Chapter 4 - Birthday Party

38 4 1
                                    


"Happy birthday, my princess- Y"

Nandito ako sa kwarto naghahanda para sa party ko mamaya. Nang paulit-ulit sa isip ko yung sulat ni Yvow.

Sabay hawak sa bagay na nasa dibdib ko.

(Flashback)

"The flowers.." Sabi ni Meaghan lumingon naman kami sa kanya nakatingin lang sya sa malayo at nang naramdamang nakatitig kami ni Carlie lumingon sya samin.

"What about the flowers" tanong ni Carlie
"The flowers..."sabi nya at tumitig sakin ako naman ay parang kinakabahan sa sasabihin nya "it's.. It's from Yvow

Carlie and i gasp. Naalala ko yung letter nya.
At naala ko ri yung box. Dali-dali ko kinuha sa bag ko.

Tumititig lang sila sa ginawa ko. Nang mabuksan ko yung box. Pareho kami napangsinghap sa laman. At nag-tinginan.

And i feel my heart beat so fast. There's a letter and a necklace.

"Happy birthday,my princess" basa ni Carlie
At lumingon sakin ng nang-aasar.

Di ko naman alam ang ere-react ko.

"Paano?" Tanging tanong ko.

"Maaga akong pumasok kanina" kwento ni maeghan "nang makita ko syang nakaupo sa
upuan mo" dagdag nya. Tutok naman kami sa kwento nya. Nang magsalita si Carlie

"At alam nya kung saan ka naka-upo" pang-aasar nya.

Sa sinabi nya. Nanindig naman ang balahibo ko. Is he a stalker? Kinilabutan naman ako.

"Nang makita nya ako" patuloy ni meaghan "tumayo sya at binigay sakin ang flowers para ibigay daw sayo at umalis na" pagtatapos nito.

"Nakakakilig naman" kinikilig na ani ni Carlie. Habang ako di alam ang ire-react.

Nagkatinginan naman kami ni Meaghan.
"Akala ko kayo kaya naman tinanggap ko" dagdag nito. "Nagtataka naman ako bat di sya mismo ang nag-bigay, kaya pala"

"Halatang may gusto sayo si Yvow" sabi naman ni Carlie

at sinubukang buksan yung heart pendant ng necklace. Pero di nya mabuksan.

"Wala bang key jan?" Tanong nya

Tinignan ko naman ang box pero wala nang laman.

"Wala" sagot ko

"Na sa kanya siguro ang key" sagot naman nito

Bumilis naman ang tibok ng puso ko di dahil sa kilig kundi  dahil sa kaba. Kabang di ko alam kung para saan.

"Iha, nandito na mga kaklse mo" natigil naman ako sa pag-iisip ng magsalita si Manang.

Lumingon naman ako

"Sina Mommy nandyan na po ba?" Tanong ko ulit sa kanya. Di ko na mabilang kung ilang beses ko na yun tinanong basta pagdating ko galing sa school pa.

"Wala pa rin" sabi nito "malapit na rin yun" dagdag pa nito.

"Mag-sisix na po" nawawalang pag-asa kong saad.

"Iha, dadating din sila"

Tumayo naman ako at lumabas sa veranda ng kwarto ko. Tinignan ko naman yung baba. Marami na ding mga bisitang nagsidatingan pero wala naman akong kakilala.

"Si Luna po?" Tanong ko dito.
"Nasa baba na rin, kasama mga kaklase mo" sagot nito

Napabuntong-hininga naman ako. Lumingon naman ako kay manang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall In Love with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon