29

91 1 0
                                    

LIONEL

Clashing of shields and weapons echo in the field. Kanina pa kami naglalaban dito simula kaninang umaga.

"Magpatalo ka naman!" sinangga ko ang espada ko sa espada ni Kaito.

"No." nanood si Dad, panigurado iyan.

"Gago masusunog ang buhok ko!" inatake siya ni Mason ng apoy.

Iniilagan ni Erina at rosaleen ang palaso galing sa pana ni Cyrus. Naglalaban naman si Cole at Clea ganun din si Lunox at Soleil... Spear against a dagger. Brianna throws a dagger at the target.

Since wala pa kaming misyon ay napagdesisyunan naming magtraining. Masyado na kaming narerelax. May ibang demigod kaming kasabay pero ayaw nila makisali sa amin.

"Nakakapagod!"

Humiga sa damuhan ang iba sa amin. Hinahabol ang paghinga at nakatingala sa langit.

"Anong ginagawa niyo?" napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Uh... training." nahihiya si Briannang sumagot dahil siya ang pinaka malapit sa amin.

Si Bridget—leader ng mga huntre, kasama si Louella ng mga amazons.
Papalapit sa pwesto namin. Matikas ang tindig nila at handa sa laban.

Tinananguan ko lang sila.

"Sinong kasama niyo?" Erina runs to them.

"Kami lang at dalawang kasamahan namin." she smiled innocently. So innocent kaya ka nilang lampasuhin sa laban.

Pinakilala naman silang dalawa sa mga bago naming kasama. Waves of acknowledgement and greeting filled the place.

"Can we join?" Nagtitinginan pa kami bago tumango.

Sumali din ang apat nilang kasama. Nang handa na ay sumugod kami sa kanila. Hindi namin gagamitin ang ability namin. We can't always rely on that.

This will be fun!

Groans and cries are heard. Nagkakasugat na kami pero minsan lang 'to kaya hindi na ako magrereklamo.

These ladies are deadly. We don't underestimate them... Kahit ang mga kasama namin sa grupo. We can't ignore their strength and ability.

"That's not fair!"

Lunox spear almost graze the amazon's skin. May kuryente pa naman iyon

Cuts and bruises were on us pagkatapos.

Nagrereport pa din pala sila kay Sir Atheo. Parte pa din naman sila ng camp na ito. Hindi lang  sila tumutuloy dito.

Nagpagamot kami sa clinic pagkatapos. Halos mapuno ito dahil sa amin. Nagpaalam din sila sa amin pagkatapos.

CYRUS

"Aamin na ako sa kanya..." naguusap kaming tatlo sa kwarto ko.

"Paano?" Gareth and Kaito stares at me.

Pinuntahan ko si Rosaleen. Kasama niya ang mga babaeng iyon ngayon. Kabado ako sa gagawin ko.

"Rosaleen p-pwede ba t-tayong mag-usap?" mapanuksong ngiti ang iginawad sa nila akin. A knowing smile is on their lips, Clea is amused but stern looking.

"Go shoo!" tinulak nila ito. Papalayo sa kanila.

"Bye lovebirds!" Erina waves.

Hinila ko ang kamay niya at nagpatianod naman sa akin. Dinala ko siya sa greenhouse ng camp. Flowers bloom when she touches them.

Aamin ka di ba, Cyrus? Anong ginagawa mo. Sino bang gusto mo yung bulaklak o si Rosaleen?

"R-rosaleen..." napahawak ako sa batok ko, "Gusto ko sanang..."

Lumingon siya sa gawi ko, "Gusto... ang alin?"

Her olive green eyes shines and long lashes is thick. Maninipis ang labi niya. Her long hair frames her oval face.

"I..." praktisado ko na ito kagabi eh. "Ano kasi..."

"Your red tara sa clinic." hinila niya nag kamay ko.

Nagwawala na ang puso ko sa dibdib ko. I can't joke around at times like this. I swallowed hard.

"Can I court you?" I blurted out like a kid.

Napaawang ang bibig niya sa narinig. Sino bang hindi magugulat sa sinabi ko? Baka mamaya iba ang gusto niya... Okay lang. At least umamin ako.

"W-WHAT?" she stammers. Unsure of what's happening.

Magpapaalam muna ako. Baka magalit si Demeter kapag binigla ko ang anak niya. Ayokong maging puno!

"I like you..." I sincerely said.

Calm down heart, wala pa siyang sagot sa akin. Basted na ba agad ako?

Para kaming pinapanood ng mga bulaklak dito sa greenhouse. Buti wala yung nagbabantay na Dryad.

Tinitignan ko siya sa mata at labi...
Self-control Cyrus! Manligaw ka muna.

"I..." umiwas siya ng tingin.

Does she like someone already, kung meron ay titigil na ba ako?

Nahihiya siyang ngumiti. It's a genuine one. Sigurado ako sa nararamdaman ko, "Okay."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at niyakap siya. Pero hindi mahigpit baka tubuan ako bigla ng ugat sa paa.

Namukadakad ang isang lavander rose kahit wala kaming tanim dito.
Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Ngumiti din siya sa akin.

KAITO

"Pre parang may mali sa akin."

Umalis si Cyrus para hanapin si Rosaleen. Sana lang ay maging maayos ang gagawin niya.

"Bakit naman?" nakatayo si Gareth sa paanan ng kama ko.

This past few days mabilis ang tibok ng puso ko, naiirita, ngingiti ng mag-isa. Nangyayari lang kapag nakikita ko si Erina. Gumanda siya lalo sa paningin ko pagkagaling nila sa Olympus.

The fuck!

Gumanda?! Eh Mana nga iyon sa tatay niya. Tss.

"Babae ba iyan?" nabaling ang tingin ko sa kanya.

"Baka nababaliw lang ako Pre."

Lalabas na sana ako ng narinig ko ang tawanan at tuksuhan. Nakita ko ang mga babaeng paakyat. Napalunok ako ng makita ko siya.

She is glowing.

Sinampal ko ang sarili ko. Glowing my ass! Napakasungit nga ng babaeng iyan!

"Sinong sumampal sayo?" Brianna ask "Namumula ang pisngi mo o."

"W-wala iyan hahahaha"

Nakaismid siya habang tinitignan ako.
Mukhang natutuwa sa nakikita. Pumunta sila sa kwarto ni Cole. Doon yata magpapalipas ng oras.

"Susunod ako... May kukunin lang."
Pumunta si Brianna sa kwarto niya.

"Good luck sa pagtatago."

"Nakikita kita anong itatago?"

Maghahide and seek ba kami para magtago? Iniwanan na ako ni Gareth at bumalik sa kwarto niya.

Lunox smirked at me. Nakatayo ito sa veranda ng villa, at nakahilig sa veranda ng entrada. Nakita niya kaya ang pagsampal ko sa sarili ko?

Nakangiti si Cyrus na pinaningkitan ko ng tingin. He is grinning at muntik pang madapa sa hagdanan. What is wrong with him?

Nagconfess nga pala kay Rosaleen ang Gago. He is a lovesick whipped-ass fool.

"Anong sabi?" lumingon ito sa akin.

"Okay." nakangiti pa din ito.

"Anong okay?" hindi ako manghuhula para hulaan ang sinsasabi niya.

"Hanap ka na din 'tol!" he pats my shoulders bago pumunta sa kwarto niya.

Soleil and Lunox: Storm CastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon