Chapter five

219 18 30
                                    


Blue POV

Iminulat ko ang mga mata ng makaramdam ng lamig sa buong katawan at napagitla na lamang ako ng mapagtantong nasa loob ako ng bath tub at sobrang lamig ng tubig. May suot padin naman akong damit pero nag iinit ang ulo ko dahil dito.

Putragis!!

Sinong tangina ang naglagay sakin dito?! Makakapatay ata ako ng wala sa oras at walang bayad, kingina!

Dali dali akong umalis sa tub na may mga ice cubes pa, nanginginig ang mga kalamnan na napa upo ako sa sahig dito sa loob ng cr ng kung sino man ang naglagay sa akin doon.

"B-bwisit, s-s-sobrang l-lamig. T-tang-tangina... brr."

Napayakap ako sa sarili at pilit nilalabanan ang lamig ngunit nangunot ang noo ko ng may napansin. Hindi na kumikirot ang mga sugat ko. Kahit nilalamig at nanginginig ay inangat ko ang damit ko at napatingin sa bewang ko at sa ilang parte ng katawan ko. Mas lalo akong nagtaka at napamura. Magaling na sila, ni peklat wala na. Hindi naman nalinisan sugat ko ah? Paano nangyari yon?

Nagulat ako ng may naglagay ng makapal na tuwalya sa magkabilang braso ko kaya halos naging robot ang pag kilos ko at napalingon sa may naglagay. Nagsalubong ang kilay ko at sinamaan ito ng tingin.

"Strip."

Mas lalo akong nainis at tinabig ang kamay nitong nakahawak sa braso ko. At anong strip?! Putangina! Nakakagaga sya mga kingina!! 

Winasli ko ang tuwalya nya at nanginginig na tumayo habang yakap ang sarili. Gusto ko syang duruin pero parang nanigas na ang mga kamay ko habang yakap ang sarili ko.

"P-putangina! B-bat mo ko nilagay sa malamig na bath tub nayan ha?! L-loko loko kaba?!"

Inis kong sabi at dinuro na sya. Tangina mga bes! Sarap nya reypin!! Ay sorry, nadulas.

"Calm down."

Huminga ako ng pagkakalalim dahil sa sinabi nya.

"P-paano ako cacalm down ha?! Brrr!"

"Tsk." napasinghal ito

Nagulat ako ng walang pasabing hinila nya ang braso ko at pinulot ang tuwalyang nasa sahig at hinila ako. 

Lumabas kami ng banyo.

"W-wag mo nga ako hawakan!"

Naiinis na ako! Sobrang kamalasan na ang nangyari sakin tapos dadagdagan nya pa? Hayop!

"Sit down."

Pina upo nya ako sa isang wooden chair nya. Hindi ko mapigilang ilibot ang tingin sa loob ng kwarto. Infairness ang ganda, mas maganda ng bali isang daang porsyento kesa sa bahay ko. 

Ang bango din, panlalaking panlalaki.

"Now, strip."

Napaangat ako ng tingin sa kanya habang magkasalubong ang mga kilay.

"Strip? Ako ba ginagago mo, lalaki? Kung ikaw kaya mag hubad?! Ha?!"

Nakita ko itong napahilot sa sintido nya habang ang isa nyang kamay ay nasa bewang nya at naka tayo lang sa harap ko. Tila nagtitimpi ito sa bunganga ko na kanina pa sigaw ng sigaw. Pati nga ako ay naririndi na sa boses ko e. Hindi ko lang mapigilan kasi inis na inis ako ng magising!

"Tch."

Napatigil ako sa muling pag sigaw ng may bumukas sa pinto ng kwartong ito dahil rinig kong may tumunog na kung anong alarm doon sa gawi ng pinto.

That One Blue Eyed AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon