Chapter eight

152 12 29
                                    

Blue POV

It's been 2 weeks, at naglulumigaya ang kaibuturan ko dahil umaayon sa lahat ang mga plano ko. Ilang beses ng nagpapa clinic ang principal dahil sa pag ubo at pag sikip daw ng dibdib nya na parang hindi sya makahinga. Lumalala nadin ito at konting push nalang tigok nayon. Walang makakaalam na gabi gabi akong pumapasok para lagyan ng panibagong lason ang opisina nya. Mas ginawa kong nakakamandag ang lason para mamatay na sya.

At ayoko ng tumagal pa sa eskwelahan na ito. Nasasakal ako sa iisang lugar,

"H-hi, ma'am. F-flowers for you."

Napalingon ako sa estudyanteng nag bigay sa akin ng isang bouqet ng flowers. Tinanggap ko ito kahit ayoko at nginitian ang estudyante ko. Ilang araw nadin ganito ang mga nangyayari. Araw araw akong may dalang mga bulaklak o di kaya ay stuff toys at chocolates pabalik sa dorm ko. 

Naging campuss crush ata ako ng mga bata dito.

Nako naman,

"Thank you."

I smiled at him. Napatigil naman ito at ang kaninang namumulang pisngi lang ay naging buong mukha. Napapailing ako.

...

Natapos ang klase ko kaya papunta ako ngayon sa cafeteria para mag break. Vacant ko din naman sa sususnod na oras kaya pwede akong magliwaliw sa cafe. Ayoko sa opisina ng mga teachers, ang gulo don at ang sasama ng mga tingin ng iilang babaeng guro.

Ng maka order ako ay naghanap ako ng upuan at naupo ng tahimik.

Napatitig ako sa pagkaing nasa harapan ko at napangisi.

Biglaang lumabas sa isip ko na lalasonin ko nalang ang pagkain ng principal! Mas madali yon!May dala naman akong nakakamatay na lason galing sa HQ, walang may makakapagpatunay na nalason ang mag coconsume nito. Napapangiti ako at nilantakan ang pagkain ko.

"May i sit here?"

Natigil ang pag sakmal ko sa paa ng manok ng may lumitaw sa harap ko.

Si River, pansin ko lang these days. Parang nagfefeeling close ang lalaking ito. Palagi nya akong nginingitian at parati syang mabait sakin. Lagi nya akong tinutulungan sa mga gawain ko bilang isang guro. Hindi ko naman hiningi tulong nya.

Baka kulang sya sa pansin?

"Go on." walang pakialam kong hayag at ipinagpatuloy ang pagkain

Umupo nga sya sa harapan ko ngunit ramdam ko naman ang mga titig nya.

"Something wrong--" napatigil ako ng walang pasabi nyang pinunasan ng isang tissue ang ilalim ng labi ko

Nagkatitigan kami at napatigil ako sa pag kain. Napatitig ako sa malalim nyang mga mata na tila ay may nais sabihin, hindi din sya umiwas ng tingin at napatitig din sa mga mata ko. Anong meron? Sobra naba ang kagandahan ko? Gusto kong matawa ngunit hindi ko magawa dahil sa biglaang pag seryoso ng mukha ni river.

"Mi amore."

Nabitawan ko ang hawak na kutsara kaya naglikha iyon ng ingay sa lamesa namin na naging dahilan at naging rason ko upang umiwas ng tingin sa kanya.

"Mi amore?" i spoke

Kulang nga siya sa pansin. Ahm

He chuckled and didnt answer me. Putragis, na loko na.

["Excuse me, everyone."]

Na agaw ang pansin ko at naming lahat ang nagsalita sa speaker ng unibersidad na nandito sa loob ng cafeteria at alam kong sa ibat ibang parte din ng school grounds.

That One Blue Eyed AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon