Chapter 9

192 9 0
                                    

CHAPTER 9

"Maayos na ba lahat ng gagamitin para bukas?" tanong ni Finn. Nandito kami ngayon sa bleachers dahil hindi pa oras ng pasok namin ay tinitignan namin ang mga gagamitin para bukas.

Bukas na ang laban kaya mag practice pa kami ngayong araw pero hindi naman na gaanong mabigat ng practice siguro ilang sayaw lang. Napagdesisyunan namin na after recess mag practice para hindi na hassle dahil mag uwian na din yun.

"Finn, kumpleto na yung palda para sa jingle pero yung top ng mga sasayaw hindi pa. Iilan na lang din naman yun kaya matatapos siya ngayong araw." sagot ni Joy.

"Sige. Gagawin natin yun mamaya kasabayan ng ilang props nila Amiel at Calle sa contest mamaya." sagot ni Finn. Inayos naman nila Al at Nico ang mga costume para mailagay sa faculty ni Ma'am Rivamonte.

Sumama ako kina Finn sa paglagay ng gamit namin sa faculty. Nang makarating kami ay naroon si Ma'am Rivamonte, naka-harap sa kanyang laptop.

"Excuse me po, Ma'am. Saan po namin ito ilalagay?" tanong ni Finn.

"Diyan na lang, 'nak." sagot ni Ma'am at tinuro ang gilid niya. Ilagay na namin ang mga gamit doon at akmang lalabas na ng may maka-salubong kaming matangkad na lalaki. He's wearing our uniform. Pero hindi pamilyar sa amin ang mukha. Nang makababa kami ay usap usapan naming apat ang lalaking naka-salubong namin.

"Sino yun?" tanong ni Al.

"Aba malay ko, tayo magkakasama kanina, ah." sagot naman ni Nico.

"Baka transferee. Narinig ko sina Ma'am noong friday na may mag transfer daw, galing private school." sabi ni Finn.

"Oh, baka siya nga 'yun. Mukha pa lang, pang private school na. Takte, galing private tapos lumipat dito sa public?" sabi ni Al.

"Hindi natin alam. Panigurado ako, sa morning session ilalagay yun. Mukhang matalino eh." sabi ko.

"Grabe ka, Annie. Parang sinabi mo na din na bobo tayong mga afternoon session." sabi ni Nico at humawak pa sa dibdib na animo nasasaktan. Umirap na lang ako. Mga baliw.

"Pero hindi tayo sure, malay niyo ilagay sa afternoon session kasi kaya pala napa alis sa dating school eh basagulero." sabi ni Al.

"Parang sinabi mo na din na basagulero tayo! Ano ba kayo! i-angat niyo naman ang afternoon session! Lagi na lang tayong kulelat." madramang sagot ni Nico.

"Aish! Tumahimik na nga kayo. Pakialam naman natin doon sa transferee, tumahimik na kayo." suway ko sa kanila at tumahimik na din. Nag lakad kami pabalik ng bleachers ng payapa. Pagbalik namin ay nandoon na sina Yanzee sa pwesto ng bleachers namin.

"Alam niyo ba? May transferee." bungad ni Finn sa kanila.

"Oh, anong section naman daw?" tanong ni Janice.

"Siguro baka ilagay siya sa Rizal." sagot ko.

"Nako, panigurado! Nakita mo ba yung relo niya? Hindi g-shock, pang mayaman!" sabi ni Finn.

"Ayun talaga ang nakita mo?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Ayun ang naka-agaw ng atensyon ko, eh." sagot niya na kinailing ko na lang.

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago tuluyang papasukin sa mga classroom namin. Nasa classroom na kami at unti unti ng dumadami ang estudyante. Nagkukuwentuhan kami ng mapansin naming madaming estudyante sa hallway.

"Anong meron?" tanong ni Nancy habang sumisilip din sa labas ng hallway.

"Teka nga sisilipin ko." sagot ni Finn at naunang lumabas tsaka kami sumunod. Nakita namin ang kumpulan ng estudyante sa katabing classroom namin. Ang section ng Bonifacio.

Section Series #1 - Ex Where stories live. Discover now