"Sigurado ka ba sa desisyon mo? I mean pwede naman sa room ko nalang. ", seryosong tanong at suhestyon ni Gil sa akin.
" Oo, dito nalang ako.", agad din namang sagot ko sa kanya ng walang pagdadalawang isip. "Maraming salamat pala sa pagtulong sa 'kin sa pagbuhat nito dito", dagdag ko.
Wala na rin siyang nagawa kaya wala pang isang minuto ay agad din siyang nagpaalam sa akin kasi may gagawin pa raw siya sa kwarto niya. I'm so clueless I eagerly want to know what he is going to do inside his room. Char.
" By the way you can count on me if you need a help.", sabi niya bago niya isinara ang pinto.
Sa wakas tapos ko naring ayusin ang mga gamit ko. Well, most of the stuff that I brought are important to me. Nahirapan nga ako kaninang dalhin ito dito pero mabuti nalang tinulungan ako ni Gil kasi mamaya pa rin naman daw ang pasok niya.
I'm wandering my eyes now inside this apartment, and all I can say is it is good and comfortable. Seems like it is covered with sky blue shade color. Very soothing to the eye. Pinili ko lang yung pang-isahang kwarto para at least makafocus ako tuwing gabi. Kasi sigurado akong hindi ako makakapag-concentrate pag magkasama kaming matulog sa isang kwarto. Kaya ayon, I rejected his offer. And besides, mas important pa rin naman ang pag-aaral ko kaysa sa nararamdaman ko sa kanya. I don't want to fail on something I'm passionate about only because of someone.
——
Mag-aala una na kaya napagdesisyunan ko na ring pumasok.
" Gil, papasok ka? Tara sabay na tayo.", tawag ko sabay katok sa pinto niya. My room is three meters away from his kaya hindi na rin ako nagdalawang isip na puntahan muna siya para sabay na kami. I just knocked my ass off for the nth time but it was useless kasi wala rin namang sumagot. Kaya napagdesisyunan kong umalis na rin agad.
" Hey, Wardie"
Gayun nalang ang pagkabigla ko nung may tumawag sa nickname ko nung nakarating ako sa hallways. I can't remember that I gave a consent to someone to call me by that name. Kaya agad ko rin siyang hinarap.
" Kailan ka pa naging snob, girl." sabi ni Lea sa akin sabay sampal sa balikat ko. Shittt. Ang sakit! Well, siya nga pala ang taga-batok at taga-sampal ko sa balikat way back high school. We friends and both freshmen.
" Gaga ka! Una sa lahat hindi ako snob. Para ka lang talagang kabute na bigla bigla nalang susulpot para gulatin ako.", sarkastiko kong banat sa kanya. "Pangalawa, wag mo akong tatawaging girl kasi hindi naman ako babae.", pagpapatuloy ko. " At yung pangatlo ang sakit ng sampal mo. I swear.", I said while touching my arms in pain.
" Ano ba kasing ginagawa mo dito sa hallway?", tanong niya akin.
" Well, papuntang third floor lang naman ako nun nang biglang may tumawag sa akin para lang sampalin ako sa balikat.", sarkastikong banat ko sa kanya. "Ikaw ba ano ginagawa mo dito?", rebut na tanong ko tanong ko sa kanya.
" Eh malamang dito ako nag-aaral. Baka nakakalimutan mo sabay tao nag-enrol dito. ", sagot niya sa akin.
"Ah ganun ba. Akala ko kasi mag-gygym ka dito. Sorry.", I jokingly said while staring at his shoulder bag na halos mawasak na yung tinae.
" By the way, 'Di ba dito rin nag-aaral si Gil?", tanong naman agad niya sa akin.
"Oo. Bakit pake mo ba sa tao kung dito sa nag-aaral", basag ko sa kanya.
"Wala lang! ' Di ko pa kasi siya nakikita dito. At bakit bawal ba magtanong? Ha... bawal?", depensa niya sa sinabi ko. "Napaka-mean mo ngayon, Edward.", reklamo niya sabay hampas naman sa balikat. Geezzz. Sakit! Hahampasin ko sana siya pabalik pero agad din siyang naglakad papalayo. Grhhh. May utang ka sa akin bruha ka.