akong matutunaw sa mga titig nyang yun dahil medyo nakakailang. 

After a few minutes ay tumawag sya sa intercom nya at kinausap ang secretary nya yata.. Maya-maya pa ay dumating na ang secretery nya.

Matangkad, maganda, matangos ang ilong at morena. Napansin nya siguro ang presensya ko kaya sya napalingon sa gawi ko. Pero sana ay hindi na lang sya lumingon kung titignan nya lang ako ng masama. Parang kakainin nya ako ng buhay sa paraan ng pagtitig nya. 

"Accopmany her to the PR office and teach her the job she needed to do."

Pinigilan ko ang sarili ko na huwag sumigaw. OMG! Tanggap na ako ng ganun ganun na lang?! Thank God at hindi na nya ako pinahirapan. 

"Okay sir" 

Agad akong lumapit sa harapan nya para makapagpasalamat sa pagtanggap nya agad sa akin sa trabaho.

 "Thanks po Sir . ." inilahad ko ang kamay ko sa kanya para makipagkamay. 

"Just drop the Sir. Call me Skyler but I prefer to call me Sky. ." So Sky pala ang name nya. It's suits him. Para syang isang God na taglay ang lahat ng kagwapuhan.

 Ilang sanadali pa bago nya abutin ang kamay ko at makipag hand shake. 

 "S-sige po Sky. " Nahihiyang sabi ko at agad na bumitaw sa pagkakahawak sa kamay nya. 

"You're welcome. Miss..?" he smiled. 

Oh!I forgot to introduce my self to him.

"Ahm. I'm Destiny Elle Lazaro." I smiled back to him. Mas maayos syang tignan kesa kanina na nakasimangot sya. 

Hundred and one picture of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon