"P-paanong b-buhay ka?" Utal ng babaeng nakaupo sa sahig habang tinututukan ko ng baril"Nagulat ka ba?" Ngising sabi ko dito
"P-pero n-nakita ko ang b-bangkay mo k-kaya p-pano--"
"Kala ko pa matalino kang babae! Bakit hindi mo alam lahat ng nangyayari" iling kong sabi tsaka inalis ang pagkatutok sa kanya ng baril
"B-bat mo ba to ginagawa!" Sigaw ng babaeng nasa gilid ko na nakatali
Nasa isa kaming madilim na lugar. Lugar na walang makakita at makakrinig ng sigaw kapag himingi silang dalawa ng tulong. Tanging tawa lang ang sinagot ko sa kanila. Umupo ako sa isang silya habang pinagmamasdan ang naghihirap na dalawang babaeng malapit sa akin 'noon' pero tinatraydor ako.
Naging mabuti ang pakikitungo ko sa kanila at ganun den sila kaya ang nangyayaring ngayon ay isang matinding bangungot na kailanman ay hindi na ko magigising pa. Simula ng mawala ang mga magulang ko nakita ko ang totoong kulay nila. Para silang demonyong na nais na nila akong mawala sa mundo para kuhanin ang mga kayaman na namana ko lahat sa mga magulang ko. Gusto nilang magpakalunod sa kayaman na ninakaw nila sa mismong kamaganak nila. Mga wala silang kwenta!!
"Akala nyo sana habang buhay kayong magpapakasarap sa kayamanan ko nagkakamali kayo! Napatikim ko na sa inyo ang yaman ko pwes ako naman! Babawiin ko ang lahat na kinuha nyo saken" ngisi kong sabi habang pinaglalaruan ang baril sa kamay ko "Akala mga anghel kayo pero Putcha! Demonyong sakim sa yaman pala kayo! Nagpapasalamat nga ko sa inyo eh! Na sa puntong to wag magtitiwala lalo't malalapit na tao mo pa ang mga nais pumatay sa iyo"
"D-di ko sinasadya na g-a--"
"Fuck! Di sinasadya? Napatay nyo ko tapos hindi sinasadya! Anong katangahan yan Ate!" Sigaw ko sa kaharap kong babae habang ang isa umiiyak at humahangolngol "Una palang minahal na kita lalo na sina Mommy at Daddy. Alam mo bang napaswerte mo dahil sa ating dalawa ikaw ang paborito! Nakukuha mo ang gusto mo pero ako hindi.."
"S-sorry.."
"Tapos gagawen mo to! For what? For pate sake! Dahil lang sa yaman kaya mong maging mamamatay tao na sariling pamilya pinapatay mo!" Sigaw ko dito tanging iyak lang at paghingi lang nya ng kapatawaran ang naririnig ko "Bakit hindi ka pa ba kuntento sa binibigay nila sayo at nagawa mo silang patayin at mas lalong pinalabas mong aksidente lang ang lahat kahit planado mo! Planado nyo!"
"M-mali k-a..A-aksi--"
"Mali ako? Aksidente lang? Aksidente ba yung paglagay ng bomba sa ilalim ng kotse nila" iling kong sabi "Huli na pero mas pinaglalaban mo paren yang kasinungalingan nyo.."
"M-makinig ka! M-ma--"
"Tsaka nakakatawa mang sabihin pero..Gagawa na nga kasalanan may makikita pang ibedensya! Tatanga-tanga" tawa kong sabi sa mga to
"A-anong s-sinasabi mo?!" Gulat na sabi nito. Nagsalita ka den Tita..
"Finger print sa kotse! In short mga bakat ng kamay sa kotse na inutusan nyo kaya dahil don hinahanap ng police kong kanino yun at di nagtagal nahanap nila.." Tumayo ako at lumuhod sa harap nila habang pinagmamasdan ang nakakaawa nilang pagmumukha "At sinabi ng suspect na pinag-utusan lang sya kaya nagawa nya yun" di sila sumagot "Ate! Tita! Ibahin naten ang topic.. Bakit nyo ko gustong patayin?" Pero para silang mga pepe kaya nakaramdam ako ng asar kaya tinutukan ko sila ng baril na kinagulat nila "Madali akong kausap kapag di kayo nagsalita papaputukan ko kayo! Ngayon sagutin nyo ang tanong ko!"
"K-kase naiinggit ako sayo" nakayukong sabi ni Ate
"Naiinggit ka saken? Seriously Ate Sab? Nakukuha mo nga lahat ng gusto mo tapos maiinggit ka saken" tawang sabi ko dito
"Yeah! Are parents are buy anythings that I want pero hindi yun ang gusto ko"
"Bakit kulang paba? At naghahangad ka ng m--"
"Pagmamahal ng isang Ina at Ama ang gusto ko Xenovia!" Iyak na sabi nya saken
"What do you mean?" Takang tanong ko pero wala akong nakuhang sagot "May hindi ba ko nalalaman pa?" Pero tulad kanina di paren sila nagsasalita "Sagot!!"
"D-dahil Ampon ang Ate Sabrina mo Xenovia"
"Ampon?" Para akong nanlumo sa narinig ko
"Naiingit sya sayo dahil ikaw ang nabubuhusan nila ng pagmamahal at hindi sya kaya ganun nalang ang galit na nararamdaman ng kapatid mo" mahabang sabi ni Tita
"Alam kong katawa-tawa pero ni minsan gusto kong makaramdam ng pagmamahal ng isa magulang at hindi ko yun nakikita kina Mommy at Daddy dahil lahat ng gusto ko na sayo.." Iyak nyang sabi "Oo..wala akong karapatan na humingi ng pagmamahal dahil nga sa ampon ako..ano nga bang laban ko sa tunay na anak ng mga De Lacroix diba?" Tawa nyang dugtong
"Kaya nagawa mo kaming ipapatay?" Sabi ko dito
"Dahil napuno na ko ng matinding galit kaya kinausap ko si Tita Len na katulad ko may matindi den galit kay Mommy" sabi nito kaya napaupo ako dahil sa hindi na kaya ng katawan ko ang bawat naririnig ko "Kaya nagplano kami na patayin kayo para mapunta samen lahat ng mga kayaman nila"
"Mga mukhang pera..." Mahinhin pero may diin na sabi ko
"S-sana mapatawad mo kami Xenovia" sabi ni Ate
"Di ako diyos para magpatawad kaya kung anong kinuha nyo sa akin sya deng kukunin ko sa inyo!" Tumayo at walang alinlangang itinutok ulit sa kanila ang baril ko
"Please Iha! Wag mong ipuputok yan" pigil saken ni Tita Len
"Last message" ngiti ko sa kanila at handa ng kalabitin ang baril "Buo na desisyon ko kaya sabihin nyo na kung may hindi pa ko nalalaman"
"Please bunso! Stop" pagmamakaawa ni Ate saken
"Magkita nalang tayo sa kabilang buhay" kakalabitin ko na sana ang baril ko ng..
"Wag Xenovia! Wag mong ituloy baby..Please" sigaw nung kung sino sa likod ko kaya walang akong alinlangang na nilingon siya at ganun nalang ang gulat ko sa nakikita ko...
Di ako nagnamamalik-mata... Bakit nandito sya..Paanong...
BINABASA MO ANG
My Personal Maid have a Secret
RandomKayamanan ang naging dahilan kung bakit nagkasira-sira ang buhay ko.. Kayamanan ang naging dahilan kaya nalaman ko ang mga sekreto na matagal na nilang tinatago.. At Kayamanan den ang papatay sa kanila sa sarili kong kamay mismo.. Ang kayamanan ang...