Chapter 2

263 14 3
                                    

KATH POV

Nandito ako sa Alumni Homecoming Party namin nung mga high school batchmates ko. Ang daming umattend. Buong batch namin nung high school nandito, at kumpleto nga ang batch namin dahil nakita ko sya.

Papunta ako sa table ng mga food and drinks ng may makita akong lalaking nakatayo doon pero nakatalikod sya. Malapit na ko pero napako ako sa kinatatayuan ko nung humarap yung lalaki at nagulat ako sa nakita ko. Si Dan. Si Daniel John Dela Cruz.

Daniel John Dela Cruz? Sya lang naman ang lalaking isa sa naging ka-close ko nung high school. Naging parang mag-bestfriends kami at dahil sa nagkakasundo kami, hindi ko namalayan na lihim ko na pala syang minamahal.

Kinalma ko ang sarili ko at tuluyang lumapit sa kanya.

“Hello Dan, kamusta ka na?” Binati ko sya pero hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya saken.

Kinaway-kaway ko sa harap ng mukha nya ang kamay ko at natauhan sya.

“Uyyy! I-ikaw p-pala y-yan.” Si Dan. Nauutal?

“I think they're calling you already.” At tinuro ko yung mga tao na nasa stage

Lumingon sya sa stage. Pagkatapos nun binaba nya yung drinks na hawak nya sa table at nagpaalam sya saken.

“Una na muna ako ah?” Pagkatapos ay nginitian nya ko.

“Sige. Galingan nyo.” Nginitian ko na lang din sya.

Umalis na nga sya, pumunta na sa may stage. Kumuha na ko ng drinks at bumalik sa table namin.

Pagkaupo ko. Nagulat akong inilalapit ni Julia yung upuan nya saken.

“Uyyy! Nakita ko yun ah?” Habang sinusundot-sundot yung tagiliran ko.

“Ha? Anong sinasabi mo? Nakikiliti ako. Tigil!” Nilalayo ko katawan ko sa kanya dahil nga nakikiliti ako.

“Sus! Nakita ko kayo ni Dan.” Lapad ng ngiti nya saken.

“Yun lang pala. Ano naman?” Napainom ako ng juice.

“Nag-usap kayo? Ano mahal mo pa ba?” Julia.

Hala naman to! Wala talagang preno ang bibig. Tama bang tanungin ako dito ng ganon, eh ang daming tao mamaya may makarinig pa. Buti na lang wala at lahat nakatutok sa Parking 5 na tumutugtog sa may stage.

“Naku naman! Ano bang klaseng tanong yan? Alam mo naman …”

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil biglang may nagsalitang pamilyar na boses sa may stage.

Si Dan pala. Hindi ko na muna pinansin ang pangungulit ni Julia at tinuon ko na ang atensyon ko sa may stage.

“Hello guys. This is our last song. Hope you like it and Enjoy.”

Si Dan ang kakanta. Ngayon ko lang syang maririnig kumanta.

Bigla na lang akong kinabahan.

To be continued ….

Alumni HomecomingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon