Luck is what happens when preparation meets opportunity.
-Seneca
“Colleen's POV”
I yawn and sit while stretching my right hands. I suddenly heard something kaya bumaba ako sa kama at sumilip sa bintana. May mga nag-aalisan na tao-I guess katulong sila rito? But why?
I fix my self bago lumabas ng kuwarto.
"Good morning." Bati ko kay lolo na nasa lamesa at bahagyang tumingin sa gawi ko. Naka-upo rin sina lola at ang lalaking focus sa pagkain niya. Naupo ako tabi nito dahil nasa magkabilang dulo ng upuan sina lola at lolo.
"Bakit nag-aalisan ang mga tao?" Tanong ko at akmang dadampot ng hotdog, nang tapikin ni lola ang kamay ko ay nagtatakang tinignan ko siya.
Tumikhim si lolo. "Day off nila ngayong araw apo."
Tumingin ako kay lolo at tumaas ang dalawa kong kilay. Napatango-tango nalang ako at muling bumalik kay lola ang tingin.
"La, kanina pa po ba kayo nakaupo rito? Eh bakit hindi pa kayo kumakain?" I smile at her.
"Inaantay ka kasi namin iha na magising. Napagkagawian na namin dito na sabay-sabay kakain." I blink my eyes three times. Si lolo na naman kasi ang sumagot sa tanong ko.
"Andito na ho ako, kain na tayo?" Akmang dadampot ulit ako ay tinapik na naman ni lola ang kamay ko. She glare at me, wait what? Did she just glare at me?
Padabog akong tumayo kaya napatingin sila sa akin.
"Ayoko na nga! Ayaw niyo naman ata ako pakainin! Ouch!"
Napaupo ako muli nang kurutin ako sa tagiliran ni lola. Ang sakit! I pout.
"Let us pray." She said. Napangiwi ako at tinignan sila habang nag co-cross sign. Sinilip ko rin si Adamir na akala mo santo na sobrang bait. Matapos mag cross-sign ay dumampot ako ng pandesal at kinagat ito habang nakatingin kay Adamir na ka-kamulat pa lang. Pinatong ko ang braso ko sa lamesa at sa kaniya lang nakatingin. Gigil akong kumagat ng tinapay at pinanlalakihan siya ng mata.
He mouthed 'What?'
"Aray." I roll my eyes at umayos ng upo. Tinanggal ni lola ang braso kong nakapatong sa lamesa. Tumikhim siya bago kumain.
Geez. Ang boring.
"Wala bang tv?" Tanong ko at sinulyapan ang tv. Nakakaumay ang tahimik kasi.
"Brownout." Naibaba ko ang hotdog na hawak ko at tumingin kay lola.
"Ano? Hindi ka mabubuhay ng walang kuryente?"
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
"Mainit ho." Ngiwi ko.
Tumingin naman siya sa paligid.
"Presko naman ang hangin. May pamaypay naman diyan kung naiinitan ka pa rin."
Sabi nito at itinuon na ang pansin sa pagkain niya. Nilingon ko naman si Adamir.
"Hoy, kailan alis mo?"
Tinignan niya ako.
"Sira pa ang sasakyan niya." Sagot ni lola.
I roll my eyes. Napapaisip na ako kung sino ba ang apo niya sa amin, ako si Adamir? Tsk.
Matapos kumain ay ako ang naghugas ng plato dahil wala raw ang mga katulong.
BINABASA MO ANG
The Secret Mistress
RomanceColeen Jash Locsin, A type of girl who will ready to shed tears just to protect what she owns. Her girl best friend and his boyfriend get married, she was so desperate to win him back but there's a guy who will do everything to stop and ruin her pla...