Nagising ako, magdidilim na sa labas. Nakatulog pala ako. Naligo ako saglit para mahimasmasan bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko si ate ruvi na kumakain ng tinapay na may palaman na nutella sa sala habang nanunuod ng palabas.
"Goodmorning carmilla jade! Ang aga mo nagising?" Nginiwian ko sya.
"Oh shut up. Utang mo sakin ang nutella na yan. Wag mo uubusin."
"Wow! Di porket may nagaayang makipagdate sayo ginaganyan mo na ko? Your so cruel.." kunyari pa syang nagpunas ng luha.
Umirap lang ako at di sya pinansin. Naalala ko ang gummy bears ko kaya mabilis akong pumasok sa kusina. Nasan si mama?
"Ate ruvi!! Nasan si mama!?" Sigaw ko.
"Umalis!! May pinuntahan!"
Lumabas ako ulit sa kusina at bumalik sa sala. Napaismid ako ng makita kung anong pinapanood ni ate ruvi. Mabilis ko syang binato ng tsinelas ko kaya napadaing sya at nawala sa pagkakatulala.
"Ano yan!? Kadiri ka ate!"
"Stop acting like a innocent, carmilla. Hindi na tayo bata. Hindi ito bastos gaga."
Ano bang pinapanood nya? Kissing scene ng dalawang bida na halos maging bed scene na!! Nakakadiri ampotek. Umiwas ako ng tingin sa tv at halos maginit ang mukha ko.
"N-nasan pala mga gummy bears ko?" Tanong ko.
"Nasa ref. Pinalamig ni mama."
Pumasok nako ulit sa kusina at napabuga ng hininga. Parang nakagawa ako ng kasalanan. Hindi na mawala sa isip ko ang nakita ko. Pisti naman!
Padabog kong binuksan ang ref at natagpuan ko ang mga gummy bears ko. Parang bumalik ang sigla ko ng makita ang mga ito. Kumuha ako ng isang balot at nagmamadaling binuksan. Sumandal ako sa counter habang ngumunguya.
Diko mapigilan alalahanin si ghalvin kanina. Ano nga ba nakita non sakin? Di hamak na mas maganda nga si ate ruvi kesa sakin. Tatanggapin ko pa kung nagkamali sya pero talagang pinagpilitan nyang gusto nya ko. Jusko, ang gwapo ni ghalvin para magkagusto sakin. Diko mapigilan mapahawak sa buhok kong hanggang ilalim ng aking dibdib.
"Masyado ng mahaba. Kailangan ko na bang magpagupit?" Natawa nalang ako sa sariling sinabi.
Napawi ngiti ko ng may maramdaman akong malambot sa paa ko.
"Ahhh!!!" Sa sobrang gulat ay mabilis kong sinipa ang itim na pusa na napalayo sakin.
Pakiramdam ko tumaas lahat ng balahibo ko sa takot. Diko mapigilan maawa dahil napalakas ang pagkakasipa ko sa pusa. Nakahiga ito sa sahig at naririnig ko ang mumunting iyak neto. Natatakot akong lumapit. Baka bigla nya akong kagatin o kalmutin kaya nanatili ako sa kinatatayuan ko..
"What happened?" Tanong ni ate ruvi sakin. Tinuro ko ang pusa sa nanginginig kong kamay.
"N-nagulat ako. N-nasipaㅡ"
"Hala sira ka kawawa yung pusa!!" Sigaw ni ate.
Nilapitan nya ang pusa at binuhat. Napaatras ako ng ilagay nya ito sa counter at pilit pinapatayo. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang tumayo ito pero parang nahihirapan sya. Hanggang sa tuluyan ng napahiga ito.
"A-ate hindi ko s-sinasadya.."
"Anong nangyayari dito?" Biglang dumating si mama kaya di ko mapigilan matakot.
"N-nagulat ako sa pusa ma.. n-nasipa ko.."
"Ha!? Jusko naman carmilla!" Kaagad nilapitan ni mama ang pusa kaya napatabi kaming dalawa ni ate ruvi.
YOU ARE READING
Alston's Mission
Romance"The curse is not that bad, especially if the punishment is to be with you and to get to know you wholeheartedly." Alston.