Chapter 1

67 12 1
                                    

Chapter 1

Feeling the cold wind of December. I am hugging myself as i watch the fireworks.

It's Christmas.

Nandito ako sa balcony ng kwarto ko. Di ko kaya makipagkasiyahan sa kanila sa baba.

Napapikit ako ng gumuhit ang malamig na hangin sa balat ko. Di ko namalayang lumuluha na ako. Nang may kumatok sa pinto. Mabilis ko naman pinunasan ang luha ko bago lumingon.

"Anak, halika sa baba" ani na manang

"Okay lang po ako dito, manang" at binigyan sya ng kunting ngiti

Lumapit si manang sakin at giniya nya ako sa kama at umupo kaming dalawa

"Alam kong malungkot ka"

"Okay lang po talaga ako manang"

Kilala na ako ni manang, sya na nag-alaga sakin simula nang ipinanganak ako.

"Intindihin mo nalang sila, para din naman sayo yung ginagawa nila" ani pa niya

Ngumiti na lang ako at tumango.
Nag-buntong hininga nalang si Manang sa tugon ko.

Kasi alam nya ang tunay kong nararamdaman. Pinilit pa rin ako ni Manang na makisaya sa kanila sa baba kaya sabay naming pinagdiwang ang pasko kasama ang mga katulong.

Hanggang sa New Year na, Ako nalang mag-isa kasi umuwi na yung mga katulong namin pati na rin si Manang.

Hindi na sana sya uuwi kasi nga wala akong kasama pero alam ko rin naman na miss na miss nya na yung pamilya nya, ganun din ang iba. Di na nga sila umuwi nung pasko kaya hinayaan ko nalang silang umuwi sa pamilya nila.

Kakaalis lang ni Manang, at nung isang araw pa yung iba.

Nakatunganga lang ako dito sa kwarto. Mag-babagong taon na pero di pa rin nila naisipang tawagan o kamustahin ako.

Ilang beses ko na silang sinubaukang tawagan pero lagi yung secretary nila ang sumasagot at busy pa raw sila.

"I'm sorry, they are in the meeting right now" sagot ng Secretary

Pinatay ko nalang ang tawag, kahit di pa nagpapa-alam.

I was scanning my contacts ng makita ko yung name niya. Kaya sinubukan ko itong tawagan

Naiiyak na ako ng wala man lang sumasagot. Ilang beses ko pang sinubukan hanggang sa di ko na talaga makontak.

Naiyak na ako ng tuluyan, kasi kahit ang kaisa-isang tao na akala ko di ako iiwan ay iniwan parin ako.

Hanggang sa sumapit ang bagong taon at dumating na ang kasambahay pati si Manang.

At ilang linggo nang dumating na ang mga magulang ko.

Galing ako sa School ng pagpasok ko sa sala nang makita ko si Mommy at Daddy na nag-uusap.

Parang lahat ng tampo ko ay nabura.

"Mom!, Dad! " masayang tawag ko at niyakap sila paglapit ko "I miss you po" ani ko pa

Niyakap naman nila ako. "We miss you too, princess" sabi ni Dad. Ngumiti naman ako at niyakap sya ulit.

"Are you staying here for long?" I ask "Malapit na po yung Graduation ko"

"Yes" sagot ni mommy. " wala na rin naman kaming gagawin sa states. Ayos na rin ang problema ng business kaya dito na muna kami" ani pa nya

Masaya naman ako. Di ko na sila tinanong kung bat di sila umuwi nung pasko at bagong taon.

Sabi na rin ni mommy na nagka-problema sa business namin kaya sila busy.

Fall In Love with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon