Chapter 4
Faint"Ate sige naman po ho oh. Kahit ako na lang yung maghuhugas ng plato. Kahit singkwenta lang po ibigay niyo sa'kin, okay na po ako dun. Basta may pagkakitaan lang po ako ng pera. Sige na po ate," pagmamakaawa ko sa isang ginang sa harapan ko.
"Hindi nga pwede. Diba kinse anyos ka pa lang? Menor de edad ka ineng kapag pinayagan kitang pagtatrabuhin dito sa karenderya ko, magkakaproblema lang kami. Baka makasuhan at masumbong ako diyan ng dahil sa'yo. Naku! Hindi ko isasakrapisyo ang negosyo ko sa'yo."
"Ate sixteen na po ako. Okay lang naman daw po sa Republic Act, nabasa ko po 'yon as long as hindi po ako umabot ng walong oras sa isang araw at 40 hours in a week. Tsaka hugas ng plato lang naman po ate e, wala naming masama po dun," pagpapaliwanag ko.
"Aba'y hoy, huwag mo akong maexplain-explain diyan sa batas na yan kasi wala akong alam. Hindi nga pwede. Humanap ka na lang ng iba. Nasaan ba magulang mo at bakit ikaw ang naghahanap ng trabaho? Naku! Naistress ako sa'yo. Umalis ka na nga!"
"Ate sige na po," pinagdikit ko na yung dalawa kong kamay sa pagmamakaawa ko. "Ate kahit bente na lang po yung sahod ko, okay na po ako dun," naiiyak na sabi ko sa kanya. Kahit bente na lang. Ako na lang ang hahanap ng ibang pagkakakitaan ng pera.
"Hindi nga pwede! Anong mabibili mo sa bente? Naku! Umalis ka na nga!" naiinis na sabi sa'kin ng ginang at tinalikuran ako.
Nakayuko akong umalis ng karinderya. Maraming taong kumakain. Ang ilan sa kanila ay nakatingin sa'kin. Yung iba nanghuhusga at yung iba naman naaawa sa akin. Yun 'yong nakita ko sa mata nila.
Pang dalawampu ko na itong karinderyang pinuntahan. At gaya ng ibang karinderya, 'yon din ang dahilan nila kung bakit hindi nila ako pwedeng kunin dahil nga menor de edad pa ako.
"Hayst sayang 'yung oras na ginugol ko ngayong araw," bulong ko sa aking sarili. Malumbay akong nakayukong naglalakad. Kinuha ko yung wallet ako at tinignan kung ilang pera na lang ang natira sa'kin. Diyes pesos na lang ang natira at sakto lang pang dyip ko pauwi.
Pumara agad ako ng jeep ng may dumaan sa gilid ko. Nakisiksikan ako sa ibang pasahero dahil punuan. Alas cinco na ng hapon ng tinignan ko yung relo ko sa pulso. Eksaktong alas cinco y media na ng hapon ako nakauwi sa amin. Usually, 5: 20 ako makakauwi pero dahil traffic ngayon, late ako ng sampong minuto.
"Mang, nakauwi na po ako!" balita ko kay mama ng pumasok ako sa bahay.
"Diyos kong bata ka. Nasaan ka galing? Alalang-alala ako Ella, akala ko may nangyari sa'yo. Sabado pa naman ngayon tapos wala ka. Grabe yung nerbyos ko Ella," konting takot ang nakarehistro sa mukha ni mama ng sabihin niya yun.
"Ma, diyan lang po. Naghahanap lang ng pera."
"Ella diba sabi ko na sa'yo na kaya ko pa naman humanap ng pera," mahinahong sabi ni mama pero may diin sa bawat salita.
"Ma, alam ko naman po yun. Pero mama alam ko po na nahihirapan na po kayo kaya po humahanap na din po ako ng pera para sa sarili ko. Para may mabili ako sa projects ko at hindi na hihingi sa'yo," paliwanag ko kay mama.
"Ella diba kaya ko pa? Kaya ko pang tustusan ang sarili natin. Kaya ko pang magtrabaho para sa pag-aaral mo. Jusmeyo kababae mong tao tapos pabaya ka. Ano na lang mangyayari sa'yo huh? Ano na lang mangyayari sa'yo sa daan kapag napagtripan ka ng tambay diyan o mga addict diyan? Ella ikaw yung madedehado dito hindi ako. At hindi ikaw ang magkokonsimisyon kundi ako."
"Ma alam ko naman po yan. Nag-iingat naman po ako sa bawat lakad ko mama, tsaka tulong na din po ito sa inyo. Ma, nag-aaral po ako sa pribadong eskwelahan at hindi po biro ang mga bayarin dun. Ma kahit ito na lang po payagan niyo ako," naluluhang sabi ko kay mama.
BINABASA MO ANG
I was there
Novela JuvenilKhrizella Christiana Melendez has only had one goal in life, to graduate with Latin honors. A degree holder to be exact. When her mother left her, all she-bear in mind is to move forward and continue reaching her goals because that's what life is. B...