CHAPTER 14

17 1 0
                                    


Xen POV.

"Here" binigyan ko sila ng tig-iisang papel, kinuha naman nila ito at binasa "Yan ang puntahan nyo" tumango naman sila pero ang paningin at nasa papel na hawak nila

Nasa masyon kami, dito na kami dumaretso pag-kaawas dahil ito lang ang ligtas na lugar para mag-usap-usap kami..

Napatunghay ako kay Steve ng ilapag nito ang isang bote ng alak at apat na baso galing sa kusina, napailing nalang ako..

"Hindi masaya kung walang alak" ngiwi nya at sya na mismo ang nag-bukas ng dala nitong alak "Come on, guyss" salin nito sa apat na baso

Wala na kaming nagawa kundi inumin ang alak sa baso "Sa weekend tayo magsisimula" pangunguna kong sabi, tumango sila bilang sagot

"Dito muna kami sa masyon mo, Xen. Wala kaming mahanap na matutuluyan" sambit ni Yell, napairap ako ng ngumisi ito

"Walang mahanap o ayaw lang mag-aksaya ng pera" sambit ko tsaka nagsalin ng panibagong alak sa aking baso "Negosyante nga kuripot naman" biro ko

"Well, ayaw lang naman nameng mabawasan ang pera namen" birong sabi ni Kaira, tatawa-tawa akong umiling dito "Ikaw nga eh.. Negosyante turn to Personal Maid" napatigil ang pag-inom ko ng alak

Tinignan ko ito ng daretso pero nakangisi lang itong sumandal sa sofa at tinungga ang sariling baso ng alak, bumaling naman ako kay Steve na may pagtatanong na mukha pero ang tarantado hindi sumagot..

"How did you know?" Inilapag ko ang baso ko tsaka sila tinignang dalawa "Sinabi ba ni Steve sa inyo?" Bumaling sila kay Steve tsaka umiling

"Hindi namen inaasahang na maririnig ang tungkol na yan kanina sa school nyo" si Yell ang sumagot, sumandal ako sa sofa "Di nyo sinabi na gumawa pala kayo ng bagong plano" may seryusong tanong nito

Buntong -hinga ko silang hinarap dahil paniguradong kailangan kong mag-explain sa kanila, nasanay kase silang na kailangan ng balita sa nangyayari samen kahit malayo sila. Hindi ko nga ren alam kong bakit kailangan kong sabihin ang bawat ginagawa ko sa kanila?

"Is a accident" sambit ko, mukha silang hindi nakonsinte kaya matunog kong bumuntong-hinga "Nahuli ako ng mga pulis na nakikipag-away muntik na akong makulong kung hindi lang sa tatay ng inaalagaan kong amo" nabago ang mukha nila, naghahanap pa ng kadugsong

Inilapag ko ang aking baso dahil paniguradong wala na itong lasa dahil sa natunaw na yelo na nilagay ni Steve ng hindi ko alam..

"Everyone's don't want to grow up in a jail, Guyss" tatawa-tawang sabi ko sa kanila "Dahil sa takot kong makulong tinanggap ko ang deal nya. Ayuko namang matulog sa kulungan no"

"Papayansahan ka naman ni Steve, Xen. Kaya bakit tinanggap mo pa ang magiging P.A?" Si Kaira na may halong inis ang boses

I rolled my eyes "Ayukong maglustay ng pera para lang sa walang kwentang bagay" seryusong sambit ko sa kanila "..nagtataka nga ako eh, bakit kailangan ko pang magsabi sa inyo at magexplain" dahil naren sa inis at hindi ko na mapigilang maghimutok

"Nag-aalalang sila sayo, Xen" si Steve, imbes na pansinin ay nagsalin ulit ako ng panibagong alak sa baso at nilagyan ito ng yelo "tsaka mabuti naman ang kinalabasan" sya na ang nagpaliwanag sa dalawa

"Maganda?" Si Yell

"Yeah, isang mayamang police ang ama ng inaalagaan nya at dahil don nabuksan ang kaso na gusto nateng makuha"

Napatigil ang pag-inom ng magvibrate ang phone ko sa tabi ko, napatigil sila sa pag-uusap at nagpasalin-salin sila ng tingin saken at sa telepono ko..

My Personal Maid have a Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon