8 years ago...
"Class dismiss"
Kaagad na nagtayuan ang mga kaklase kong tukmol at nag-uunahang lumabas. Puno ng ingay at sigawan ang bawat sulok ng kwadradong silid-aralan na ito. Ang iba namang naiwan ay puro kolorete naman ang pinagkakaabalahan.
"Pantay ba kilay ko?"
"Sa cheeks ko? Pantay ba pagkapula?"
"Omg! I like your lipstick! San mo nabili yan?"Palihim akong napangiwi at malamyang nililigpit mga gamit ko.
"Angie, nagawa mo na assignment natin nung nakaraan?" Tanong ni Faye, mahiyain naming kaklase. Maganda sya, maputi pero ubod ng hinhin. Tapos sobrang kabado pag recitation.
Agad ko syang nginitian. "Yup."
"Buti ka pa..." Napakunot naman noo ko.
"Why?"
"Kasi natatakot ako baka mababa grades ang ibigay ni Ma'am Gracia." Si Ma'am Nadice Gracia ang terror na prof namin sa 3rd year college.
"Huwag kang matakot na makakuha ng mababang grades, it only means na dapat mo pang ienhance yung ideas at skills mo. Mas matakot ka na mataas nga grades mo kahit di kagandahan ideas mo." Ngumiti ako sa kanya ng tipid. "Not all negatives can make your life worst, sometimes we need to know the negative side of our life for us to enhance and grow." Nginitian ko sya at nagpaalam nang umalis.
"Angge~" tawag ni Lily sa akin. She's Lilienne Gomez, ang mabait, saver at guidance officer namin ni Ping.
Kinawayan ko agad sila at sabay sabay nang pumunta sa building ni Bodek. Uwian na namin at minsan lang namin makasabay si Dexter pauwi. May sariling kotse kasi sya at sabi libre nya daw kami ngayon. Mayaman e!
"Ang loka! tahimik. Oo nga pala!...broken nga pala ito hahahaa," panimulang asar ni Ping. She's Sofie Alyz Atienza, sa sobrang pambabara at kaprangkahan, pwede nang pambato para sa inter-barangay! Lahat nasasagot!
Sofie Alyze Atienza is a kind of a friend na prangka pero tunay. Atleast harapan ka nyang babarahin at lalaitin kaysa naman na ibabackstab ka nya.
"Tss." Naalala ko tuloy sya. Partida! M.u palang kami nun ah? Pero ang loko, may pagfall tapos pag-iwan sa huli.
May linyahan pang, 'you don't deserve me...may makikilala ka pang mas better sakin'.
Tss! Utak mo may ubo!
Nang makarating kami sa building nila Dexter ay agad akong umupo sa bench at sinalpak sa tainga ko ang earphone.
"I-ikaw na pala...ang may ari ng damdamin nang minamahal ko..." I sing as I sway my head. Feel na feel bawat liriko. I place my hands on my chest at umaaktong humihikbi.
"Pakisabi nalang! Na wag syang mag-aalala at okay lang ako..." I sang and feel every lyrics of the song.
"Pangit naman ng nagcover nito! Mas okay pa ako eh! Hehe!" I paused the song and search for a new one.
'hmmm kill this love? Love me right?'
"Ay ito! My 'peyborit'!" I shout na akala moa ko lang nandito at solo ko ang buong lugar. I listen to this music and look around.
"Tagal tagal naman ni Bodek! Ang boring! Wala man lang pogi dito!" I said and simply pull my hair.
Paano ako makakamove on nyan? Duh! Walang mahaharot! Hehe!
"Nu ka ba! Nandito tayo para hintayin si Bodek! Hindi humarot!" Sabat na naman ni Lola Ping.
"Sus! Kunware ka pa!" Sabi ko at nginisian sya nang may maisip. Bahagya akong sumilip sa likod nya at may tinuro na ikinalingon nya naman agad. "Oi! Si Jasper!"
BINABASA MO ANG
Overpass Kiss (College Series # 01)
Novela JuvenilMeet Angie and Niccolo from North Spring University. Angie Maigan hates Doctors and hospitals for some reasons. Ironically, Niccolo Ramirez is a med student that wants to become a doctor. Did their story end happily? Or the hatred on her heart worse...