CHAPTER 37

16.9K 274 63
                                    


[Kung alam mo lang kung gaano kasarap ang mga sugar daddy dito sa US, Kung hindi lang ako sasabunutan ni mommy baka nag sugar daddy nalang ako unlimited money and condo pa baka juts nga lang,]



Phone ang gamit ko sa pag-vivideocall namin hindi naman ganon katindi ang pakikinig ko sa kaniya puro walang kwenta at kalokohan lang naman ang pinag-sasabi niya kapag ang-uusap kami. Kung hindi sa mga pogi at daks ay sugar daddy ang topic niya sakin. 



"Anong inaarte mo? Ayaw mo non kasing edad ni Uncle ang naka-una sayo ikaw narin nag-sabi mayayaman ang mga sugar daddy diyan for sure hindi mauubusan nang condoms ang mga yan. Baka kapag nag-kababy kayo bata palang pang-matanda na ang mukha," natatawang pang-iinis ko sa kaniya. Abala lang ako sa pag-susulat sa white paper na ipapasa ko kay Masson.



[Excuse me, ang ganda kaya nang genes natin saka hindi ko to basta basta ibibigay sa maling tao baka magaya pa ako sa inyo,]Balik na inis niya sakin, Doon ako tumingin sa kaniya at muntik na siyang- babaan nang tawag. Laging siyang naka dapa sa kama habang naka-bra lang at panty.



"Sino yung babaeng nasa likuran mo?" nag-salubong ang kilay ko at nag-tanong.



Ganon din ang naging reaction niya. [Babae? boba mag-isa lang ako dito,] binalik niya sa hita ang laptop.



"No, that girl yung naka black na nakatitig sayo!" nanginginig na boses ko habang tinituro sa kaniya ang sinasabi ko. Mas sumalubong ang kilay niya at mabilis na tumingin sa likuran niya at pa-ulit ulit na umikot ang ulo sa paligid. Hanggang sa matawa ako sa pananakot sa kaniya,



Binitawan niya ang plate na may pizza at sumeryoso ang mukha. [Khiara gusto mo hiking tayo after ko dito] may tinatagong tawa ang pag-sasalita niya.



Nag-bago ang emosyon nang mukha ko at nawala ang ngiti. Gusto ko na siyang babaan nang telepono kung pwede lang ang pag-kakaalam ko gabi na sa kanila bakit ba hindi pa siya na-tutulog at patahimikin muna kahit isang araw ang umaga ko.



"Mag-hiking ka mag-isa mo," hindi maganda ang reaksyon ko.



[Sa next time na mag-hihiking ka sa tamang tao na dapat para sulit] sinusuklay niya ang basang buhok. 



"Huwag kang mag-alala sa susunod na mag hihiking ako itutulak ko na ang makakasama ko, OK BYE!" nilapit ko ang mukha ko sa phone at sumigaw saka binabaan siya nang tawag. Panigurado tumatawa ang babae na yon ngayon. Hindi kasi masyadong open sa mga lalaki niya ang bruha na yon kaya wala akong mainis sa kaniya.



Bigla akong napa-isip, wala siyang nakwentong lalaki kahit noong college kami. Mukhang wala siyang sineryosong lalaki noon.

Comeback, Engineer (McMaster Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon