~Chapter 5~

71 5 0
                                    

Zianna's POV
"May bago bang tinitinda beb?"tanong ko kila Jacob.
         
"Meron beb"sagot nila sakin, beb ang tawagan namin maski mapalalaki o mapababae.

"Sama ako"sabi ko habang sumusunod sa kanila habang nakapila narinig kong nagbubulungan ang mga ibang estudyante tumingin ako at nakita ko ang kuya ko kasama ang girlfriend nya si ate Shin o Shin Larriane Sacramiento mabait sakin si ate Shin at close kami dati pero hindi na kami masyadong nakakapag usap gawa ni kuya ayaw nya kasing nakikipag usap sakin si ate Shin.

Umorder na kami, pabalik na sana kami nang bigla kaming nag-kabanggaan ni kuya at tumapon sakanya yung binili kong soup, kanin at ulam.

"My god lagot sya sa kuya nya"

"Tatanga tanga kasi eh"

"Labas nyo na cp nyo may magandang drama na magaganap"

"Kawawa na naman sya sa kuya nya nan"

Bulong bulongan nang mga estudyante ngayon lahat nang mga mata nang nandito sa cafeteria nakatingin saming tatlo.

"K-kuya s-sorry, sorry hindi ko sinasadya"sabi ko sakanya pero tinignan nya lang ako at sinabing.

"Nananadya ka ba!? Bwisit ka eh noh!? Tatanga tanga kasi!!"sabi ni kuya habang kumukuha nang mga soup hindi lang isa kung hindi dalawa at bagong init pa lang.

"Kuya sorry na hindi ko naman sinasadya eh"nagmamakaawang sambit ko sakanya kasi halatang itatapon nya sakin yung soup na kinuha nya.

"Lucas wag mong gawin yan hindi naman sinasadya eh ok lang yun pag-bigyan mo na"sabi ni ate Shin habang pilit kinukuha yung soup sa kamay ni kuya.

"Wag mo kong hawakan baka sayo ko maitapon toh"galit na sabi ni kuya kay ate Shin.

Pumikit na lang ako at ilang segundo naramdaman ko na yung init nang soup sa katawan ko sabay nang pagbagsak nang luha sa mga mata ko, tinulungan akong tumayo ni ate Shin pero mabilis na hinablot ni kuya yung kamay nya at lumabas sa cafeteria.

"Tara sa labas Zianna"sabi ni Axelle habang inaalalayan ako paunta sa labas.

"Tahan ka na Zianna, kukuha lang ako nang t-shirt sa locker ko ha? Intayin mo ako dito"sabi nya sabay alis at bumalik sya at ibinigay yung t-shirt nya sakin.

"Oh eto oh pumunta ka na lang sa cr at magbihis ka antayin na lang kita"pagkasabi nya nun pumunta na ako sa cr at nagbihis.

"Thank you"

KAKAPASA pa lang namin nung project at umuwi na kami pero dumeretso ako sa trabaho dahil malalate na ako kaya hindi na ako nakakain at pagdating ko naman sa trabaho madaming mga tao kaya napagod lahat tsaka absent din si baks kaya ako ang pumalit sakanya, yun yung naging dahilan kung bakit napagod ako dahil dala-dalawa ang ginagawa ko.

Pagdating naman sa bahay akala ko makakapagpahinga ako yun pala hindi din dahil pinagawa sakin ni mama lahat nang gawaing bahay at yung mga labahin ang dami kaya mga 1:45 am na ako nakatapos sa paglalaba kaya naman pagod na pagod ako at idag dag mo pa na dapat four am gising na ako dahil bibili pa ako sa labas nang makakain ko.

"ATE Ram pabili nga"

"Oh eto may pinapabigah sayo si mama bibimbap pinagluto ka nya dalhin mo na lang daw sa school mo"

"Omo! thank you ate Ram pasabi na lang kay tita thank you din"

"Welcome punta ka dito mamaya ah?"

"Oo ate Ram"tsaka ko tinuloy ang pagkain ko.

Pumasok na ako sa school pero imbis na maabutan ko na magulo sila at maingay ay nakita ko sila lahat na nakatingin sa likod ko na nagpipigil nang tawa bukod kay Paul at Ash ang sama kasi nang mukha nila, at ako naman na hindi alam ang dahilan kung bat sila nakatingin sa, tumingin ako sa likod ko.

《♡The User Boy♡》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon