CHAPTER 32

75 7 5
                                    

Chapter 32

Ilang araw na ang nakalipas, hindi niya man lang kayang tingnan ako. Lagi siyang umiiwas, batid ko na hindi niya talaga kaya. Kahit sa trabaho si Zyrus na lang ang nakakausap ko. Sa mismong opening ng pharmaceutical company building na yun ay ang araw ng alis ko. Pilit ako nagso-sorry sa kanya, pero ni hindi niya man lang ako pinapansin.

Pumayag na si kuya na hindi ako umattend. Siguro dahil sa huli naming pag-uusap kaya pumayag na siya. Hindi ko rin talaga feel na unattend sa party na iyon.

"Gab, pansin ko. Bakit hindi na kayo nagpapansinan ni Hendrick? May problema ba kayo?" 

Nandito kami ngayon sa site ni Zyrus. Pagdating namin ay umalis na nga si Hendrick. Ganyan lagi, kung nandito man siya, wala talaga siya dito dahil mismo nandoon siya sa building na binubuo.

"May problema, mukhang hindi niya nga ako kayang patawarin eh."

Hindi ko alam kung alam na ni Zyrus ang lahat. Pero mukhang wala pa siyang alam. Nakakatawa akala ko malaki ang mundo pero ngayon feeling ko hindi. Magkakasama-sama lang din naman pala kami ngayon lang nagkaalaman.

"What do you mean?"

I smiled bitterly.

"Ikaw si Jandrid, siya si Skyller, at ako si Nightingale. Simple as that, Zy."

Nakita ko kung paano matigilan si Zyrus. Bahagya pa nakabukas ang bibig niya. Napailing ako sa panandalian niyang pagkatulala.

"I-ikaw yung dati kung crush?"

Sa dami ng pwede niyang sabihin, yan pa talaga. Baliw talaga ang lalaki na to kahit kailan. Tinawanan ko na lang siya kaya naman hindi pa rin siya makapaniwala.

"Almost 2 years sana kami, kaso bigla nga ako nawala ng walang paalam. Simula ng maaksidente ako, nawala na ako sa mundo na yun. Alam mo namang na-coma ako diba? Sadyang as Zyrus alam mo ang nangyari pero as Jandrid hindi."

"Pinaliwanag mo na sa kanya?" tanong niya.

"Hindi pa, hindi niya pa ako pinapansin. I think he needs time, hindi pa siguro siya nakakarecover sa nalaman niya."

Pinaliwanag ko sa kanya kung paano ko nalaman na siya si Jandrid at si kung sino si Skyller. Sabi niya na tutulungan niya ako pero sabi huwag na. I need to fix it by myself. Gusto ko ako ang mag-ayos kasi si Hendrick yun eh.

Makalipas ang dalawang araw, tapos na nga talaga ang project namin. Ni anino ni Hendrick, hindi ko talaga nakita. Hindi ko alam kung nasaan siya.

"Kuya, where's Hendrick? Hindi ko siya nakikita dito sa building. May new project ba agad siya?" I asked kuya Terron.

"Nagleave siya, one week."

Natigil ako dahil doon. Talagang iniiwasan niya ako. Ayaw niya akong makita. Kinamumuhian niya ako.

"Saan siya nagpunta?"

"I don't know. Let him be, he needs space. Malay mo pagbalik niya ay magkausap na kayo. Don't worry, tutulungan kita. Babalik yun."

Baka dahil sa akin hindi na yun bumalik. Baka lumipat pa siya ng trabaho. Maraming pwedeng mangyari.

I just nodded before I left his office.

May pupuntahan ako ngayon, magkikita kami ni Zywon. Matagal na kasi kaming hindi nagkikita. Buti na lang at kilala na rin naman ako bilang bestfriend niya. Siguro kung hindi baka nasa newspaper na rin ang mukha ko or kahit sa social media na nibabash. Model din kasi si Zywon at graduated siya with business degree.

FAKE WORLD, REAL FEELINGS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon