"haaaay...Ito na naman ako nangangarap na mapasakin siya. ” sinasabi ko sa utak ko. Bumalikwas ako ng higa at tinignan ko ang kisame.

“Makakausap ko pa kaya siya? ilang linggo na lang ako dito sa pilipinas wala pa din akong alaalang nakukuha sa kanya.” Tumagilid ako ng higa at pumikit.

______AT SCHOOL_____

Padaan ako sa mismong dinadaanan niya pag pasukan at habang naglalakad ako tama nga ang hinala kong dito siya dadaan. Nakikipag usap siya sa mga kaibigan niya.

Nagtago ako sa isang pader at tinitigan kong mabuti ang likod niya at kung paano siya tumawa kung paano siya ngumiti at kung paano kumurap ang kanyang mga mata.

Bigla siyang napatingin kung nasaan ako kaya nagulat ako dahilan para tumunog yung bote sa likod ko at dahilan para lumapit siya sa kung saan nasan ako.

“shiiit...Anong gagawin ko?...Papalapit na siya!!!!” Sabi ko sa utak ko. Di ko alam ang gagawin ko kinakabahan ako nanginginig na mga tuhod ko ayan na papalakas na nang papalakas ang mga yabag niya nagtago ako ng mabuti sa likod ng pader.

“CHANLY HALI KA NA PASUKAN NA OH!!!” Sabi ng mga kaibigan niya.

“ah!...OO SIGE ANDYAN NA!!!" buti na lang tinawag siya ng mga kaibigan niya.

"haaaay..." napabuntong hininga ako dahil sa nerbyos. Tatayo na sana ako ng Makita ko yung teacher ko na nakatingin sa akin at ako naman napabalik sa pagkakaupo dahil na din sa gulat.

“MS.JULES HINDI MO BA ALAM NA ORAS NA PARA PUMASOK?” Sabi ng teacher ko habang hawak hawak ang libro niya. Tumayo na ako at kinuha ko yung bag ko na nasa sahig at tumingin sa teacher ko at nag-bow.

“Sorry po mam.”At tumakbo na ako sa room ko.

Habang papasok ako. Ngayon ko lang napagtanto na”Bakit ako nalate?” Sabi ko sa utak ko. Kasi bawat malalate na studyante sa room namin kakanta para makaupo. Parang ayoko na tuloy pumasok sa room.

“Papasok ka ba o hindi?” Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa balat pwera lang sa ibaba…(huy joke lang yun ha)

Parang kaboses niya si…chanly???tumingin ako sa likod ko pero dahan-dahan lang at parang nawala lahat ng hininga ko at pulang pula ang mukha ko sa sobrang lapit ko sa kanya na parang yung buhok namin mag didikit na.

                
Napatingin siya sa akin ng matagal at sinabing…

”Nagkita na ba tayo?”

At dahil na din sa kaba napatakbo ako sa upuan ko at niyuko saglit ang mukha ko sa lamesa…

“UGGGGH…NAKITA NIYA KAYA YUNG MUKHA KONG PULANG PULA?” Umayos na ako ng upo at parang kaming dalawa lang ang nasa classroom ganito ba talaga pag inlab ang isang tao lahat ng nasa paligid mo parang nawawala at yung crush mo lang yung nakikita mo?

“ako ngayon ang magiging teacher niyo. Dahil an teacher niyo ay may emegency na pinuntahan. Siguro kanina nakita niyo pa siya. Pero may pinapasabi siya sa akin. Sino si ms.Jules?" Tumingin sa akin ang mga kaklase ko at tinuro ako. Napatingin naman ako sa kanila. Haaaay…palibhasa kasi gwapo ang nagtuturo kaya sinu-sunod. Tinaas ko na lang yung kamay ko kahit na nanginginig sa sobrang kaba.

“MAY PAG UUSAPAN TAYO PAGKATAPOS NG CLASS NIYO.” Tumango na lang ako sa sinabi niya.

“Pwede ka ng huminga.” Sabi pa niya. Napahinto ako sa sinabi niya at tumawa ang mga kaklase ko pwera lang sa babaeng may gusto sa kanya at nakatingin sa akin na parang sinasabi sa isip…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enchanting To Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon