Xen POV."Sinong nag-utos sayo?" Sabi ko habang nakatutok ang baril sa ulo nito
"S-si Master B---"
"Taas ang kamay! Mga pulis to!" Sigaw kung sino sa likod kaya napataas ako ng kamay habang hawak ang baril
Kinuha nila ang lalaking nasa unahan ko at pinusasan at dinala kung saan. Kaya umikot ako at saktong may tatlong pulis na may baril ang nakatutok saken. Mga epal talaga di pa saken nasasabi nung lalaki ang master nila..
"Tsk" iling kong asik sa mga to "Kailan ba ko makakatakas sa inyo"
"Miss..pede bang paki-baba ng baril" mahinahong sabi ng isang pulis saken
"Sino ka para utusan ako?" Sabi ko sabay baba ang kamay sa pagkakataas "Pulis lang kayo mamamatay tao ako"
"Miss please.. Just put down your weapon" Sabat naman ng isa
Tawa lang ang sinagot ko sa kanila habang iniikot ang baril sa kamay ko. Nakamask ako kaya hindi nila malalaman kung sino ako pag-pinatay ko sila isa-isa. Sasavage ko kaya sila isa-isa habang pinaglalaruan o kaya pahirapan tsaka chapchapin ang mga katawan nila para masaya..
"What happened?" Tanong ng kadadating na lalaki
"Boss..ayaw nya po kaseng ibaba ang baril na hawak nya" sagot ng isa sa tanong nito
Bumaling saken ang lalaki tsaka bumaling ulit sa kapwa pulis nito "Kilala ko sya" sabi nito sa mga kasamahan
"P-po?" Utal na sabi ng isa
"Ako na bahala sa kanya..Mauna na kayo" mahinahon na sabi nito tinugunan naman sya ng tatlo tsaka tinalikuran kami
"Kung ako kilala mo pwes hindi kita kilala" sabi ko dito ng mawala ang mga lalaki
"Sa totoo lang Iha..hindi talaga kita kilala" tawa nitong sabi kaya napakunot-noo naman ako dito
"Baliw ka pala tanda eh" tawa kong sabi "Anong kailangan mo?"
"I have a favor kapalit ang hindi mo pagpasok sa kulungan dahil sa ginawa mo ngayon Iha" may ngiting sabi nito saken
"Anong namang favor yun?" Tsaka itinago ang baril sa bewang ko
"Alam kong may napasok ka at may pa--"
"Daretsuhin mo na ko Tanda ang dami mong paligoy-ligoy pa" inis kong sabi dito natawa naman to
"Tama nga ko pwedeng-pwede ka" sabi nya habang pinag-mamasdan ako
"Tsk! Just straight to the point" sandal ko sa pader sa gilid ko
"Maging Personal Maid ka ng anak ko" daretso nyang sabi kaya ganun nalang ang gulat ko
"I'm not joking Sir" tawa kong sabi dito
"I'm serious Iha..please alam kong nakakagulat pero wala na kong magawa lahat na ata ng pwedeng maging maid ng anak nakuha ko na pero wala talagang nagtatagal" pagmamakaawa nito sa harap ko
Ako magiging isang Maid. Ako na isang lider ng kinatatakutan ng lahat magiging katulong ng anak nito kapalit ang hindi ko pagkakakulong sa kulungan..
"Anong bang klase ang anak nyo Tanda" iiling-iling na sabi ko dito tsaka umalis sa pagkakasandal
"Base sa ugali mo magkapareho kayo" sabi nito
"Dahil lang don kaya gusto mo kung maging katulong ng anak mo"
BINABASA MO ANG
My Personal Maid have a Secret
RandomKayamanan ang naging dahilan kung bakit nagkasira-sira ang buhay ko.. Kayamanan ang naging dahilan kaya nalaman ko ang mga sekreto na matagal na nilang tinatago.. At Kayamanan den ang papatay sa kanila sa sarili kong kamay mismo.. Ang kayamanan ang...