una

1 2 0
                                    

Kallyl ..


Nakaupo ako ngayon sa gilid ng bato at tinitignan ang mga naglalakihang mga agila sila ang promoprotekta sa amin sa mga nagtatangkang manakop ng aming bayan. Ako nga pala si kallyl  Isa ako na may kayang kontrolin ang apat na elemento sa katunayan hindi ko pa kayang kontrolin ang hangin hirap na hirap ako kapag nag papalabas ako ng enerhiya sa aking katawan kapag hindi ko ito makontrol ako ang masasaktan.

Oy kallyl ano ba ang bumabagabag sayo ang lalim ng iniisip mo. Tanong sa akin ni phillip.

Si phillip ang kaibigan ko na kayang mag palabas ng mga hayop o summoner.

Napabuntong hininga nalang ako. Kaya ko kayang kontrolin ang hangin. Bulong ko.

Alam mo kallyl ganyan din ako dati hindi ko alam kung kaya kong mag palabas ng mga hayop ng una syempre natakot ako dahil hindi ko alam na may ganon akong kapangyarihan at higit sa lahat ay hindi ko alam kung paano kontrolin.

Nakikinig lang ako sa kanya.

Nag ensayo lang ako araw araw at nangako ako sa sarili ko na kapag na kontrol ko ito ay proprotektahan ko ang mahal ko sa buhay. Dugtong niya.

Yung akin kasi nung nakaraan ko lang na laman na na kaya kong kontrolin ang hangin nung may nag tangkang tumulak sa akin na muntik ko nang ikamatay kung hindi lang lumabas ang kapangyarihan ko na kaya akong palutangin sigurado papadausdos ako pababa.

Kung ako sayo kallyl mag eensayo ako para makontrol ko din ang kapangyarihan ko.

Kung meron nga lang na mag eensayo sa akin bakit hindi. Saad ko.

Naging kaibigan mo pa ako kung hindi kita tutulungan. Napangiti na lang ako.

Oh tara maghanda kana dahil tutulungan kitang makontrol yan. Saad niya.

Naghanda na ako dahil ano mang oras ay aatake si phillip. Hindi nga ako nag kakamali dahil nag palabas siya ng isang malaking oso na pula ang mga mata. Sumigaw ang oso na umalingawngaw sa buong pasilyo at umatake papunta sa akin. Tumatakbo ako at pilit na inalalabas ang kapangyarihan ko pero wala hindi ko napansin na nakalmot ang kaliwa kong braso at umagos ang pulang likido doon. Tumigil ako sa pagtakbo dahil nanghihina ako at na upo na lang dahil sa pagtakbo balak sana akong kalmutin ulit ng oso pero na wala ito. Nilingon ko si phillip kung siya pero iling lang ang kanyang sagot.

Ako ba ang may gawa nun. Tanong ko.

Sabihin na nating oo. Sagot ni phillip.

pero paano?.

Napapansin mo ba na lumabas lang ang kapangyarihan kapag nasa isa kang kapahamakan. Tanong niya at lumapit sa akin para tulungan akong makatayo.

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam yun.

Mag gagabi na pala kallyl tara na at nang maka umuwi na tayo alam mo naman na may nag papatrol na kawal dito.

Umalis na kami dahil kapag na huli kami siguro na makukulong at bukas pa kami papalabasin. Nag uusap lang kaming dalawa habang paglalakad at may napansin akong parang may itim na butas sa gilid ng tarangkahan.

Phillip nakikita mo ba yun? Tanong ko.

Oo kaganina pa wag kang gagawa ng ingay kahit na anong mangyari. Seryoso niyang sabi at nag tago kami sa batohan. Nabigla naman kami na may lumabas na lalaki hindi lang isa kundi lima at parang may hinahanap. Dahil sa malapit kami sa kanila narinig namin ang kanilang usapan.

Dragon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon