Tamis ng Kinabukasan

8 1 0
                                    

Sa araw-araw na paglapit ng dapit-hapon,
Magtitiwala pa rin na may tamang panahon.
Nararamdaman sa iyo'y 'di matutuldukan,
Landas pabalik sa iyo'y laging tututukan.

Sa araw-araw na paglapit ng dapit-hapon,
Maniniwalang babalik tayo sa kahapon.
Kapit lang, huwag mangamba at huwag kang bibitaw,
Tagumpay ay unti-unti nating matatanaw.

TinatangiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon