Pumasok na ako sa loob ng bahay namin pagkatapos akong ihatid ni Jaylen,di ko talaga inaasahang ang mga sinabi nya sa akin at gusto pa niya ay sa New York kami mag-aral pareho,tangina di kaya ng pera namin yon,ano na kayang gagawin ko.
Pumasok ako ng aming bahay na blanko at qalang ibang inisip kundi ang sinabi sa akin ni Jaylen,putangina talaga,paano kaya yun?ayoko naman na maging dahilan namin yon sa paghihiwalay,hindi ko rin naman kaya na mawala sya at ayoko syang biguin.
"o anak andyan kana pala" sabi ni mama
"opo ma, akyat po muna ako, napagod po ako e"malungkot kong sabi
"teka lang anak,di ka ba kakain muna?"
"hindi na po ma,busog pa po ako"
"teka nga anak, bakit parang iba ata ang suot mo ngayon kumpara sa mga sinusuot mo dati?" pataka nyang tanong
"ahm kase ma, sabi po ni Jaylen mas okay at formal daw po kung mga ganito ang sinusuot ko,ayos lang po ba ma?"
lumapit nako sa kanya upang makapagusap na kami ng maayos bago ako umakyat sa aking kawrto,naupo ako sa tabi nya habang siya ay tuloy sa panood ng TV habang akoy kinakausap, pero nang nakita nya ako na lumapit sa kanya ay pinatay na niya ito,hinarap nyako habang naka upo sa aming sofa
"anak, bakit mo naman sya hinayaang gumastos nang para sa mga damit mo, pwede namang tayo nalang dalawa ang mamili" sabi nya sabay kapit sa kamay ko
"ma,I told him already that I dont need that things, pero sya po yung mapilit e, di naman na po ako makatanggi dahil nabili na po nya itong suot ko tapos ay dinala na po nya ako sa mall"
"still anak, dapat tumanggi ka, ayoko namang sabihin ng iba na binoyfriend mo sya dahil sya ay maraming pera at sila ay nakakaangat sa buhay" nag-aalala nyang sabi
"ma, sinabi ko na po sa kanya ito"
"osige anak, siguro nextime ay kakausapin ko den sya about dito, teka nga bat di sya pumasok dito?" nagtataka nyang tanong
"ahm ano kase ma, n-nagmamadali na po sya ma, may g-gagawin pa po kase sya tas pagod din ho sa t-training" pautal-utal kong usal
"osige na anak, mukhang pagod kana den nga"
"sige ma, akyat na po ako"
umakyat nako sa aking kwarto dahil sa pagod at pag-iisip, naupo ako sa gilid ng aking kama,sobramg lalim talaga ng aking mga iniisip na nakalimutan ko nang magpalit, mabuti nalang at nagising ako ng midnight at agad na nagpalit ng. damit na nakalimutan kona, pagkatapos ko magpalit ay kinuha ko ang selpon ko at isang message ang nakita ko duon
Lovelots;
"[hi love, hope you decide as soon as possible para maayos na yung papers naten]"pinatay ko nalang ang aking selpon, dahil sa nakita ko, nagsimula nanaman akong magoverthink jusmee! ayoko ng minamadali ako, hindi pa nga magsink in ung mga sinabi nya e, dahil sa sobrang pagiisip ay nakatulugan ko na ito, ngunit pag gising ko ay laking gulat ko kung anong oras na
7:30am
shit!shit!shit! may pasok ako ng 8:00am dalian mo Miles,agad ako ng nagmadali at dina sana kakain, pakababa ko laking gulat ko na andun si Jaylen na nagiintay sakin at kausap pa nya si mama. omaygad hindi pwedeng malaman ni mama to, hindi to ang tamang panahon, agap kong hinila na si Jaylen palabas at nagulat ito sa ginawa ko"love, what's happening to you"nagtataka nyang tanong
"love, we need to go, I have class at exact 8:00am bawal akong malate dahil may exam kami"pagsisinungaling ko
"okay, hop in"maigsi nyang sagot
habang kami ay nasa byahe ay di ko maiwasang mapa isip , ano kayang sinabi nya kay mama,better if I ask him
YOU ARE READING
10,000 Miles Away (Isla Parola Series #3)
Teen FictionGod knows how Miles love her boyfriend so much to the point na hindi niya na ito kayang bitiwan pa. But life is an unpredictable bitch, Jaylen left her for some reason. She wants to move forward so she went to an island to wipe all her pain and agon...