Chapter 5

9 0 0
                                    

Chapter 5
Gem


"Ella, ito yung assignment natin at dapat dadalhin sa subject natin sa FABM," saad ni Cassiel na kaklase ko at president namin sa aming classroom.

Simula ng nahimatay si mama bago pa man magpasukan ang klase para senior high ay pinatigil ko na siya ng trabaho. Nang araw din yun ay naisugod si mama sa ospital kung saan sinabi din ng doktor na dapat na ni mama magpahinga dahil mapanganib ang kanyang sakit. Isa itong kontrabidang sakit na kahit anong oras ay kaya siyang bawian ng buhay. Kaya dobleng kayod ako upang makakita ng pera panggastos sa gamot, sa pagkain namin araw-araw at para na rin sa ipon ko para sa pasukan. Hindi dapat ako matatanggap sa trabaho pero ng dahil nagmamakaawa ako sa may ari ay pumayag din siya. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa school namin at sa NEU. Pinagkasya ko ang aking oras at schedule sa senior high upang makapag-aral ako at makapasok ng trabaho.

Sinisikap kong makapasok ng trabaho kapag wala akong klase. Kadalasan wala akong klase sa hapon kaya pumapasok ako sa trabaho, at dahil malaya naman ang senior high na makalabas-pasok sa campus ay lumalabas ako. Pero hindi ako magcucutting kapag may klase kami sa hapon. Kapag may event naman sa school ay hindi ako pumupunta pwera na lang 'pag needed ng attendance. Nakikiupdate lang ako sa president namin at nagpapasalamat ako sa kanya. Sabi niya naiintindihan naman daw niya. Siya lang din ang may alam ng mga problema ko sa bahay kung kaya't pumapayag siya sa pakiusap ko na sa kanya na ako hihingi ng mga updates at iba pang kaganapan sa classroom naming lalong-lalo na sa mga assignments at projects namin.

"Ito lang ba lahat? How about sa Stats natin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga assignment. Feel ko dumudugo na ilong ko.

"Yan lang muna ngayong araw. Isesend ko na lang notes ko sa'yo sa Econ para may mapag-aralan ka," nakangiting sabi niya sa'kin.

"Oh okay," tangong sabi ko. "How about yung project ko sa Wika napasa mo ba? Okay ba si ma'am na nalate yung akin?"

"Inaccept naman ni ma'am. Wala naman daw problema kasi hindi lang naman daw ikaw ang nahuli. Hindi din siya papataw ng deduction of points."

"Hay naku! Salamat naman," banayad kong sabi at bumuntong hinga ng malalim. Para akong nabunutan ng tinik. Ang terror pa naman ng teacher namin na 'yon.

"Sa ibang subjects? Wala na ba talaga?" naniniguradong tanong ko kay Cassiel.

Sinisigurado ko na upang wala akong makalimutan. Minsan pa naman makalimutan ko yung dapat gawin ko sa eskwelahan dahil sa pagod ko sa trabaho.

"Wala na. Yun lang ang lahat."

"Kung 'yan ang sinasabi mo. Sige, mauuna na ako sa'yo. May trabaho pa ako," paalam ko sa kanya.

Dali-dali ko namang linagay yung mga gamit ko sa bag. Alas kuwatro y media na ng hapon at may trabaho pa ako sa coffee shop. Alas otso ng gabi pa ako makakauwi sa amin. Binilin ko muna si mama kay Aling Betchay na nanay ni April at okay lang naman daw sa kanya dahil wala naman daw siyang trabaho. Gusto niya din mabantayan niya rin si mama at tumulong sa'kin. Magkatabi lang naman bahay namin.

Lakad-takbo ang ginawa ko upang makarating ng maaga sa coffee shop. May pera ako pamasahe ng tricycle pero mas pinili ko 'wag na lang sumakay upang makatipid ako.

Hinga na hingal ako ng makapasok ako sa coffee shop. Dumiretso agad ako sa quarters namin para magbihis ng uniform. Nasa bag ko yung uniform. Dala-dala ko ito araw-araw.

"Oh, okay ka lang? Pawis na pawis ka ah?" tanong ni Justine sa akin. Kasalukuyan din siyang nagbibihis kagaya ko.

"Naglakad lang ako," ngiting sagot ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I was thereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon