Wearing the peach dress I have decided to wear, sinipat ko ulit ang sarili ko sa salamin. Nang makita kong ayos naman na ang itsura ko ay nagdecide na akong bumaba at lumabas.
"I said wear something comfy." Halos mapatalon ako sa gulat habang sinasarado ang gate nang may marinig akong magsalita sa tabi ko.
"Boss!" Nakita ko itong nakasandal sa pader habang nakapamulsa.
"What take you so long? Pinagpepyestahan na ako ng mga alaga mong lamok dito oh. Halos ten minutes ka ding late. I said sharp right?" Nangangamot nitong singhal sakin habang nakakunot noo.
"Aba sorry na. Kasalanan ko bang nag ayos pa akoㅡI mean ganun naman talaga mabagal akong kumilos deal with it." Pagtataray ko naman rito.
"Whatever. And what's with the dress? What piece of cloth is that?" Parang naiirita nitong turo sa damit ko.
"Aba anong masama sa suot ko?"
"I said wear comfy clothes. Alam mo namang malamig ngayon dahil gabi na nakaganyan ka pa. Mukha ka kamong turon dyan sa tapis na suot mo."
"W-what? Anong tapis tsaka anong mukha akong turonㅡano bang problema mo sa suot ko, ha? Alam mo andami mong arte! Bago ka umaktong ganyan isipin mo muna kung pumayag ba ako sa sinabe mo kanina na makipagkita sayo ngayon." Nanggigigil kong singhal rito. Ano bang problema niya?
"Ah di ka nga pala pumayag. Pero ba't andito ka ngayon tas naka ganyan ka pa ha." Nakangisi pa ito habang sinisipat ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa.
"Nang iinsulto ka ba? Pwede ba kung ganyan lang din ang gagawin mo itigil mo na 'tong kalokohan mo." Akmang tatalikod na sana ako pabalik nang hilahin ako nito sa kamay dahilan para mapasubsob ako sa dibdib nito.
"Wag na aba. Sayang din nang suot mong tapis." Natatawa nitong sabi sakin.
Bago pa ako makapagsalita ay mabilis na inihagis nito ang itim na jacket mula sa motor nito. "Suotin mo yan. Buti nalang may back-up ako alam ko kasi kayong mga babae pag inaya sa ganto kahit malamig kung hindi nakapalda at naka short shorts, naka bestida. Kaya inunahan na kita kanina na comfortable clothes ang suotin mo kasi ayokong masyado mong paghandaan 'to. Baka mamaya sa sobra mong pag aayos ikaw naman yung magkasakit niyan. I want you to be comfortable with me just like how you wear comfortable clothes when your at home. I want you to be yourself. You don't need to change just to impress someone kasi di mo alam sa simpleng ikaw, may nakakaappreciate na agad sayo. Ako lang 'to oh, si Boss lang 'to. Di mo kailangang mag abala paㅡkasi tanggap kita sa kung ano at sino ka."
BEAT.
Di ko alam pero napatigagal ako sinabe nito. Tila ba na-pipi ako at walang ano mang salita ang nais lumabas sa bibig ko. Yung utak ko naman parang computer na nirerestore lahat ng sinabe niya.
Daga. Halos pati kabog ng dibdib ko ay naririnig ko na rin. Tila ba ilang daga na ginulo sa lungga nito ang nagtakbuhan roon. Ito ba'y dahil year of the rat ngayon? Ay ewan basta nag malfunction ata ang utak ko sa pinagsasabe ng lalakeng 'to.
"Hey are you okay? Hoooy!" Malakas na pagpitik ng mga daliri ang nagpabalik sakin sa huwisyo. "Are you taking it seriously? C'mon di kita pinapagalitan I'm justㅡI'm just advicing, you know. Anyway back to the mood. Wear this." Ngayon naman ay helmet ang inabot nito sakin. Wala pa rin ako sa katinuan nang tanggapin ko iyon. Nang mapansin naman nitong hindi ko agad isinuot iyon ay siya na mismo ang kusang nagsuot nito sakin habang napapailing.
"Don't tell me you will also let mo put that jacket in you?"
"Ha? Ah eh I can manage." Mabilis na hinablot ko rito ang jacket at isinuot.
"Hop in." Nakatalikod na wika nito habang pinapaandar ang sasakyan.
Nag aalangan man ay sumakay na rin ako. Di ko alam but I find his jacket really comfortable. Nanunuot din sa ilong ko ang amoy ng pabango niya na halos ibinuhos ata lahat dito. Feeling ko tuloy siya mismo yung nakayakap sakinㅡAhhh! Ano ba 'tong naiisip ko. Ipinilig ko ang ulo at itinuon na lamang ang pansin sa daan na tinatahak namin.

YOU ARE READING
Aloe You Vera Much
CasualeWhat would you accept on Valentines Day, a bouquet of flower from your crush; or the herbal plant from someone you didn't notice at all?