Chapter 3

16 1 0
                                    

—- Club Day (Friday) —-



Every Friday of the week ang Club Day sa school. Half day lang ang pasok dito, pero sa half day na yun ay dun lang kami sa club room namen, doing activities and such.



And, nandito ako ngayon sa field kasama ang president namen -,- Hinatak nya na lang ako bigla dito para maghanap daw kami ng bagong members dahil responsibilidad ko din daw yun. Pano na si Jake? Usapan tuturuan nya ako ngayon T.T



"Wag ka ngang bumusangot dyan, baka matakot yung mga estudyante sayo" walang emosyong sabi nya saken



"Sino ba naman ang hindi bubusangot kung umagang umaga isang halimaw ang kasama mo?" walang emosyong sagot ko naman sa kanya



"Tss" yun lang ang tanging sagot nya saken. Pikon talaga sya.. Sinundan ito ng mahabang katahimikan. Awkwaaard?



"Umm.. Rence?" nahihiyang tawag ko sa kanya, di kasi ako sanay ng tahimik



"Oh?" di man lang nya ako tinitingnan. Napikon nga yata sya



"Bakit nga pala ako ang pinili mong isali sa club nyo? Saka bakit ako pa naging vice president eh di ba—-" pinutol nya ako sa pagsasalita at bigla syang sumabat



"Alam mo bansot, magpasalamat ka na lang dahil ikaw ang napili ko. No more questions!" nakakunot noo nyang sagot saken



"Bansot ka dyan! Cute size lang talaga ako. Di tulad mo, parang tigang na puno, tuyong tuyo yang ugali mo" asar na sagot ko



"Cute size? Sino niloko mo?"



"GRRR! END OF CONVERSATION!" sigaw ko sa kanya sabay walk out. Nakakainis na eh!



Pumunta na lang muna akong canteen para bumili ng maiinom tapos dumiretso na ako sa club room namen. Naabutan ko dun si MJ na kumekembot pa habang nagdra-drawing



"Oy bakla!" tawag ko sa kanya. Tutal close na din naman kami



"Sinong tinatawag mong bakla ha?!" nagboses lalaki pa sya habang sinasabi yan



"Yuck! Di bagay." 


Destined To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon