Picture 1
Saan nya ako dadalhin?
Destiny'sPOV
"Destiny, this is Jenna. Jenna this is Destiny." Pagpapakilala ng landlady ko sa makakasama ko sa kwarto na inuupahan ko.
Ngumiti ako sa kanya at agad kong inilahad ang kamay ko para makipag shake hands sa kanya. Siya ang magiging kasama ko dito sa boarding house sa Maynila.
Labag man sa loob ko na umalis sa probinsya namin ay wala na rin naman akong magagawa dahil wala na akong babalikan doon. Ipinagtabuyan na nila ako at wala na rin akong pamilyang babalikan pa.
Mukha namang mabait si Jenna. She has a short wavy hair na hanggang balikat, mga nangugusap na mata at manipis na labi. Hindi rin sya gaano katangkaran pero if I'm not mistaken siguro ay nasa 5'1" ang height nya.
Inabot nya ang kamay ko para makipag kamay. "Nice to meet you Destiny" Nakangiti nyang sabi sa akin
Hindi na ako sumagot pagkatapos noon. I'm not a very friendly kind of person. I'm not a conversationalist. Mas gugustuhin ko pang huwag magsalita kesa pag usapan ang mga non sense na bagay. Sanay na rin naman kasi ako na nag iisa simula nung mamatay ang mommy ko at iwan ng taong mahal ko.
"Maiwan ko muna kayo jan." paalam ng landlandy namin.
Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon. Wala naman na akong dapat sabihin pa eh.
Pinuntahan ko na yung kwarto kung saan ako matutulog habang nandito ako sa Maynila. Kailangan kong pagbutihin yung paghahanap ko ng scholarship dahil wala na akong ibang aasahan pa bukod sa sarili ko. Wala na rin kasi akong kamag anak na malalapitan pa.
Kinuha ko yung maleta na dala dala ko kanina at inayos ang mga damit sa cabinet na kalagay sa kwarto. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na pumasok na rin si Jenna at inayos ang mga gamit nya.
"Bago ka lang ba dito sa Maynila?" Pagsisimula nya ng usapan. Mukha naman syang mabait at friendly.
"Oo" tipid na sagot ko.
Hindi ko kasi ugali na magkwento ng magkwento about sa personal life ko. Kapag nagtanong lang sila saka lang ako sumasagot. Sanay na ako na parang hindi nag eexist sa mundo. Yung tipong walang nakakapansin sa akin.
"Pwede bang maging magkaibigan tayo? Bago lang din kasi ako dito sa Maynila kaya wala pa ako masyadong kaibigan."
Napalingon ako dahil sa sinabi nyang iyon. Tinatanong pa ba ang mga ganong bagay? First time na may gustong makipag kaibigan sa akin. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng konting saya dahil may tao pa palang kagaya nya. Yung taong hindi ako inii-snob.
"Sige." Nakangiti akong sumagot sa kanya. First time kong ngumitiafter nung mamatay si mommy.
I never thought na may tao pang nakaka-appreciate sakin except kay mommy. Wala rin kasi akong kapatid kaya hindi ko alam ang feeling nang meroong kapatid.
"Masaya ako dahil pumayag kang maging kaibigan ko. Bakit ka nga pala napunta dito sa Maynila?" Tapos na syang ayusin ang kanyang mga gamit at humarap naman sya sakin.
Napatigil ako sa pag aayos ng gamit ko ng maalala na naman yung dahilan kung bakit ako napunta dito sa Maynila.
Mukha namang nahalata ni Jenna na ayaw kong pag usapan ang dahilan ng pagpunta ko sa Manila.
"Pasensya ka na kung masyadong personal yung tanong ko ah. Kumain ka na ba? Tara samahan mo na lang akong kumain sa labas." kita ko naman sa mata nya ang pag aalala.
BINABASA MO ANG
Hundred and one picture of You
Romanzi rosa / ChickLitBecause of one stolen shot picture, Destiny Elle Lazaro meets the hottest and handsome guy in the town. She never thought na magiging boyfriend nya ang hottest guy na nakilala nya in just a click. Hanggang kailan kaya magtatagal ang pag iibigan nil...