7

207 3 0
                                    

(A/N: don't forget to play the audio guys!)

LUNOX

Demigod? Seryoso ba siya?

She reminds me of someone I know. That's the first word that she learned. But nevermind.

Napatingin ako sa kwintas na suot ko. May pendant itong pahaba at may kidlat sa loob. Suot ko na ito bata pa lang ako.

"Ano bang hahanapin natin dito." speaking of. Bakit nasa field pa ito?
Kailan pa ako nagkaroon ng concern sa kanya.

"Yung bracelet ko kasi nahulog." paliwanag ng kasama niya.

"Ano bang itsura noon?" nagtataka niyang tanong. Nagmumukhang orange ang buhok niya dahil sa sinag ng araw.

Nagbago ang itsura nito bago siya makaharap. It looks normal except for the hair and the different sets of legs. A brass leg and a donkey leg.

Anong klaseng species ito? Mukhang extinct na.

Hindi siya nakagalaw sa nakita. She stood there wide eyed, makakalimutan pa yatang huminga.

If she was my sister baka nabatukan ko na ito para gumalaw.

"Let's go!" hinila ko ang kamay niya. Tumakbo kami palayo sa field. Ang problema lang ay malawak ito. Magnet yata ng gulo ang babaeng ito.

"Lucky, I thought of one demigod. The heavens give me two," Demigod? Ano ba kasing nangyayari?

"Saan tayo pupunta?" tanong nito sa akin. I should be the one asking her not the other way around.

"Somewhere safe." saan nga ba kami ligtas?

"We can't escape her. Isa yung Empusa."

Just keep running!

"Empusa? Sorry, 'Eh puta' lang ang alam ko." nakarating kami sa greenhouse ng school. It looks a garden pero dito madalas kunin ang bulaklak para sa mga office.

"Hindi ka ba nagbabasa ng libro? Kahit isang page man lang?" Obviously. Kahit magbasa ako walang mangyayari.

"Should we play hide and seek first?"
Eto na nga ba ang sinasabi ko. May mas malala pa pala sa akin.

"Demigod?" nakakunot ang noo kong humarap sa kanya. "Niloloko ba tayo niyan?"

"Shhh. Maririnig niya tayo." she puts her finger on her lips.

"Demigods~" she said in a sing-song voice.

"I am a living disaster may mas lalala pa pala sa akin." pagpaparinig ko dito.

"Who acts like a spoiled brat at hari-harian sa school na ito?" now she is angry.

"Talaga?!" asik ko.

"Talaga lang!"

The storm forms above the greenhouse. Strong winds and thunder circulate the place. We glared at each other.

Nakaramdam ako ng presensya sa likod namin. We are crouching behind the big vase of orchids.

"Found you!" hinila ko sa likod ko si Reina. Baka mamihasa ito sa ginagawa ko.

"Anong kailangan mo?" pinapainit lalo ng babaeng ito ang ulo ko. Thunder rumbles

"Ahh... You smell delicious." she sniffs the air around us. Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Madaming damo dito baka gusto mo." napafacepalm ang kasama ko. May sinabi ba akong mali?

"Hindi sa pagmamaliit pero anong klaseng utak meron ka?" niirita na ito.
Naiinis din naman ako sa nangyayari sa amin.

"I've waited this long. I never thought you'd be so vulnerable and an easy prey," natutuwa nitong sabi.

The boiling anger in me called the thunder. Nahulog sa likod namin ang basag na salamin. I can feel it—electricity—clinging to my skin.

"I don't come here to play games. I've been searching for demigods for weeks. I can't let you go," mukha ba kaming pagkain?

Inipon ko ang kuryente sa kamay ko. Naramdaman ko din ang air pressure na namumuo sa likod ko.

Just this once magtutulong kami.

I aimed it at her. With the air controlling it's direction. Hindi niya inasahan ang ginawa namin. Tumama ito sa kanya aimed at her chest. Nanginig siya sa ginawa namin bago bumagsak ang katawan niya sa sahig.

"Alis na tayo. Baka magrounds na yung guard dito." tumakbo kami ng mabilis.

Magtataka sila bukas kung bakit nasira ang greenhouse. Basag ang salamin at nangingitim ang bakal nito.

Gabi na ng makalabas kami sa school. Bumagsak agad ang katawan ko sa kama. Ginawa ko ba talaga iyon?

Ayokong maniwala pero nakita mismo ng mata ko. Naramdaman ko pati ang kuryente sa balat ko. Gusto kong matawa sa sinabi niya kanina.

Present ba ako noong tinuro ang tungkol diyan? Nagcutting yata ako noon.

Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa ginawa ko kanina. Tumayo lang naman ako sa greenhouse. Hindi naman ako mabilis mapagod kapag natakbo.

As usual halos time na ng pumasok ako. Wala ng tao sa hallways bukod sa mga tao sa classroom sa baba.

The news about the greenhouse reach the ears of the student council. Sila ang nagaalaga noon kaya galit na galit sila ng nalaman ang nangyari.

"Wala daw makuhang CCTV footage sa loob."

"Naputol yung kuryente sa loob."

"May nakita daw na babae sa loob pero unidentified."

May tenga talaga ang lupa. Kahit student council lang ang makaalam ay narinig pa din ng mga estudyante.

Kitang-kita agad ang blonde na buhok ni Reina. Papasok ng classroom. Mukhang puyat at kulang sa tulog. Siguro ay may epekto pa din ang nangyari sa kanya kahapon.

The jolly aura is gone, the grumpy persona is out. Yumuko agad ito pagkaupo.

Don't worry madami lang talaga akong napapansin. Tulad ng katabi namin halos maging bato nang pumasok ang katabi ko. Her unfocused eyes will sometime look at us for seconds pero iiwas din ng tingin.

Lunch break na agad. Mabilis lang tumakbo ang oras ngayong araw. Tulad ng parang alas siete lang kanina ay alas dose na agad.

"Puyat ka yata?" kailan pa hinintay ng lalaking ito si Reina.

"Sort of," kinusot pa niya ang mata niya.

Hindi ba nila alam na pinagtitinginan sila sa hallway? Kailan pa ako naging overprotective sa kanya? Hindi ko naman siya kaano-ano.

"Excuse me," I coldly interrupt them.
Call it rude pero mabagal pa silang maglakad sa magjowa.

Pagdating sa cafeteria ay si Dwight na ang kumuha ng order nila. Curious and envious looks shoot at her direction.

Napansin ko ang dalawang teenager na nakacivilian na pumasok sa canteen. Tapos na ang enrollment ah.
Nagangat din ng tingin si Reina. Kilala niya ba ang mga ito?

They were looking around. Napatingin sa direksiyon ko ang babae ganun din ang lalaki sa direksyon niya. Kahapon may gustong kumain sa amin, ngayon ay ki-kidnapin pa yata kami.

Pumunta ang babae sa harap ko. Ang shoulder length brown hair nito ay pirmi sa likod ng tenga niya.

"Can we talk?" tanong nito. Nagulat ang mga kasama ko.

"Uh we are talking." napa 'oohhh' ang mga kasama ko. She shoots dagger stares on them making them silent.

"Privately." kinantiyawan pa ako ng mga ito. May nagsabi pang 'galingan mo bro' na hindi pinansin ng babae.

Nakarating kami sa likod ng school. Andun na din si Reina at ang lalaki.

"You are not safe here anymore."

Soleil and Lunox: Storm CastersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon