Chapter 1

303 9 0
                                    

Nang mamatay si papa, nakipag-coordinate ako sa tita ko kung paano isaayos ang libing ni papa, pati ang lamay niya at sa gastos na rin sa kabaong at iba pang funeral services. Sabi ko kay tita, 5 days lang ang lamay ni papa. Bahala na kung makakapunta mga kamag-anak namin dahil sa San Juan kami nakatira ng tatay ko. After ng 5 days na lamay at libing, pinatira ko si Tita Flora sa inuupahan naming bahay ni papa sa San Juan habang wala pa ko. Siyempre, nabawasan ako ng ipon dahil hindi rin namin inaasahan na mamamatay ang tatay ko.

Eksaktong one week after mamatay ni papa, ito ako ngayon sa apartment ko. Dalawa kaming nakatira dito sa apartment na 'to. Kasama ko dito ay isang Briton (Matthew pangalan niya) na nagwork dito after mangyari ang Brexit* referendum. Mas matagal na siyang nakatira dito sa apartment na ito. Bali, may dalawang room pang bakante dito sa apartment namin.

Sinimulan ko na ang routine ko sa araw. Paggising sa umaga, naggagargle muna ko ng tubig at saka nagluluto ng breakfast ko. Minsan, kung mauuna si Matthew sa kitchen, magtitimpla muna ko ng kape at saka siya hihintayin na matapos. After niyan, toothbrush and ligo na. Tsaka ako magbibihis at papasok sa work.

Walking distance din naman ang school na pinapasukan ko. As an assistant teacher, konti lang ang responsibilities ko. I coordinate with the teacher (na Danish) on what are the lessons na ituturo. I can show them how to pronounce words correctly and more on assisting the teacher on delivering the lesson (classroom management etc). Mga apat na klase ang handle ko ngayon.

Pumasok na ko sa school. Binati ako ng guard at pumunta na ko sa room since nandun din yung partner teacher ko na Danish. Si Sabine. Nakapagtapos siya ng Bachelor's degree sa Educ at currently taking Master's degree na. She's a red-haired girl na maputi at sexy din naman siya. She's 30 na I think at engaged na sa isang taga-Greenland na diplomat. Nagbatian naman kami. After nito, nagsimula na yung klase.

After ng 4 hours na pagtuturo, inayos ko na ang mga upuan at gamit ni Sabine. By the way, ayaw niyang tawagin siyang Miss Sabrine ng mga colleague niya sa work kaya okay lang na tawagin ko siya sa pangalan niya. May meeting silang mga teachers. Since assistant teacher ako, hindi ako kasama sa meeting at si Sabine na lang mag-iinform sakin ng mga napag-meeting-an. Umuwi din naman ako kinalaunan. Pagdating ko sa apartment ko, nandiyan na pala si Matthew.

"Hey, Matt! How's work?"

"Good, Jon. I'm doing good with my job. It's just that... this politics going on in Britain. I can't help it."

Si Matthew kasi ay isang Remainer, supporter na manatili ang UK sa European Union*. Sabi niya, "UK Prime Minister Theresa May's Brexit withdrawal deal is better since it has closer ties to the European Union due to the UK wide backstop* and Northern Ireland backstop*. The revised Brexit deal now is worse since it will include border checks* between Great Britain* and Northern Ireland*, both of which are part of the United Kingdom."

Tumango tango na lang ako sa sinasabi niya. Gets ko naman ng konti kaya napasagot din ako. "You know, Matt. I appreciate you sharing this to me but I only know some context of the European Union thing. We don't have that thing in ASEAN* so I cannot relate."

Tumawa na lang ng malakas si Matt at nagtaas ng kamay na susuko kuno. Cute din niya. "Okay. Okay, babe. Let's change topics then." Gwapo din naman tong si Matt. Brunette ang buhok, matangkad na medyo payat, balbasin din siya. Ang ayaw ko lang sa kanya, lalakero siya. Malandi siya sa Blue Bird app at malamang mas malandi siya sa personal which is nakasanayan ko naman.

Ngayon ko lang napansin na nagluluto siya. Oo nga pala, mahilig lang tong magsuot ng shorts si Matt. Mahilig niyang i-flex yung maskulado niyang binti. Nag-g-gym din naman tong si Matt kaso matakaw din kaya waepek din pag-g-gym niya. Sige, kain ka pa ng jaffa cakes*. Pumunta na ko sa kwarto ko at doon na ko nagbihis. Hindi ko na kailangang magluto kasi may mga food ako sa fridge namin na irereheat ko na lang. Bumaba na ko papunta sa kusina at nakita kong patapos na siyang maghanda ng food.

Nagreheat naman ako ng hapunan ko habang nagsisimula nang kumain si Matt. Matapos ang ilang minuto, nasa dining table na rin ako kumakain. Sabay kaming kumain ng pagkain ni Matt. Tahimik lang kaming kumakain. Sanay na ko na lagi kong kasabay si Matt sa pagkain. Sa tagal ba naman kasama ko siya.

"I'm sorry about your father. My condolences." sabi ni Matt. Tumango na lang ako sa kanya. After kong kumain, naghugas ako ng pinagkainan ko at binuksan ang TV na nasa sala.

Teka. Parang kilala ko kung sino yang nasa TV. Siyempre, nasa Danish yung salita so konti lang nagegets kong mga words. Kasama niya yung hari ng Denmark. So royal family pala siya? Tangina, tangina, tangina. Prinsipe ng Denmark nakasama ko last week. Kaya pala ang gwapo. Shet. Sayang di niya ko nafuck. After magsalita ng hari, nagsalita naman yung announcer na siya ay kapatid ng hari sa ama nila. Half brother pero ang nakalagay sa screen, Lord Thomas Hafviksen. Bakit hindi siya prinsipe? Bakit lord lang titulo niya? Gulong-gulo na ko kaya pinatay ko na lang TV.

So, prinsipe pala siya? Bakit hindi man lang niya sinabi? At saka, wala siyang guard. Natandaan ko na. Kaya pala ayaw niyang magsend ng pictures kasi... royal family siya. Pero wait confirm ko muna kung kapatid siya ng hari. Buti na lang di ako nagdedelete ng application. Chinat ko siya sa Yellow Masque app para masagot na niya lahat ng katanungan na bumabagabag sa isipan ko kanina pa.

JonWhoKnewNothing: Hey. So, you're the King's brother. I'm shocked you didn't tell me.

Hindi kaagad siya sumagot kaya ginawa ko na yung mga dapat kong kailanganin for the lesson tomorrow. Nagsearch lang naman ako ng mga resources na gagamitin ni Sabine. Nagdownload din ako ng mga magagandang template for her presentations. Nag-isip din ako ng mga possible energizers and drills para sa mga estudyante. Maya-maya, tumunog phone ko. Salamat. Sumagot na din siya. Kala ko dedmatology siya.

LowlyHungGuy: Yes, I am. I did it for my security and I'm shocked you're clueless. I guess I owe you a date and a long story about that.

Wow. May follow up date kami. This is new and unexpected! Grabe. Grabe. Iba talaga tong si Thomas.

JonWhoKnewNothing: Maybe we can do this through chat?

Siyempre, kailangan ko ding magpakipot ng konti baka mamaya isipin niya na desperada na ako na makita ko siya.

LowlyHungGuy: It's better if we talked about it in person.

Dahil mapilit siya at nag-iinsist siya na , pumayag na rin ako sa second na pagkikita namin ni Thomas or should I say, Lord Thomas Hafviksen ng Danish royal family. Omg! I'm so stoked and excited for this! Sana may mangyari samin. Charot!

*European Union - political and economical union of 27 European countries in Europe with shared laws on customs, borders, market, etc. A political union with own parliament.

*Great Britain - comprising England and Scotland. Two countries under the United Kingdom

*Northern Ireland - a country also under the United Kingdom with shared border with Republic of Ireland

*border checks - also known as custom checks where the customs office of each country checks goods and products that come in and out of their country.

*UK wide backstop - According to the Brexit withdrawal agreement of UK Prime Minister Theresa May, after the UK left the European Union (EU), the UK will leave the EU's Customs Union in legality. However, it will follow the EU's rules in customs just like what it had been before to avoid customs checks between Great Britain and Northern Ireland.

*Northern Ireland backstop - According to the Brexit withdrawal agreement of UK Prime Minister Theresa May, the Northern Ireland, as part of the United Kingdom, will follow EU's rules in Single Market for agricultural goods in addition to following EU's customs rules.

*jaffa cakes - a small round edible food that looks like a biscuit.

*ASEAN - Association of South East Asian Nations

A Prince Dethroned (BxB) (MxM) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon