~Chapter 7~

55 5 1
                                    

Zianna's POV
Nagising ako dahil sa sigaw ni kuya parang may kausap sya, pumunta muna ako sa cr para maghilamos at mag-toothbrush.

Nagulat na na lang ako na makita ko na si Axelle yung sinisigawan nya.

"Kuya..."tawag ko kay kuya.

"Z-zianna"gulat na sabi ni kuya.

"Hi Zianna susunduin sana kita tapos sabay tayong kumain"sabi ni Axelle na nakangiti.

"Ahh sige ligo lang ako"tumaas ako at naligo habang naliligo hindi ko nalang maiwasan na mapaisip.

Bat kaya sila nagsisisgawan? Nagalit ba si kuya dahil may maliligaw ako? Pero imposible naman yun wala naman syang pakialam sakin.

Bumaba ako nang nakasuot na ako nang uniform ko at sinuot ko din yung jacket ni kuya.

Kumain na lang kami sa carinderia ni ate Ram(hindi po yan rum kung hindi ram po, hello po sa inusint gang).

"Sino sya Zianna? Boyfriend mo?"

"Hahaha hindi-"

"Soon to be po"

"Ayyy ikaw ha dalaga ka na"sabi ni ate Ram habang inihahain yung pagkain na inorder namin.

Hindi na kami nagsalita at nagsimulang kumain.

Pumunta na kami sa school pagkatapos namin kumain.

Bakas ang gulat sa mga mukha nang mga kaklase ko nang makita nila kami na magkasabay pumasok ni Axelle.

"Uyy ano yun bakit magkasabay kayo pumasok?"tanong ni Lijah nang makaupo na ako.

"Nanliligaw sya?"patanong kong sagot.

"Ikaw ha dalaga ka na"sabi ni Lijah.

"Bat ba lahat kayo sinasabi sakin dalaga na ako?"sasagot na sana sila pero naunang nagsalita si Chloe.

"Alam ba nang kuya mo?"seryosong sabi nya, ay ate galit ka poh? Mygod, ang seryoso nya talaga.

"Ahh, oo naman pero, speaking of my kuya, parang mabait na sya sakin"

"Pano yung bait?"sabi ni Viel.

"Baliw hahaha, kahapon kasi naospital ako diba?"tumango sila."Pinakain ako ni kuya tapos sya pa yung naghugas nung pinagkainan ko"

"Eh? Hindi nga?"

"Oo nga tapos nung dumating si mama nagalit kasi wala na daw pagkain sasabihin ko sana na ako yun pero sabi ni kuya sya daw ang kumain nun, lumabas kami ni kuya tapos medyo nilalamig ako tapos pinahiram nya sakin yung jacket nya tapos binuraot ko sakanya, eto nga oh suot ko ngayon, bumili kami sa restaurant tapos sya yung ngabayad at binili pa ako nang burger"

"Mabuti naman yan at ok na kayo"seryosong sabi ni Chloe.

"Ay ateng anong problema mo ba? Ang seryoso mo pramis"sabi ko kay Chloe.

"Wala lang, wag nyo na akong pansinin"pagkatapos nun wala nang nagsalita samin.

"ANONG gusto nyo? Ako na bibili ngayon"tanong ni Axelle samin.

Sinagot namin yung tanong nya, binigay ni Axelle yung mga pinabili namin sa kanya.

Pumasok na kami sa classroom namin pero wala pa rin yung teacher namin, lumapit sakin si Axelle.

"Zianna, pwede ka bang yayain mag-gala mamaya?"

"Date?"

"Well kung date ang tawag mo then date it is"

"Sige"sabi nya tsaka bumalik sa inuupuan niya.

"Uyy ikaw ah"sabi nina Lijah at Ash, si Chloe naman ay seryoso ang mukha.

"Huy Chloe ano ba talaga problema mo? Bitter ka ba?"tanong ko sakanya.

Chloe's POV
"Hindi ako bitter masama lang pakiramdam ko ngayon"sabi ko at nagbigay nang pekeng ngiti.

"Dapat hindi ka na lang pumasok eh, masama pala pakiramdam mo"

Hindi ko nalang yun pinansin.
Iiniisip ko kasi kung anong naramdaman ni Lucas nung nalaman nya ito, lalo na may sakit si Axelle.
Oo, alam ko yun, nag-aalala lang ako kina Axelle at Zianna.

Zianna's POV
Nasa labas kaming dalawa ni Axelle,hindi na kami nag-palit nang damit, naka uniform pa rin kami, hindi kasama yung mga kaibigan namin, dahil tapos na yung klase namin at may date ako.

"Saan tayo pupunta ngayon?"tanong ko nang makapasok sa kotse nya.

"Sa amusement park tapos pagkatapos non mag-take out tayo nang pagkain"sabi nya nang hindi tumutingin sakin.

"Okay"yun na lang ang sinabi ko at nagpunta kami sa amusement park gamit ang kotse nya.

"WOW! Ang ganda dito"

"Ngayon ka lang ba nakapunta dito?"

"Oo eh, hindi naman ako pinapasyal nina kuya at mama dito"

"Ahh, yun oh gusto mo ba nun?"sabi nya tapos turo dun sa isang booth, huhulaan mo lang kung asan sa mga tatlong cap yung marble then pag-tama ka, makakakuha ka nang mga stuff toys.

Nagpunta kami dun sa booth tapos naglaro siya.

Naka tatlong stuff toys sya na napanalunan at binigay nya yun sakin.

"I.Love.You"sabi niya sakin habang binibigay yung tatlong stuff toys isa isa habang binabanggit yung mga katagang binitawan nya.

"Thank you and i love you din"sabi ko tapos halik sa pisngi nya.

NAG-TAKE-OUT kami nang makakain sa isang fast food chain at nag-punta sa isang park, walang tao dun dahil gabi na, umupo ako dun sa likuran nang sasakyan nya.

"Masaya ka ba ngayon?"tanong nya sakin.

"Oo thank you ha"sagot ko sakanya.

"Oo, wala yun"sabi niya sakin.

"Bat nga pala kayo nag-sisigawan ni kuya?, may problema ba kayo?"

"Wala, wala lang yun"sagot nya habang nag-iwas nang tingin sakin, i smell something fishy, ay wait isda nga pala kinakain ko.

"Ahh ok"pagakatapos nun wala nang nagsalita samin at kumain na ulit.

"Ang dumi ko palang kumain noh"sabi niya tapos lumapit sya sakin at pinunasan yung gilid nang labi ko.

"Kung tanongin kaya kita nang 'will you be my girlfriend' ano kayang isasagot mo noh?"tanong nya na nagpagulat sa akin.

"A-ano? Ewan ko"utal-utal na sagot ko.

"Alam kong maaga pa, pero may hangganan din lahat eh, will you be my girlfriend?"

"Promise me one thing"sabi ko sakanya.

"Ano yun?"tanong nya habang inaalis yung kamay nya sa mukha ko.

"Never ever leave me"sabi ko sakanya.

"I promise you, but promise me that you will not never ever leave me too? "sabi niya nang nakangiti at nakataas pa yung kanang kamay na sign na nangangako.

"Then yes i promise you tht i won't ever leave you, i will be your girlfriend"sabi ko sakanya.

Sinapo nya yung mukha ko at dahan dahan siyang lumapit sakin, he kissed me passionately.

He kissed me passionately under the moon and stars,

'We promised that we will not leave each other but fate really like to play with our love story'

《♡to be continued♡》

《♡The User Boy♡》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon