AYVM 1

37 20 2
                                        

"Hi, Ching!"


Bigla akong napaangat nang tingin nang marinig ang pagtawag sa pangalan ko.


"Happy Valentines Day." Isang maliit na bouquet nang bulaklak ang bumungad sa mukha ko. Kasabay niyon ang pagsilip ng isang familiar na mukha sa likod ng bulaklak. Si Dart pala ang campus crush sa school namin.


Napakurap kurap naman ako sabay tingin sa likod ko. Nang makitang walang sino man ang nakaupo roon ay napatingin ulit ako kay Dart sabay turo sa sarili ko. Baka mamaya nag aassume lang pala ako na ako nga yung binibigyan niya.


"Oo ikaw nga hahaha sino pa ba?" He smiled sweetly making his eyes became even smaller. Lumitaw din ang dimple nito sa magkabilang pisngi kasabay ng pagdungaw ng braces nitong kulay itim.


Nag aalangan akong abutin ang bouquet na hawak niya kaya napatingin ako sa paligid. Nang makita kong sumesenyas ang kaklase ko na tanggapin ko na habang kilig na kilig ay wala na akong ibang nagawa kundi abutin ang inooffer nito. Wala naman sigurong masama since Valentines ngayon.


Akmang kukunin ko na ito nang biglang may humablot rito.


"Wala siyang karapatang magcelebrate ng Valentines Day. Girls below 5'5 should sit their ass off and wait for childrens day."


Narinig ko naman ang malakas na pag singhap ng mga kaklase ko dahil sa epal na gumawa nun.


"Boss!" Agad akong napatayo nang mapagsino ito. Hahabulin ko na sana siya nang pigilan ako ni Dart.


"Hayaan mo na Ching, ibibili nalang kita ng bago. Wait lang ha." Pagkasabe nito ay agad itong umalis para bumili nga ng panibago.


Kahit kailan talaga napakabait niya. Grabeng effort yung ginagawa niya lagi. Etong Boss na 'to naman kahit kailan napaka epal! Lagot sakin 'to pag nahabol ko 'to kala niya ha.


Agad akong nagtatakbo palabas at ganun na lamang ang panlulumo ko nang makitang iniabot niya kay Catrisse ang boquet na hawak niya knowing na matagal nang may gusto ito kay Dart.


"It was really for Catrisse and not for you. Wag kang epal." Matiim na sabi nito pagkatapat sakin sa may pinto ng classroom.


"As far as I know hindi ako yung epal dito kasi in the first place sakin mismo inabot ni Dart yung bulaklakㅡsiya mismo yung nag abot. Ikaw yung malaking epal dyan na tinubuan ng mukha dahil walang pasabe mo nalang na kinukuha yung hindi naman iyo! Sino ba nagsabeng bawal magcelebrate ngayon ang mga katulad ko? May pruweba ka? Ano kayo kayo lang? Kayo lang may karapatang sumaya? Wala ka ba talagang magawang matino sa buhay at naninira ka ng love life ng ibaㅡhmmp!" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla nitong takpan ang bibig ko dahilan para mapaupo ako sa desk ng upuan.


"Anliit mo napakaingay mo! Sabagay ganun talaga pag minions. Ano nga ulit sabi mo lovelife? Ha-ha binigyan ka lang ng bulaklak love life na agad? So meaning madami pala kayong magkakalove life ngayonㅡat sa iisang lalaki lang ha. Well mukhang masaya din naman. Sabay sabay kayong kikiligin sabay sabay din kayong iiyak tapos at the end sabay sabay kayong bubugbog sa taong nagpaasa senyo. I think a bet between you and the other girls kung sino ba una niyang iiwan is masaya pagpustahanㅡARAY! Did you just bite my palm?! Fuck it hurts, you little rat!" Agad na iniiwas nito ang palad nang akmang kakagatin ko ulit yun.


"Anong sabe mo?"


"Are you insane? You just bite me then you will ask what I have just said? You're such a little rat!" Nakakunot ang noong tinitigan nito ang palad na nasaktan.


"Not that one stupid boy. About Dart, ano yung sinasabe mong madami kami?"


"You're the stupid one here. Fuck wake up! Get on your senses." Pagkasabe niyon ay agad niya akong hinila palabas na halos kaladkarin na. Ilang hakbang din ang ginawa namin hanggang makarating kami sa pangatlong classroom.


And there he isㅡDart with Sofia this time with a big bunch of red roses and a bag of imported chocolates.  Kumpara sa inaabot niya saking maliit na bouquet ng bulaklak, walang wala yung hawak ni Sofia na halos matabunan na siya sa dami ng fresh red roses.


"Is that what he says he'll buy you a new one? Nice strategy ha." Napapangiting sabi ni Boss.


Di ko alam pero sobrang nainsulto ako. Hiyang hiya ako kasi inakala kong sakin lang talaga yung atensyon niya. Though alam kong campus crush siya, I never knew na tinake advantage niya yung pangalan niyang yun at yung pagiging close namin. We've been really close since first sem kase ako yung seatmate niya and most of the time nagsisilbi niyang tutor sa history subject. Sobrang bait niya and all I know di niya papatulan yung mga chix na rumeregards sa kanya. Masyadong naapakan yung pride ko, all this time sinasabayan ko yung pagiging sweet niya without me knowing may iba din pala siyang tinatrabaho.


Mabilis akong naglakad habang pinipigilan ang mga luhang pumatak. Buti nalang busy sa panunuod ng program yung ilang estudyante kaya iilan lang din ang makikitang pakalat kalat sa corridor. Mabilis akong pumasok ng CR saka inilabas ang sakit sa dibdib na kanina ko pa pinipigilan.


Di ko alam pero ilang minuto din ako sa loob na walang ibang ginawa kundi umiyak. Nang medyo feel kong kalma na ang sarili ko ay saka ako lumabas at bumalik ng classroom. Pagkapasok ko ay walang katao-tao sa room. Maiging itulog ko nalang muna ito tutal di pa din naman pwedeng umuwi.


Tinunton ko ang upuan ko at akmang uupo na ako nang makita ko ang isang pasó ng aloe vera sa desk ko. Sinong walang hiya naman kaya ang naglagay nito dito. Akmang kukunin ko na sana ito nang makita ko ang maliit na papel na nakailalim at pinagpatungan nito. There was something written on it and it goes this way:


Roses are red
Cactus are thorny
I just can't help that you make me so...
Waitㅡthis isn't a cactus!


Well, just really want to say ALOE you VERA much.


Di ko alam pero napangiti nalang ako pagkabasa sa huli nitong mensahe.


"You know what, real love is when someone can write a unique message for someone else with the assistance of a plant."


Agad akong napalingon nang mapagtantong hindi ako nag iisa ngayon. "Boss?"


"Nagustuhan mo ba? Mas maigi yan kaysa sa walang kwentang bouquet kanina. Atleast dyan gaganda lalo buhok mo. Wag kana umiyak pangit mo lalo eh di bagay sayo. Pero yang halaman na hawak mo bagay sayo at syempreㅡako." Sabay lapit nito sakin nang nakapamulsa at ginulo nang bahagya ang buhok ko.


"7 pm sharp I'll wait you outside your house later. Wear something comfy. Don't forget or else you'll dead." Kumindat pa muna ito bago nakapamulsang lumabas ng classroom.


Naiwan naman akong nakatunganga. Nang mag sink lahat ng sinabe nito ay saka lang ulit ako nabalik sa huwisyo. Mabilis akong tumakbo palabas saka malakas na sumigaw.


"BOSTAMANIOOOOO!"


Mabilis na lumingon naman ito. "STOP CALLING ME IN THAT SHITTY NAME. WHO'S THE BOSS HERE? IT'S ME RIGHT? I'M BOSS AND YOU CAN'T DO ANYTHING WITH IT." Sigaw pabalik neto sabay kaway ng nakatalikod.


That jerk. Napapailing na napangiti nalang ako rito habang tinitigan ang aloe vera na bigay niya.

Aloe You Vera MuchWhere stories live. Discover now