~Chapter 1~

284 8 0
                                    

~Chapter 1~
Zianna's POV
"Bat ba hindi nyo kasi ako tinatawag na kuya eh mas matanda ako sa inyo?"tanong ni Paul o John Paul Velasco habang naglalakad kami papaunta sa school, junior high school na kami ngayon ang pangalan nang school namin ay F.A's Academy .Si paul ang pinakamatanda sa circle of friends at room namin matangkad sya at matalino at ako naman ang pinakabata, 18 years old na sya ako naman ay 17 pa lang, malapit na kaming mag exam para sa 3rd quarter next week na.

"Bat kuya pa, ayaw mo lolo?"mapang asar kong tanong kay Paul pero tinignan nya lang ako nang masama.

"Yes uy sanaol"asar samin ni Ash o Ashley Jay Mercado 18 na din sya, sya ang pinaka abnoramal samin pero kapag may problema ka asahan mo na sya ang pinkaunang makakapagpagaan nang loob mo, maganda sya at matangkad same height lang kami at sya ang bff ko alam nya lahat tungkol sakin, pero sa sunod na sinabi ni Paul dun ako nagulat at nasaktan.

"Uy tama na may girlfriend na ako at tsaka kapatid lang turing ko kay zianna"sabi ni Paul sakanila, oo nasaktan ako dahil may gusto ako sakanya.

"May girlfriend ka na?"tanong ko sakanya habang inaalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Oo, at tsaka makikita nyo sya mamaya nagtransfer sya dito sa school natin"siguro tuwang tuwa sya ngayon kasi ang laki laki nung ngiti nya.

"Pano yung ngiti paul?, pano yung ngiti?"tanong ni Justin o James Justin Garcia 17 pa lang sya katulad ko, na beztfrend ni paul matalino din sya pero hindi sya ganon katangkaran mas matangkad kasi ako sa akanya nang kaunti, girlfriend nya si Ash pero wag kayo bagay sila parehong takas mental.

"Eyy punta muna kaming girls sa cr"sabi ni Chloe o Chloe dela Cruz 18 na sya, bago lang sya sa tropa namin pero naging close kami sakanya nakasalamin sya at cute sya matangkad din sya, well mahaba ang buhok netong si ateng dahil may ex sya pero naging terd perti si beb pero sabi nya past is past daw eh at tsaka hindi nya na din nakakausap yung ex nya kaya wapakels lang ang peg nya.

"Okay ka lang zianna?"tanong sakin ni Lijah o Elijah Marie Lopez 18 na din sya, sya yung pinakamaliit samin pero talented sya maganda ang boses nya at magaling din syang sumayaw, kaming mga girls lang ang nakakaalam nang feeling ko kay Paul kaya ayun pag titignan ko ang mukha nila ngayon bakas sa mukha nila ang pag aalala.

"Okay lang ako noh, makakahanap din ako nang bago ano ba kayo, ako pa ba? Alis nga dyan malalate na tayo gusto kong makita yung girlfriend ni paul"sabi ko habang lumalabas sa cr at nagpupunta sa room,pagpasok ko dun naabutan ko na may nakatayong babae siguro sya yung girlfriend ni paul but famillar sya sakin eh.

"Oh upo na kayo dun papakilala satin ang transferee"sabi nang teacher samin at umupo na kami then dun ko lang nakilala kung sino sya.

"Hello, ako po si Audree Kaithlyn Conception 15 years old, tawagin nyo nalang po akong audree and i'm Paul's current girlfriend"pagpapakilala ni ate Audree pagkatapos umupo sya sa pagitan namin ni paul.

"Shems ang ganda nya teh pero syempre mas maganda pa rin ako"dinig kong sabi ni Viel o Viella Ann Anacan 18 na din sya, sya yung may pinakang makapal na fes samin well totoo naman yung sinasabi nya maganda talaga sya dahil may gusto sakanya yung beztfrend ko na sophomore pa lang pero nililigawan na sya ni Kyle o Jameson Kyle Reyes 17 lang sya pero mas bata pa rin ako sakanya na-late lang kasi syang mag-aral, kapatid ni Elaine o Maria Elaine Reyes 18 na rin sya, mas matanda si elaine kay kyle pero mas matangkad si kyle kay elaine pero mas matalino naman si elaine kay kyle.

"Uy teh ree lumipat ka lang nang bahay hindi ka na namanasin ah, ikaw ha ang daya mo teh"sabi ko kay ate Audree na kunwaring nagtatampo.

