MISSION 2

11 4 1
                                    

Carmilla's Pov

"Nutella!! Baby!! Carm, lagay mo sa cart--- Aaahhhh!!" Nilagay ko sa itaas ang last stock ng nutella.

Dahil matangkad ako at maliit sya, syempre di nya makuha. Nagpatay malisya ako at iniwan syang parang maiiyak. Kagastos ng babaeng to akala mo sakanya pera. Pinagkakasya ko nga lang ang budget namin.

"Carmilla Jade!!" Maktol nya at hinila ang laylayan ng damit ko. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Oh bakit?"

"Yung nutella!! Kunin na natin! Gusto ko yon..."

"Ahh may gusto ka? Asan pera mo?" Nilahad ko ang kamay ko at mabilis nya akong inirapan. Tumawa ako dahil nagtagumpay ako.

"I hate you!!"

"I love you too, kapatid." Inismidan nya lang ako at di na ko pinansin.

Napatingin ako sa gummy bears kaya diko mapigilan matakam. Mabibili ko naman sa pera ko kaso may importante akong kailangan pang bilhin. Iritado akong naglakad, tulak ang cart. Bat ba kami nasa candy section!? Kasalanan to ni ate ruvi eh!

Nasa pilahan na kami habang naghihintay. Madaming nakapila, at panganim pa kami. Kanina pa ako iniirapan ni ate ruvi dahil sa nutella. Gusto ko din non pero pinagkakasya ko ang perang bigay ni mama. Itong babae kasi nato alam lang gumastos. Parang bata.

"Alam mo ate, kung gusto mong mabili yung nutella na yon, magboyfriend ka ng mayaman. O kaya akitin mo yung may ari ng market para may silbi naman ganda mo hahahaha!" Nagmake face lang sya sakin.

"Kaya kong makuha yon kahit di ako magboyfriend at mang akit. Ikaw na nagsabi na maganda ako. I have my ways, carm. Sorry, sakin lahat napunta yung nutrients ni mama.. di ka naambagan. I'm sorry kapatid." Nilakihan ko lang sya ng butas ng ilong. Kapal ha!

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa pants ko. Inirapan ko muna ang kapatid ko na nagpapakyut sa lalaking nasa likod nya. Gusto ko sanang magparinig kaso nacucurious ako sa vibrate.

Kumunot noo ko sa unknown number na nagtext. Sino to? Nanlaki mata ko ng maalala ang sinabi ni cyrene kanina. Pakshet! Mabilis kong binuksan ang message nya na nagpataas ng balahibo ko.


From: Unknown

Hey, I'm ghalvin, cyrene's cousin. I wonder if she told you already. I'm sorry for not asking your permission. How can you be so beautiful without any effort?

What the hell? Sya nato? Parang nangbobogus to ah? Alam na alam ko yung ganitong linyahan eh! Pakboy alert! Hindi ko natanong kung ilang taon na ang lalaking to! Paano kung matanda na pala!? Makikipagdate ako sa matanda!? Ampotcha naman!

To: Unknown

You want date? Tell me when. I'm doing this for cyrene's favor. You should be thankful.

From: Unknown

Thank you, then? Wait for me. I want to talk to you in personal.

"Hala potangina!" Diko mapigilan mapamura. Pinalo ako ni ate ruvi sa braso pero masyado na akong natataranta para indain ang palo nya.

"Napano ka!? Nakakahiya yung bibig mo!" Bulong ni ate ruvi.

Lumingon ako sa paligid. Nangangatal ang kamay ko. Taena wag ka matakot carmilla jade! Labas mo yung angas mo. Mabait naman daw sya sabi ni cyrene. Kapag nagpakita sya ng ayaw na ayaw ko, suntukin agad! Pano kung bigla nalang syang sumulpot? Ehhh!??? mama!!!

Alston's MissionWhere stories live. Discover now