~Chapter 10~

31 3 0
                                    

Zianna's POV
"Ano yung pinag-usapan nyo ni Ash?"tanong ko kay Axelle habang bumababa sa kotse niya, wala yung mga kaibigan namin dahil may mga date sila o yung iba mga gumala.

"Wala yun"wala yun tsaka may pinindot sya para tumonog yung kotse nya.

"Anong wala yun? Eh seryoso si Ash ah? For sure importante yun"sabi ko habang sya ay naglakad papunta sa gawi ko.

"Wag mo na lang yun pansinin okay? Hindi naman importante yun eh tsaka kung importante yun sasabihin ko sayo okay?"tanong nya habang inakbayan ako.

"Okayyy"sagot ko sa kanya.

"Pupuntahan kita mamaya, okay?"sabi niya.

"Sige, mga anong oras?"tanong ko sa kanya.

"Mga 7:00 pm"sabi niya at tumigil na kami sa pag-lalakad dahil nasa tapat na kami nang gate namin.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko sa kanya habang sumandal sa gate.

"Malalaman mo mamaya"sabi nya tsaka binigyan ako nang matamis na ngiti.

"Okay, labas na lang ako mamaya dito ha?"

"Sige, bye"tsaka nya ako binigyan nang halik sa tuktok nang ulo ko.

"Bye"sabi ko habang tinatanaw ko sya papuntang kotse nya.

Nang makita ko siyang pumasok na sa kotse nya ay binuksan ko yung gate, ganun na lang ang gulat ko na makita ko si kuya na nakasandal sa harap nang pintuan nang apartment namin.

"What are you doing there?"i asked as i tilt my head while staring at him, ibinuka nya ang labi nya pero walang lumalabas na salita, napa-tss na lang sya at inikot nya na lang ang mga mata nya, he gave me a glare before going inside our apartment.

'Anong problema nun?'

Pumasok ako sa apartment namin, dumeretso ako sa taas, hindi pinapansin si kuya na naka-upo sa couch habang naka-cross ang mga binti nya at pati na din ang mga braso nya habang binibigyan ako nang matalim na tingin, nang makapasok ako sa kwarto ko hinagis ko na lang kung saan ang bag ko tsaka ako pabagsak na humiga sa kama ko, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nag-scrool sa fb.

Mag-s-six na ngayon kaya bumangon na ako, kaka-gising ko lang kase dahil natulog ako nang makapag-pahinga ako sa pag-c-cellphone, pumasok ako sa cr at naligo, naligo ako kanina pero nalalagkitan ako sa sarili ko kaya naligo ako, pag-katapos kong maligo ay nag-bihis na ako.

Bumaba na ako para lumabas pero napatigil ako nang tawagin ni kuya ang pangalan ko.

"Uy, Zianna"tinawag ako ni kuya kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit, kuya?"tanong ko sa kanya habang tina-taas ang isa kong kilay.

"Saan ka pupunta?"tanong nya.

'Panagalawang beses na ako tinanong ni kuya nang ganito, dapat na ba akong matuwa?'

"May pupuntahan ka? Sinong kasama mo?"tanong nya ulit nang hindi ako sumagot.

"Oo, si Axelle, may pupuntahan daw kami"sagot ko sakanya habang binuksan yung bag ko at hinanap yung pin, nang makita ko yun at ilalagay ko na sana iyun sa buhok ko nang mapatigil ako dahil sa sinabi ni kuya sa akin.

"Mamaya may gawin yun sayong masama, sama sama ka sakanya, layu-layuan mo na nga yang lalaking yan, siguradong lolokohin ko lang nun, naiintindihan mo?"paalala niya sa akin, dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at matalim na tinitigan siya.

《♡The User Boy♡》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon