Picture 3
Yung number mo.
Destiny's POV
Ngayong nakahanap na ako ng trabaho ay kailangan ko namang humanap ng University na mapapasukan. Sa ngayon, I want to finish studying college para naman kahit wala na si mommy ay matupad ko ang pangarap nya para sa akin. She's always been dreaming na makapagtapos ako sa isang magandang University. And gusto ko yun tuparin para sa kanya.
As far as I can remember, sabi ni Jenna, na ang Happenstance University ang pinakamalapit dito sa lugar namin.. Mabuti na lang at doon din sya mag aaral. No worries dahil hindi ako masyadong maa-out of place kung sakali.
I'm taking Business Administration because mommy want me to take that. I'll do anything para kay mommy badly to say, wala na sya.
Jenna is taking up the same course too. Naikwento nya minsan sa akin na hilig din nya ang lahat ng tungkol sa Business. Their family owned a hotel and resturant business. Someday ay sya na ang mag ma-manage niyon.
Happenstance University is one of the prestige school here in the Manila. Nang pumunta ako sa University ay na amazed ako sa ganda ng kapaligiran at ayos ng mga facilities. No wonder kung bakit naging isa ito sa prestige university dito sa Manila.
Siguro naman ay kakayanin na ng scholarship at ng sweldo ko sa company ang tuition ko. Nagyon pa lang mukhang hindi magiging madali yung pagiging self supporting ko sa pag aaral.
After I get my schedules, I decided to go in the fast food.
I'm here to order my favorite coke float. Matagal na din akong hindi nakatikim nito. The last time I drink this is noong nakipagbreak sakin ang ex boyfriend ko. Yes, he broke up with me sa lugar na kagaya nito. Psh. I don't care anymore with that guy..
Halos puno nang tao ang fast food n 'to. Sa isang gilid naman ay may mag couple na naghahalikan. 'Yung lalaki ay mukhang isang casanova at 'yung babae naman ay simple lang. 'Ni hindi man lang sila pumili ng private na lugar para sa ganoong bagay.
May bakanteng upuan sa may corner ng cofee shop na two seater chair. I was waiting my order when I saw a guy who ordered in the cashier and immediately went upstairs. Maraming customer ang fast food na ito kaya may second floor pa.
Mukhang nagmamadali sya dahil nakalimutan nyang dalhin yung mga gamit nyang nasa paper bag at yung plastic number thingy na ibinibigay sa counter para makuha mo yung order mo.
The cashier tried to call him pero hindi sya narinig. Ang bingi naman nung lalaking yun. Dahil malapit ako sa upstairs ako na yung kusang tumawag sa kanya. Hindi pa naman kasi sya nakakalayo.
"Kuya yung number mo!" I shouted.
Sana naman marinig nya. Nakakahiya dahil lahat ng nasa coffee shop ay tumingin sa akin dahil sa lakas ng pagsigaw ko.
Huminto sya saglit at lumingon sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha nya.
Nakangiti sya habang papalapit sa akin. Nakasuot sya ng gray fitted shirt at faded jeans. Kahit simple lang yung porma nya ay ang lakas pa din ng dating nya. Medyo meztiso sya, yung mga mata nya na may banyagang kulay ay nakakaakit, matangos ang ilong at natural na mapupulang labi. Maganda din yung built ng katawan nya. Halatang naalagaan ng maayos sa gym. May dala-dala rin syang instax. May ilang mga babae sa paligid namin ang tinitignan sya.
"Uhh. .Ano?" ngumiti sya. Kakaiba yung ngiti nya, yung ngiting parang may iniisip na kung ano.
Gwapo sana sya kaso parang ang weird nya. Hindi yata nya naintindihan yung sinabi ko kaya inulit kong sabihin.
"Yung number mo. . ."
Ngumiti sya ng pagkalaki-laki. Para syang nanalo sa lotto na ewan.
"Seryoso?. ." Tanong nya.
Ano bang ibig nyang sabihin? Naiintindihan nya ba ako.? Gwapo sana sya kaso may pagka-slow. Sayang.
"I mean yung number mo . . . para sa order mo . . . yung nasa cashier" Pagpapaliwanag ko ulit sa kanya. Sana naman this time ay maintindihan na nya yung tinutukoy ko.
"Pffft. .I thought you're asking my phone number." he chuckled.
Kung kaninang seryoso ang mukha nya ay gwapo na sya, now he's more handsome when he smiles. He's very cheerful.
Me?! Asking his cellphone number? Ang weird din pala nyang mag isip. At saka bakit ko naman hihingin yung ang cellphone number l0lnnya? I'm not like others na desperate makuha yung number ng crush nila.
"Haha. .I'm not crazy para hingin yung number mo. I'm not even know you either"
Agad namang binigay nung nasa cashier ang gamit nyang nasa paper bag at yung plastic number thingy para sa order nya.
"Hmm. . Maybe someday you will ask my cellphone number. Thanks again, Miss?"
Inilahad nya yung kamay nya sa harap ko para makipagkamay. Hindi na ako nagdalawang isip at inabot ko ang kamay nya. Ang warm ng kamay nya.
"Too much conceited huh. .I'm Destiny. Destiny Elle Lazaro.?" I introduced myself to him. This is unusual.
"Nice name. It's suits you. Gorgeous. Maybe its destiny's way kaya tayo nagkakilala ngayon."
Hindi lang pala sya weird kundi may pagka joker din.
"And you are?" hindi ko na lang pinansin yung sinabi nya. Instead, I asked his name.
"I'm Hunter. Hunter Riley Lopez."He was half smiling pero kitang kita yung malalim nyang dimple. kumikinang din yung diamond earing nya sakanang tenga nya.
Hunter pala ang pangalan nya. Ngayon lang ako nakarinig ng ganung pangalan.
"Nice name. I guess, you're hobby is hunting girls." biro ko sa kanya.
Medyo nagulat sya sa sinabi ko. Maybe it's true.
"Haha. .That's not what you think. I never chase a girl before. Maybe. . It will be the first time. " Makahulugan nyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. His eyes was very expressive. Ang hirap malaman kung anong gusto nyang iparating.
Bago pa ako makasagot ay may biglang may tumawag sa pangalan nya. Siguro ay mga kaibigan nya.
"Destiny, nice meeting you. By the way I have to go" And before he bids goodbye, he kiss the back of my hand.
Hindi ko ine-expect na gagawin nya yun dahil kanina lang kami nagkakilala. Hindi naman big deal sakin yun pero . . Hayy! Bahala na nga.
Ininom ko na yung frappe ko at umalis pagkatapos. Ayoko pa naman sana umalis at baka makita ko pa si Hunter pero kailangan ko na kasing pumasok sa trabaho ko.
*****
BINABASA MO ANG
Hundred and one picture of You
ChickLitBecause of one stolen shot picture, Destiny Elle Lazaro meets the hottest and handsome guy in the town. She never thought na magiging boyfriend nya ang hottest guy na nakilala nya in just a click. Hanggang kailan kaya magtatagal ang pag iibigan nil...