Mission 1: Black Cat
Carmilla's Pov
Alston Stylus Gierra ay nareport na nawawala. Huling kita sakanya ay sa club kasama ang kanyang kaibigan na si Wayne Luigi. Lumabas lang daw ito upang manigarilyo, ngunit hindi na nakabalik. Kung sino man ang makakita sakanya ay tumawag sa numero--
Mabilis akong nagscroll ulit sa facebook. Kalokohan lang yon. Sya yung lalaking sinabuyan ko ng alak. Malamang pinatay na ng mga babaeng niloko nya o sinalvage. Kala nya ba hindi ko nakikita ang pagtingin nya sakin? Kapal ng mukha nya kala mo sinong gwapo. Parang may paki ako sa pagkawala nya.
Pinatay ko nalang ang cellphone ko sa boring kong facebook. Hindi ako interesadong makipagusap sa mga lalaking sa una lang naman magaling. Kunyari makikipagkaibigan lang tapos bigla manliligaw na? Tapos kapag nireject sila pa galit at ano anong sasabihin sayo? Sila nalang maglokohan dyan at wag na nilang guluhin ang nananahimik kong buhay.
Humikab ako at tumingin sa bintana ko. Natigilan ako ng makita ang pusang itim na parang nakatingin sakin. Sa takot ko ay mabilis kong ibinaba ang kurtina ko. Bat ganon makatingin ang pusang yon? Mamalasin na ba ako?
"Carmilla Jade!!!" Rinig ko sigaw ni mama. Nakooo.. sinasabi ko na nga ba.
"Ano po!?" Malakas na sagot ko.
"Bumili ka ng itlog sa tindihan!! Naubusan na pala tayo!"
"Ma! Si ate nalang!! Nagtitiktok lang naman sya!!" Sigaw ko ulit. Tinatamad ako! Gusto ko nalang matulog.
"Umalis ang ate mo!! Dalian mo na!!"
"Ihh!!! Naman naman! Ako nalang lagi!"
Tamad na tamad kong sinuot ang hoodie ko bago lumabas ng kwarto. Nakasando kasi ako at madaanan ko pa ang mga kupal na walang magawa kundi mangcat call ng babae sa daan. Mga walang magawa sa buhay.
Lumapit na ako kay mama ng nakabusangot. Tinignan ako neto bago ibinigay ang pera.
"Ang init init nakaganyan ka! Bumili ka ng tatlong itlog. Sayo na sukli." Mabilis naman ako ngumiti. Ito ang gusto ko pagnauutusan eh.
Lumabas nako sa bahay habang naglalakad papunta sa tindahan na ilang kilometro ang layo samin. May mas malapit naman kaso nandon ang mga tambay na sinasabi ko kaya wag nalang. Nakarinig ako ng nagpaswit pero nagbingi bingihan ako.
"Hi miss.."
Derederetso lang akong naglakad at nilagpasan sila. Ang papanget lang nila. Buti nga walang nagtatangkang lumapit sakin. Hanggang tawag lang sila. Di ko na alam gagawin ko kung lalapit sila. Sarap siguro magkaroon ng kapatid na lalaki para ipagtanggol ka no? Nakakainggit yung mga nababasa ko sa libro..
"Pabili po!!" Sigaw ko dahil walang tao sa tindahan. "Ate!? Pabili po--"
"Aarrffff!!!"
"Pakshit!!" Mabilis akong lumayo sa tindahan nung biglang sumulpot ang malaking aso. Parang nauubusan ako ng dugo habang iniisip na baka makalabas sya at bigla nalang akong kagatin.
"Whiskey!! Get out! Sorry carmilla! Anong bibilhin mo?" Pinalabas ni alexis ang aso nila sa tindahan. Nanatili akong malayo sa takot.
"T-tatlong i-i-itlog.."
"Sorry talaga carmilla. Ito oh, ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong nya. Tumango ako bago kinuha ang itlog at binigay ang pera.
YOU ARE READING
Alston's Mission
Romance"The curse is not that bad, especially if the punishment is to be with you and to get to know you wholeheartedly." Alston.