Chapter 3

261 11 4
                                    

CHAPTER 3

Daniel POV

Binigay ko na kay JC yung bass guitar ko dahil sya ang tutugtog at ako naman ang kakanta. Actually hindi ko akalain na yung binigay nilang kanta saken ay saktong-sakto sa nangyari sakin kani-kanina lang.

Pumunta na ko sa harap ng mic stand at ….

“Hello guys. This is our last song. Hope you like it and Enjoy.”

Nag-umpisa nang tumugtog ang mga kasama ko.

 (Play video on the right side)

Hinahanap ko sa mga audience kung saan nakapwesto si Kath. At nakita ko ang table nila sa may bandang gitna ng hall. Nagtama ang mga mata namin. Una akong umiwas ng tingin at sinimulan ko ng kumanta.

“ Napatunganga nung bigla kitang nakita,

Pagkalipas ng mahabang panahon. “

Naalala ko na naman yung muling pagkikita namin kanina. Hindi ko akalain na makikita ko ulit sya. After ng graduation namin nung high school wala na akong balita sa kanya. At nagpapasalamat ako na nakita ko ulit sya.

“ Highschool pa tayo nung una kang nakilala

At tandang tanda ko pa

Noon pa ma'y sobrang lupit mo na “

FLASHBACK

St. Vincent High School

Ikaw ang Junior Prom Queen. Kinaiinggitan ng mga kababaihan at kinababaliwan ng mga kalalakihan. Pero isang araw, sa hindi ko inaasahang pangyayari.Nagkabanggaan tayong dalawa pero hindi mo ininda yun. Nakita kitang umiiyak, tumakbo papuntang CR. Sinundan kita at inantay sa labas.

Lumipas ang isang oras. Hindi na tayo nakapasok sa last subject natin. May mga pumapasok na mga babae sa CR at kapag lalabas sila tinitignan nila ako ng masama.Hindi ka pa din lumalabas. Nangalay na ko sa pagkakatayo. Uupo na sana ako nung biglang bumukas ang pinto nung bigla kang lumabas.

Napatayo ako at nagulat ka. Hindi mo ko pinansin at naglakad ka na palayo. Sinundan pa din kita. Pero nakalabas ka na ng gate, hindi ko alam kung pano ka nakalabas ng hindi pa nag-bebell.

Hindi na kita nasundan pa. Umupo na lang ako sa isang bench at hinintay na magbell.

*RINGGGGGG RINGGGGG*

Sa wakas nagbell na din pero hindi pa din ako tumatayo. Hindi ko namalayan na papalapit na pala ang mga ka-banda ko saken.

“Uyy bregs! Anong ginagawa mo dito?” Si Lester.

“Hindi ka pumasok no? Isusumbong kita kay Mommy.” JC.

Sinamaan ko lang sya ng tingin.

“Tara na nga! O nasan si Seth?” Tanong ko sa kanila.

“Nauna ng umuwi, sinundo sya ng Daddy nya.” Katsumi.

Inakbayan ko na lang sya at lumabas na kami ng school. Naglalakad lang kami dahil walking distance lang naman to sa subdivision na tinitirhan namin.

Mapapadaan ka sa isang park bago ka makarating sa subdivision. Hindi ko alam kung bakit pero napalingon ako sa park na yun.

May naaaninag akong pamilyar na babae na nakaupo sa isang swing sa may playground. Si Kath. Nakayuko sya.

“Uyy mga bregs! Una na kayo.” Ako.

Nagtataka nila akong tinignan.

“San ka pupunta kuya?” JC.

“Pakisabi na lang kay Mommy male-late ako ng uwi.” Ako.

“Bakit bregs?” Katsumi.

“May naiwan ako sa school, kailangan ko yun eh.” Napakamot ako sa ulo ko.

“Samahan ka na namin.” Lester.

“Hindi na. Okay lang, ako na lang.” Ako.

Pagkaalis nila, pinuntahan ko na si Kath sa may swing. Umupo ako sa katabing swing. Hindi ako nagsasalita. Narinig ko syang humihikbi at bumuntong hininga.

Tinignan ko sya. Nakayuko lang sya.

“Eto oh.” Habang inaabot ko sa kanya ang panyo ko.

Inangat nya yung ulo nya tapos …

“Hindi ko kailangan yan. Meron akong panyo.” Tapos yumuko ulit sya.

“Okay.” Tatayo na sana ako at iiwanan ko na sana sya dahil mukang ayaw nya ng kausap pero …

“Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo?” Kath. Habang nakayuko pa din.

“Hah? Ehhh… Kase ….” Hindi ko masagot yung tanong nya kasi hindi ko din alam kung bakit ko sya pinuntahan dito.

“Psh! Kanina ka pa sa school, bakit mo ko sinusundan?” Pagsusungit nya saken.

“Hindi kita sinusundan. Bakit ikaw na ba may-ari ng park na to?” Sungitan ang gusto mo ah?

“Psh! Akin na panyo mo!” Tinaas na nya yung muka nya at nagulat ako sa nakita ko.

First time ko syang nakitang ganito ang itsura. Namamaga ang mga mata sa kakaiyak. Namumula ang buong mukha at exhausted na. Inabot ko sa kanya ang panyo ko.

Aalis na sana ako kaso bigla ulit syang nagsalita.

“Pwede mo ba kong ihatid samen?” Kath.

Nagulat ako sa sinabi nya pero pumayag na din ako.

“Ha? Ahmm.. O sige.”

Tumayo na sya at parang matutumba kaya inalalayan ko kagad sya.

“Okay ka lang ba?” Ako.

“Psh! Ano sa tingin mo?!” Aba! Kanina pa to ah. Pagbigyan mo Dan, mukhang problemado.

Binitiwan ko na sya nung alam kong nakatayo na sya ng maayos. Naglakad na kami pauwi sa kanila. Nagulat ako na magkatapat lang pala ang mga bahay namin. Hindi ko alam na dun pala sya nakatira dahil madalas nasa kwarto lang ako o kaya sa tambayan namin ng Parking 5.

“Dito na ko. Sige na uwi.” Malamig na pagkakasabi ni Kath.

Tinalikuran na nya ko at pumasok na sa bahay nila.Umalis na lang din ako at umuwi na sa bahay.Pagpasok ko, sinalubong ako ni Mommy.

“O anak nakuha mo ba yung nakalimutan mo sa school?” Mommy Karla.

“Hah?” Napatanga ako sa sinabi ni Mommy.

“Sabi ni JC may nakalimutan ka daw at bumalik ka ulit sa school.”

“Ahh … Opo.” Napakamot ako sa ulo ko.

“Umakyat ka na at magpalit, maya-maya kakain na tayo.”

Kiniss ko muna si Mommy sa cheeks at saka umakyat na sa kwarto ko. Nagpalit na ko ng damit. Kinuha ko yung acoustic guitar ko at tumambay muna ako sa balcony ng room ko.

Habang nagkakapa ako ng pwede kong tugtugin, napatingin ako sa bahay nila Kath. Sa may balcony din nila may nakatayong babae at parang nakatingin sya saken.Hindi ko na lang to pinansin.Maya-maya lang tinawag na ko ni Mommy at kakain na daw kami. Tumayo na ko at lumabas na ng kwarto ko.

To be continued ….

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alumni HomecomingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon