Lan POV.
Habang naglalaban si kallyl at ng isa pang elementalist ay kami ang humarap sa isa niya pang kasamang babae.Naging alerto naman kami dahil halata naman talaga sa kanya na malakas siya at kaya niya pang patigilin ang oras.
Nagulat na lang ako ay nasa harapan ko nalang siya at sinuntok ako sa sikmura. Napa hawak ako sa lupa dahil masakit ang ginawa niyang pag suntok niya sa sikmura ko. Tumayo na ako kahit hirap na hirap akong huminga kinontrol ko ang malaking puno na malapit sa pwesto niya nagawa ko naman itong kontrolin at inutusan ito. Hahampasin na sana ng puno ang kalaban namin ay nawala na lang ito. nabigla naman ako doon dahil ang bilis niyang kumilos at sa isang iglap ay hawak hawak na ng babae ang leeg ni phillip. Nang hindi ako napapansin ng kalaban namin ay nag labas ako ng mga baging ng palihim at gumapang sa lupa patungo sa pwesto nila. Nahalata ng babae ang ginawa ko kaya tumalon siya palayo kay phillip. nabitawan ng babae si phillip at nakita ko pa itong umubo ubo at naglabas siya ng dalawang agila at isang lion. Sumugod ang sinummon ni phillip sa kalaban namin dahil sa mabilis siyang kumilos ay hindi nagawang masaktan ito o magalusan man lang. Napatingin naman ako sa kalangitan at nag iisip ng paraan para matalo ito. Napangisi na lang ako dahil alam ko na.
Phillip kahit na anong mangyari ay wag kang titigil sa pag atake sa kanya. Sigaw ko dahil malayo siya sa pwesto ko. Nagtaka naman siya sa sinabi ko pero di kalaunan ay napatango na lang ito. Ako naman ay gumawa ng baging na tusok tusok at pinagapang sa ilalim ng lupa habang pinapagapang ko ang baging ko sa lupa ay may naramdaman akong gumalaw doon pero sinawalang bahala ko ito dahil naka pokus ako ngayon sa kalaban namin. Nagtagumpay naman ako sa ginagawa kong plano nahawakan ko ang isa niyang paa at nag sisigaw sa sakit. Tumingin ulit ako sa langit. Tama nga ako. Bulong ko.
Phillip may limitasyon ang paggamit niya ng time stopper dahil hindi niya pa masyado ito na kokontrol. Sabi ko kay phillip at napangisi nalang. Nakita ko pa ang mukha ng babae na nagulat sa sinabi ko at halata padin ang sakit na pagpulupot ng baging ko sa paa niya.
P-paano mo n-nalaman? Tanong niya at hirap na hirap sa pag salita.
Simple lang ang sagot dyan sa tanong mo tumingin ka sa langit. Utos ko sa kanya. Sa pangalawang pag kakataon ay nakita ko ulit itong nagulat.
Dahil pagtingin ko kaganina sa kalangitan ay napansin ko sa mga ulap na unti unti itong gumagalaw pati nadin sa mga ibong nakatigil na unti unting pinapagaspas ang kanilang pakpak. Sabi ko sa babae nang nakangisi. Napatigil na lang kami dahil nakita ko si kallyl na sugatan pati nadin ang babaeng kalaban niya.
Bakit ba kayo naparito anong balak niyo sa amin? tanong ng babae kay kallyl.
Nandito kami para hanapin ang ibang gumagamit ng elemental dahil malapit na ang pagsugod ni lord tim dito. Sagot naman ni kallyl. Nabigla naman ito sa sinabi ni kallyl.
Paano namin kayo makakapagkatiwalaan? Tanong niya ulit at naglabas ng earth pikes sa kamay niya.
Thalia ! May sumusugod sa earth country ngayon.! Sigaw ng babae na kakarating lang. Nagulat kaming lahat doon dahil sumusugod na naman ang mga acemes.
Tumakbo ang gumagamit ng earth elemental para pumunta sa kanilang lugar. Sumunod naman kaming tatlo sa kanila para tumulong nadin sa pagligtas sa mga tao doon. Nang makarating kami ay namangha naman ako dahil ngayon ko lang nakita ng malapitan ang earth country dahil sa libro ko lang ito nakikita may malaking harang ito na gawa sa bato. Nang makapasok kami sa loob ng earth country ay madaming nagtatakbuhang tao at madami nading namatay. Lumingon ako sa kanan ko ay may nakita akong acemes na sasaksakin ang likod ng bata pero naunahan ko ito. Naglabas ako ng limang baging sa katawan ko at tinusok ang kaliwang dibdib ng taga acemes bumagsak ito sa lupa at hindi na gumagalaw. Nilapitan ko ang bata para tulungan ito dahil takot na takot at umiiyak.
BINABASA MO ANG
Dragon Slayer
عشوائيSa mundong ito ay nahahati ang buhay ng isang tao ang mortal at ang mga may abilidad na kayang kontrolin ang tubig, lupa, apoy, hangin, Hindi lang ang apat na elemento ang pwedeng kontrolin marami pang iba. Isa na din dito ang space and time. Na kay...