Chapter 2 - First Encounter

54 9 3
                                    


*****************************************
Chapter 2

Monday came, first day of being College Student. And 4 days from now Birthday ko na.

I am excited, kasi namiss ko na rin yung family ko. I'm excited to celebrate my birthday with them. I was busy imagining when the door open.

"Sofiea, maghanda ka, first day mo ngayon" sabi ni manang

Di ko pinansin yung sinabi nya masigla akong bumangon sa kama at niyakap sya.
" Good morning nay!" Masaya kong bati sa kanya
"Masaya yata tong alaga ko ah"
"Opo, excited po kasi ako eh"
"Excited din ako para sayo, pangarap mo doon mag-aral pag college eh, kaya masaya ako para sayo" sabi nya na parang di na-ge-gets yung sinabi ko.
"I mean nay, excited po ako kasi malapit na yung birthday ko, makikita ko na rin sila mommy, miss ko na po sila eh" sabi ko

"Hahaha, yun pala ibig mong sabihin?" Tumango naman ako "excited din naman ako sa school" kibit balikat kong sabi.

"O, sige na. Para di ka malate. Mag-ayos kana" ani nya at umalis na sa kwarto. At nag-ayos na rin ako.

Nasa school na ako at papasok na sa room.

Habang nag-hihintay sa instructor namin. Tinext ko si Luna na nasa room na ako at magkita kami pag vacant na.

Tinago ko na yung cellphone nang may pumasok na instructor

"Good Morning, I am Mr. Reo Alvarez your instructor for this .........." Pagpapa-kilala nya
"Kayo naman!" Sabi nya

Kaya isa-isang tumayo yung mga kaklase ko para magpakilala. Nang turn ko nang magpa-kilala nahihiya akong tumayo sa harapan. Habang nasa harapan na ako grabe maka titig yung mga kaklase mayrong humahanga mayron ding namimintas. May ilan din namang walang paki-alam.

"Good Morning, i am... Ahh.. Sofiea Valdez,, i am 18 years old, well, ahmm turning 19. 4 days from now. Ahhm. Ahh. Thank you!" Pilit akong ngumiti.

Ganon lang ka simple ang pagpapakilala ko.
Wala namang interesting sakin.

"Ms. Valdez?" Kuha ng instructor sa atensyon ko.
"Yes po?"
"How are you related with Mr. And Mrs. Rolan Valdez?" Tanong nito
"They're my parents po"
"Ahh, ganun ba? Thank you, you may sit" sabi nito

Di na ako nag tanong kung bakit, kaya umupo nalang ako nang may nagsalita sa tabi ko.

"Kapatid mo pala si Sofer?" Tanong nito

Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti ng konti bago tumango.

"Im Meaghan, nice to meet you" pagpapakilala nito saka abot ng kamay

"Sofiea, nice to meet you" abot ko din dito
Ngumiti lang ito

After magpakilala lahat, umalis na si sir.

Kaya maingay na ulit yung room.
Block Section kami kaya di na kami lumilipat ng room. Mga Instructors and Ireggular students na lang ang pumapasok dito.

Tahimik lang ako sa upuan, kasi wala naman akong kakilala dito. Wala din akong school mates dito dati. Kung meron man di ko lang kilala.

"You're shy, ibang-iba ka sa kuya mo" sabi ni Meaghan
"Do you know him?"
Ngumiti naman ito "Yes" sagot nito na parang nanghihinayang
"How?" I ask " He's friends with my cousins"
Tango lang yung tugon ko.
I want to ask more, pero di naman kami ganun ka close.

"Wala daw tayong Instructor ngayon, may meeting sila. So we're free to leave" sabi nito at agad na lumabas ganun na rin yung ginawa namin.

Wala naman akong gagawin, kaya nilibot ko nalang yung school campus mag-isa. Kasi pumasok yung mga instructors ni Luna.
While walking, hindi ko namalayan na nasa likod na pala ako nang gym. Aalis na sana ako nang may narinig akong parang nag-aaway.

Fall In Love with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon