CHAPTER 18

15.6K 293 35
                                    

"Kuya, 20 pesos po." 



Nung huling magkita kami dito nang inagaw niya yung buko juice na binili ko. Minsan bipolar din pala ang lalaking ito kapag walang toyo nanlilibre. Mukhang galante.



"So? close na tayo?" he raised his eyebrow, sumisipsip ito sa straw habang naka sandal ang likod sa malaking pader.



"You broke my phone, you stole my buko juice." seryosong sabi ko sa kaniya at titig na titig siya sakin. "Tapos dinumihan mo pa ang sasakyan at panyo ko and ang pinaka worst pinagalitan pa ako ng daddy ko dahil sa sinabi mong kabastuhan so inshort hindi pa tayo friends," Ngumiti ako sa kaniya at nag-lakad. Sumusunod siya sakin nang umupo ako sa bench.



Nasa labas kami ngayon at hindi pwedeng lumabas dahil break time palang at hindi lunch time hindi kami papayagan nang guard na akala mo may ari nang school. Hindi ko din maistorbo sila Zhep  dahil may performance sila sa Laboratory ngayon si Trinity naman may practice habang si Rhia may schedule siya mamaya sa para sa photojournal niya. At si Ance nasa library lang ngayon iyon at mag-isang nagbabasa nang kung ano-ano.



"Wala kang kasamang mag-break ngayon? hindi ba lagi mong kasama sila Triny?" naka-upo siya sa tabi ko at naunang maubos ang juice na binili habang tinitipid ko ang sakin. Kilala niya si Trinity?



I shook my head. "Busy, for sure." sagot ko.



Tumango-tango siya, "Anong course mo? mukhang hindi ka busy ah," seryosong tanong nito shi-noot niya ang plastic sa trashcan. Pasok nanaman? basketball player ba siya?



Ako hindi busy? o baka naman sadyang maganda lang talaga ako kaya hindi malatang stress na ako sa mga project, reports at sumabay pa ang Gamely namin. Minsan lang ako mag chill at siya pa ang nakasama ko oh hindi ba ang malas ko.



"Business Management," I answered, ubos na ang buko juiceko na bitin pa ako dahil nanunuyo ang lalamunan ko sa sobrang init nang paligid. Minsan talaga ang hirap intindihin nang University namin ang laki-laki nang bayad namin dito at ang laki-laki nang kinikita nila pero dalawang aircon lang ang afford nila sa isang room.



Sandali siyang napahimik at tumayo saka tinitigan ako nang inangat ko ang ulo ko ay umupo siya sa semento. "Wow, so you mean magaling kang mag tipid nang pera? can you teach me how? masyado kasi akong gastador," nahihiyang sabi nito. Kay lalaking tao gastador.



Hindi naman lahat nang Business Students magaling magtipid nang pera, kung iisipin para sakin ang hirap mag-tipid nang pera Lalo na pagdating sa pagkain. Pagkain na nga lang lumalandi sakin aawayan ko pa ba? choosy pa ako.



"I can't help you, sakit na yang pagiging gastador mo mag pa-therapy ka nalang baka sakaling gumaling," para itong batang naka-upo sa semento habang ako naman ay parang nag-kukwento. Ano to? daig kayo nang lola ko?



"Kailan mo ba ako sasagutin nang matino?"padabog niyang hinarap ang bag at kinunot ang noo.



"Kapag naging matino ka naring kausap," bulong ko sa kaniya,

 Nasanay na akong maging pilosopo dahil sa mga pinsan kong hindi naman din matitinong kausap. Kami kami lang ang nag-kakaintindihan sa isa't isa. 



Umikot ang mata niya sakin, hidi ito sumagot na parang ang hirap para sa kaniya ang maging matino kapag kausap ako. "Ako ba hindi mo tatanungin kung anong course ko?" he said.



I don't care tho, "Anong bang course mo?" walang siglang tanong ko sa kaniya.



Dinipa niya ang parehong kamay at proud na proud. "Engineering!" 



Comeback, Engineer (McMaster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon