CHAPTER 22

15.8K 336 90
                                    

Nang makarating ako nang school ay mas lalong dumami ang mga studyante ang iba ay hindi ko na mga kilala at hindi pamilyar kaya for sure mga outsider sila. Ito ang second day nang gamely namin kaya mas sumasaya iyon bawat araw.



Late akong dumating dito, sila Rhia ay nasa loob na nang indoor court dahil manonood kami nang game nang boys I mean nang crush pala nila Trinity. Sinadya kung bagalan dahil ang akala ko ay dadating ako nang tamang oras pero ang dami palang namamatay sa maling akala.



Mabilis akong nag-lalakad papunta sa building nang indoor court, Pag dating ko ay madami nang tao karamihan ay mga babae ang nanonood sa game. Ang sabi nila Rhia ay nasa 3rd line sila kaya bumaba ako. Agad kong natanaw silang apat na naka-upo at nag-kukwentohan.



"Good evening, Khiara." mapang-inis na bati sakin ni Trinity habang hawak ang cotton candy sa kabilang kamay. Parang minsan lang naman akong nalate. Hindi gaya niya na ina-araw araw duh!



"Late ka, ang galing." nasa tabi ko si Zhep na may hawak na popcorn, Teka? movie ba ang papanoorin namin? 



"Bakit ba hindi nalang kayo mag thank you dahil dumating ako, hindi talaga kayo marunong mag appreciate nang mga bagay," Umirap ako sa kanila, inayos ko ang damit bago humarap.



Nang tumingin ako sa harapan ay hindi pa nag-sisimula ang laro ang ibang tao ay busy pa sa pag-uusap, Agad na hinanap nang mata ko si Maximus ngayon ang game nila at nag-promise ako na manonood sa kanila. Umangat ako nang bahagya para tanaw ang kabilang side.



Natanaw ko siyang may hawak na bola at naka-tayo sa harapan nang coach nila na halatang busy sa pag sasalita sa kanila pero abala siya sa pag-talbog at panay ang lingon, Nakita kong siniko siya nang isang kasamahan niya kaya bumaling ang pansin sa coach na may hawak na small white board. Lahat sila ay naka white jersey at kneepad. Number 11 ang numero sa likod niya. 11 Crisostomo.



Nang sandaling umangat ang tingin ay agad ko itong sinalubong gumuhit ang ngiti sa labi nya nang makita ko nakita ko pa itong kumaway sakin tumingin muna ako kila Zhep na busy sa phone, Ngumiti ako sa kaniya at kumaway para naman siyang baliw na nakangiti sa harapan. Sinenyasan ko siya na makinig sa coach nila.



"Ginagawa mo?" narinig ko ang boses ni Zhep na nag tanong, Nakataas ang kilay nito at lumilingon sa harap parang may hinahanap.



"Sinasabi mo?" 



"I saw you waving, sinong kinakawayan mo?" tanong niya sakin, bumalik ang pansin ko ay Maximus na nakatalikod kaya hindi mahahalatang siya iyon kilala ni Zhep si Maximus baka kung ano pang isipin nang babaitang to.



"Namamalik-mata ka lang," pagtatakip ko sa sarili ko, 

Comeback, Engineer (McMaster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon