Chapter 1

312 12 2
                                    

Blue POV

[Code blue, do you copy?]

Hinawakan ko ang device sa aking tenga.

"Code blue is on the line."

Mabilis kong sagot sa kabilang linya ng magsalita ito. Ngumisi nalang ako.

"Please! Please, I have a family! I have a family! Please have mercy! PLEASE!"

Natawa ako sa sigaw ng matandang nasa harap ko at naka-luhod pa ang dalawang paa habang nakatiklop ang mga kamay at walang humpay na nagmamakaawa sa harap ko.

"Mercy? What's that?"

Yung mercy ba yon? Don sa Bacolod?

Napahagikhik ako at umupo sa isang upuan sa harap nya.

Nag-dekwatro ako.

"Please! I can pay you triple! No! More than that!! Just don't kill me! I know you're just working for someone! So, please!"

Napahikab ako.

Napatingin ako sa orasan sa aking pulso at mabilis na tumayo. Naalarma naman ang matanda na kulubot na at umiiyak pa.

Binunot ko sa likod ko ang shotgun na sinampay ko lamang doon at itinutok iyon sa ulo ng matandang nasa harapan.

"Any last words?"

I uttered with pure words. Ano pa ba?

"PLEASE!! DON---"

BANG!

Tumalsik ang mga dugo nito sa magarang kwarto niya. Wasak ang bungo nito dahil sa ulo ko siya pinatamaan. Napapapunas pa ako ng noo dahil may tumalsik doon.

"Target number one is dead. One way to go."

[CODE BLUE!]

Napangiwi ako sa malakas na sigaw ni Stephanie sa earpiece ko sa tenga. Putang babae oh.

Ipinagpatuloy ko ang pagtakbo papuntang elevator ng hotel na ito.

"Pwede ba? Hina-hinaan mo yang bunganga mo?"

Inis kong anas at mabilis na pumasok sa loob ng elevator nang akmang magsasara ito. Ipinatong ko ang dalang bag sa gilid at inayos ang maskarang suot sa mukha.

[Hiyang hiya naman ako sa bunganga mong sobra pa sakin, Blue.]

Sarcastic na tugon nito sa akin. Napa-ikot ako ng mata.

TING!

Agaran akong lumabas ng bumukas na ang pinto ng elevator sa rooftop ng hotel na ito.

"Ang ingay mo kitang nasa gitna ako ng misyon, wag mo nga ako kausapin."

[Aba--]

Inis kong sabi at pinatay ang linya nito sa akin. Kahit kailan talaga.

Binagsak ko sa gilid ng rooftop ang dala kong bag at humawak pa sa magkabilang beywang. Tinanaw ko ang napaka-lawak na siyudad ng Tokyo.

"Android Cillix, activate. This is your master Blue speaking."

Sabi ko at nang napindot ko na ang gilid na button sa earpiece ko.

[Hello master Blue. How are you?]

Sumagot naman si Cillix na tila isang robot. Actually, she's a generated artificial intelligence. Nasa loob siya ng lahat kong gadgets at naka-set siya para sa boses ko lang makinig.

"I'm fine."

Sagot ko at binuksan ang dalang bag at nilabas doon ang isang set ng sniper na hindi pa nabubuo.

That One Blue Eyed AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon