Here we go again. My mind overflowing with thoughts of the future. Alam mo yun, dati noong bata pa lamang ako pangarap ko maging Piloto yung alam kong: mukhang masaya maging ganto. Pero ang BILIS ng panahon, unti-unti mong nalalaman ang realidad na ang hirap pala ng pangarap ko. Tapos mapapaisip na lang ako ano ba talaga gusto ko. Kasi nandito nako sa adulthood na kailan mong maging responsable kasi pag dating ng araw na susuportahan mo na yung sarili mo, to make the story short yung dapat maging independent ka na sa buhay mo. BILIS, dati naglalakwatsa kalang kung saan-saan, dati kain laro tulog yung cycle ko pero ngayon at napagisip-isip ko na hindi nagtatagal ang kasiyahan pero ang sure sakin ay yung MEMORIES na tatatak sa utak mo. Kaya make friends and make memorable MEMORIES with them, sabi nga nila enjoy life to the fullest but I would like to add "with limitations" syempre, ang contradicting ng sinabi ko (wait lemme explain haha).
Basta ganto make happy long-lasting memories kasi pag na reach mo yung adulthood, responsibilities will kick or baka bugbugin ka pa nito. Huwag mo tanggihan yung mga outing ng barkada nyo promise basta dapat alam mo na safe yun. Like me, I sometimes or pwede pa nga always na tinatanggihan ko yung mga outing like mag-iisip yung utak ko ng reasons para hindi sumama cause I don't to go out probably my introverted side acted more than my extroverted side. Pero ngayon na naaalala ko na, dapat pala sumama ako kasi wala naman din akong ginagawa sa bahay like pagtapos maglaro ng games, matutulog nalang ako. Kaya napapa-what if nalang ako kung sumama ako (Haysssttt).
Wait nawala nako sa topic ehe, gomenasai (Sorry in Japanese language) . So yun na nga, the future is scary pwede mo ito ma-predict pero hindi mo alam yung mga uncertainties nito. Halimbawa, alam mong may job interview ka syempre kailan mong magpraktis at predict kung ano mga itatanong sayo, kaya't komunsulta ka ng payo kay (Drum Roll) Mrrrrr. Google and any social media platforms like Uncle Youtube. So yun na nga dumating yung araw ng interview at alam mo sarili mo na handa ka pero nung pag pasok mo ay na black out ka. Pagkalabas mo sa pintuan naisip mo na lang ala na, finish na. Ang pinopoint ko is you created your future, na nag-review ka at nag-praktis ka pero yung uncertainty doon ay kinabahan ka kaya ayun, GGWP ka.
Well, to make an example sa sarili when the pandemic happened I've realized the many things that I could have done better to predict the future plus yung mga uncertainties na nakapaloob doon. Like, dapat pala mas inisip ko yung mga subjects na i-take ko kasi na-delay ako ng 2 years sa college which when it crosses my mind I feel super disappointed to myself. Pero wala ang BILIS nangyari parang sa isang iglap oh how did I mess my college years like 2 additional years. That's why my mind feels like I don't deserve the things that my parents are giving, especially my Mom. For the last 2 years of my face-to-face classes she gave me the rent fee and my allowance every month without fail tsaka walang bawas and kapag iniisip ko na nadagdagan ng 2 years yun, I was like damn I'm so bad at life, huh. Then, after a while my father is the one sustaining my rent fee and allowance which kinda lowers the burden of my Mom and I thank him for that.
Pero, I guess here I am still fighting with a smile and a laugh (dunno if its a fake one but I guess a smile is still a smile and a laugh is still a laugh). Pero yung nga ang BILIS talaga like I remember the days noong hindi ko pa masyadong iniisip yung kung anong magiging career gusto pero ngayon that I have gained 2 additional years sa college. Napaisip ulit ako ano nga ba talaga yung gusto kong gawin sa buhay. Yung mga kaklase ko ngayon na nadelay din ng 2 years, minsan tinatanong din nila ako kung anong gusto pagka-graduate ko.
Ako naman sige ang sagot like I dunno know if yung answers ko na yun ang gusto maging pero yun ang BILIS ko naman din nakakalimutan yung sagot ko. Kaya baka hindi ko gusto yung mga sinabi ko, ehe (cries internally). Syempre kung may mga kaklase akong nadelay ng 2 years, may mga mangilan-ngilan na nakagraduate on time or 1 year late lang. And nakikita ko yung mga post nila sa social media, medyo may pake ako na walang pake kasi yun na nga may rent fee at allowance ako. Still, pagsinabihan ako ng magulang ko ng nakita mo na ba si eto nakapasa na ng ganto, which I feel sinasabi niya ng pabiro pero kasi I know naman na nakikita ko din sa social media. I dunno know kung may karapatan akong mainis pero kasi in the end they are still sustaining my rent and allowance so I guess I'll just have to bear the things na sinasabi nila.
Oh yeah, naaalala ko pa yung tatay ko like madalas magbigay ng payo na kunin mo pulis or anything related. Pero ang BILIS ng sagot sa utak ko, ayoko. Pero when I think about it, pulis has good salary din kaysa sa ngayon na hindi ko sure kung magiging backend developer ako sa isang company. Oh pala BSIT yung kinukuha ko ngayon pero sabi ni tatay may IT division din ang pulis so baka dun ako mapunta or sa freelance. BILIS talaga malipit nako mag graduate gonna need to take responsibility sa future caeers na kukunin ko. Plus the uncertainties na makakaharap ko lalo na yung kaba kasi maBILIS talaga kabahan lalo na pag presentation like nag practice naman ako pero ampota stutter is real parin. I mean I'm trying to reduce that personality of mine but still I guess nandoon yung personality ko na yun nagtatago sa gilid ng utak ko. It's waiting to eat me alive time and time.
But yeah ang BILIS malapit graduation, yung ako na nag additonal 2 years sa college, yung ako na kinakabahan parin matapos kong mag pratice, yung ako na hindi parin alam kung anong trabaho kukunin ko, yung ako na hindi ko parin alam ang buong sarili ko. Eto ang BILIS gragraduate nako.
YOU ARE READING
Author's Haphazard Thoughts
RandomJust spending my time typing my thoughts in this book. By the way, this is a TagLish (TagalogEnglish) book. I'm open for grammar corrections. Anyways, enjoy the cringe.