"Omaygad zizi i miss you"sabi nya sakin habang tumayo para yakapin ako at binalik ko din naman yung yakap sakanya.

"Wait magkakilala kayo?"tanong ni Elaine ate audree.

"Yup, oh musta na ba zizi sa loob na ba ang bahay niyo ikaw natutulog?"tanong sakin ni ate Audree.

"Hahaha, naalala mo pa pala yun, oo dun na ako sa loob natutulog"sabi ko habang bumalik sa pagkaupo.

Hindi na nagdiscuss yung prof namin dahil first day pa lang ngayon.
Ako nga pala si Lizziana Rose Valdez o Zianna for short 17 years old, may kapatid ako half brother ko sya magkaiba kami nang tatay and mas matanda sya sakin pangalan nya any Cian Lucas Santos o Lucas for short 20 years old na sya. Si mama at si kuya ayaw nila sakin sabi kasi nila ako yung may kasalanan kung bakit namatay ang papa ni kuya.

Nung nalaman nung papa ni kuya na ipinagbubuntis ako ni mama at hindi sya yung ama nagpakamatay si tito pero hindi din alam ni kuya na nagpakamatay yung papa ko since nung araw na pinanganak ako never kong naramdaman na tinuring nila akong pamilya at never ko rin naramdaman na minahal nila ako at ni minsan himdi ko naramdaman na nagaalala sila sakin.

One time nagkalagnat si kuya, eh wala si mama non nasa trabaho sya edi lumabas ako para bumili nang gamot tapos pagdating ko naabutan ko si mama ayun nagalit sya aakin kasi daw lumalabas ako nang bahay tapos sabi sakin ni mama sa labas ako matulog pinagsaraduhan pa nga nya ako nang gate eh nung madaling araw nakita ako ni ate audree dun nila ako pinatulog sakanila and dun kami naging close.

"Uy beb"tawag sakin ni Ash.

"Huh!?"gulat na sabi ko.

"Tulaleg lang beb? Sabi ko tara na lunch na"sabi sakin ni Ash.

"Anong oorderin nyo mga beb?"tanong samin ni Jacob o Jacob Matthew Endrada sya yung pinakamakulit,asa lang sa copy paste ang peg nya lagi kapag may sasagutan at nililigawan nya si lijah, beb ang tawagan namin mapalalaki man o babae.

"Wow, first time yan beb ah sabay mo din sakin ah"sabi ni Kyle sya yung beztfrend ko na may gusto kay viel.

"Uy sasamahan mo ko, ano ka chicks?"sabi ni Jacob kay Kyle, kasama namin si Kyle lagi kapag kakain or gala gala dahil tropa din namin sya.

Habang kumakain nagkwekwentuhan din sila pero hindi na ako nakinig pagkatapos kumain nagpunta na kami sa room, nagkwekwentuhan kami nang biglang pumasok ang teacher namin.

"Class may good and bad news ako sa inyo so please makinig kayo sakin"sabi nang teacher namin.

"Cher ano yun?"

"Cher unahin nyo yung good news"

"Hindi cher good news dapat"

Sabi nang iba namin mga kalase.

"Okay ang bad news meron kayong project make a solar system gamit ang styrofoam..."

"Cher namannnnn!!!"
Sabi nang  mga classmates namin.

"Ang good news naman kapag nakapagpasa kayo within this week exempted kayo sa lahat nang quizes at seatwork this quarter"

Medyo good news din naman eh pero ilang members ba per group

"Pwede po bang 6 sa isang grupo?"tanong ko kay teacher.

"Oo since unang project nyo toh, kahit ilan pwede"

Matik na kaming anim na babae ang magkakasama ako si Ash si Lijah si Viel si Chloe at si Elaine.

NASA tindahan kami nang mga gamit sa school para bumili bukas namin gagawin sa bahay nila chloe, pagkatapos mamili dumeretso na kami sa kanya kanyang bahay.

"Mah gagawa kami project sa bahay ni chloe hindi ko alam kung kailan matatapos"pagpapaalam ko kay mama.

"Geh lang kahit dun ka na tumira la kong pake"she said coldly to me.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis at nag-punta sa trabaho ko, yeah working student ako sa 'Mamang Samgyupsal' ako nag tra-trabaho ang may ari nun ay mama ni ash si tita Janine.

《♡to be continued♡》

《♡The User Boy♡》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon