"Wooow is this amusement park?" Halos magningning ang mata ko habang sinisipat ang kabuuan ng lugar.
"Precisely. Do you like it?" Nakangiting baling sakin ni Boss habang inaayos ang pagkaka park ng motor.
Tumango tango naman ako habang amazed na amazed pa din sa paligid.
"You know why is it called Amusement Park?" He asked.
"Why?" Balik tanong ko naman rito.
"Because this park was made to make someone laugh or smile. The rides and any other things in here entertain those people who visit in a light and pleasant way, to get their attention. Kaya kapag malungkot ka, dito masayang magpunta para naman malibang yung sarili mo at makalimutan kahit papano yung problema na meron ka. Lalo na kapag itatry mo yung rides na yun I assure you makakalimutan mo talaga yung problema mo." Turo nito sa isang somewhat like roller coaster ride.
"Seriously?" Nakangiwi kong baling rito. "Try mo ikaw nakaisip eh." Napapailing na naglakad pa ako papasok.
Nakangiting humabol naman ito sakin at sinabayan ako sa paglalakad habang nakapamulsa. "But you know what this is also a place where there's lot of an archaic people diverting the attention of others and deceiving them with their smile. What they actually show is an obsolete feeling. Kita mo yun?" Turo nito sa clown na umaaliw sa mga taong nanunuod rito. "They are an example."
Napatango naman ako rito. Tama nga naman siya. "Ba't nga pala tayo nandito?" Pag iiba ko ng usapan. Valentines na Valentines nasa Amusement Park. Ano kayang trip nito. Supposedly alam ko kapagka ganto it's either restaurant or cinema eh. Walang kasweet sweet ang taong 'to.
"To enjoy."
"What? Are you serious? Diba kapag Valentines dapatㅡ"
"Who say's this is all about celebrating your Valentines? Dinala kita rito kasi naaawa ako sayo. Kaysa naman magmukmok ka at maghintay ng Children's Day, narealized ko bakit kaya di nalang kita dalhin sa Amusement Park para naman kahit papano mag eenjoy ka. What do you think?" Tinapat nito ang sariling mukha sa mukha ko habang nakapatong ang palad sa ulo ko.
"Ang kapal mo talaga!" Tinabig ko ang kamay nito. Akmang susuntukin ko na ito sa dibdib nang mabilis itong umiwas at tumakbo. Sa inis ko ay hinabol ko ito. Napahinto lang ako nang bigla din itong huminto sa tapat ng nagtitinda nang cotton candy sabay kuha ng isa na hugis puso at iniabot saakin. Naguguluhang napatingin naman ako rito.
"Happy Childrens Day!" Natatawang kinuha nito ang kamay ko sabay abot niyon. Binalingan muna nito ang tindero ng cotton candy saka iniabot ang bayad bago ginulo ang buhok ko at tinulak ako sa balikat papunta sa photo booth na naroroon.
Naiinis man, sumunod na lamang ako dito. Nag eenjoy din naman ako kahit may sapak yung kasama ko.
Halos ilang rides din ang natry namin bago kami magdecide na umalis na.
"Nag enjoy ka ba?" Baling nito sakin habang inaayos ang suot na helmet.
"Oo naman. Ang saya pala dito." Nakangiti kong pinagmasdan sa labas ang kabuuan ng lugar.
"Mabuti naman. Can I ask a favor bago kita ihatid senyo?"
"Ano yun?" Binalingan ko ito.
"I want to show you something. Don't worry di naman tayo magtatagal. I know you're such a Cinderella and you have a curfew. If it's okay with you just hop in." Wika nita habang nakatalikod at pinapaandar ang sasakyan.

YOU ARE READING
Aloe You Vera Much
RandomWhat would you accept on Valentines Day, a bouquet of flower from your crush; or the herbal plant from someone you didn't notice at all?