C1

10.5K 193 4
                                    

Alyssa's POV

Galing ako sa isang konserbatibong pamilya sa Batangas, dating gobernador ang Papa ko pero ngayon ay nagmamanage na lamang ng mga restaurant namen.

Ang Mama ko naman ay isang guro sa isang pampublikong eskwelahan.

Meron akong tatlong kapatid na puro lalaki.

Ang panganay namin ay si Kuya Paulo pari ito.

Ang pangalawa ay si Kuya Alvin nagpapatakbo sa mga lupain namen dito sa batangas.

Ang pangatlo ay si Kian siya ang bunso namen nasa elementarya pa lamang ito.

Nagdadrive ako papunta kila Gretch, susunduin ko siya.

Pupunta kami ng Ateneo para tignan kung pumasa kami ng ACET.

Sana pareho kami pumasa para magkasama kami sa university .

Si Gretchen para ko ng kapatid iyon, itinuturing ko siyang kapatid higit sa mga tunay kong kapatid.

Kapatid, bestfriend at instant ate.

Dahil tinanggap niya ako ng buo, minahal ako kung ano ako at naiintindihan niya ako.

Alam niya ang lihim ko.

Nakarating na ako sa tapat ng bahay nila at bumaba ng kotse ko.

Nagdoorbell ako at si Gretch agad ang lumabas.

"Ano tara na Ly?" tanong nito sabay ngiti sa akin.

"Ma nandito na po si Ly! Alis na po kame." sigaw ni Gretch.

"Oh magiingat kayo ha, Ly ingat sa pagdadrive." habilin samin ng Mommy ni Gretch.

"Gretch kapag pumasa ako sa ACET sasabihin ko na sakanila." sabi ko dito habang nagdadrive.

"Are you sure Ly? Are you ready?" tanong nito sa akin, kita sa mga mata nito ang pagaalala.

"I'm sure, thats the sign I keep on talking about remember." sabi ko dito ng hindi ito nililingon at ngumiti.

"Okay. I'm here to support you, always remember that." Gretch said at hinawakan nito ang kamay kong nasa manibela.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kame sa Ateneo.

"Grabe napagod ako kakadrive ang sakit sa puwetan."reklamo ko sa isip ko.

"Ly ano na? Tara na!" sigaw nito sa akin excited naman nito.

"Hindi kaba kinakabahan Gretch?" tanong ko dito habang sumusunod sa kaniya maglakad.

"Medyo, pero mas nangingibabaw ang excitement." sabi nito sa akin na parang bata.

Napakajolly talaga nitong si Gretch.

Napakasaya ko dahil kaibigan ko siya, nakakagaan ng loob pag siya kasama mo.

"Huwag kang kabahan Ly! Ikaw paba? Sus valedictorian ka nga nun highschool tayo tapos ACET lang pinagpapawisan at kinakabahan ka? Imposible!" asar nito sa akin ng my pasiko siko pa.

Oo valedictorian ako pero wala nakaalam sa pamilya ko dahil wala naman aattend, pare pareho silang busy.

In Another Life - AlyDen FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon