Chapter 5: Bouquet

37 7 13
                                    

Author's Note: 

Hi guys! Eto po si Jade hehe. Cute niya no? Wait niyo after ilang chapters pasabog tong si bes. HAHAHA.

John Carlo's POV

OMG! Kaklase ko yun stalker??? Seryoso ba 'to? I cannot feel safe anymore. Anyone can be a suspect. I need to call my friends. I dialed Kath's number.

" Hey! Where are you?" sabi ko.

"Kasama ko sila Jade dito sa canteen. Sumama ka na dito." sabi ni Kath.

"Sige sige. Papunta na ako diyan." sabi ko. Tumakbo ako papuntang canteen dahil takot na ako ngayon.

Nasa canteen na ako ngayon. Hinahanap ko sila. Ang daming tao ngayon sa canteen at ang hahaba ng pila. May kumakaway sa babae na nahagip ng aking mata. Bigla kong pinuntahan yun at tumabi na ako sa kanila.

"Hey girlssss." hingal kong pagkakasabi.

"Oh bat hinihingal ka? Tumakbo pa papunta dito? Wala namang sale or something ha." sabi ni Jade.

"Well I need to tell you guys something." sabi ko. I told them everything that happened yesterday and this day.

"OMG! Nasa action movie ka ba na may romance theme? Nakakaloka ka siz ha! Sa ating apat ikaw lang ang may stalker."Sabi ni Kath. Gaga talaga tong babaeng to.

"So ano ng plano mo?" tanong ni Paul.

"Well I will investigate para malaman ko kung sino yung baliw na yun." sabi ko.

"Ok thats good to hear siz. Sana mahanap mo na yan and tutulong kami ha." sabi ni Jade. Taray 'di niya kasama ngayon si Ted niya.

"Bumili ka na ng food mo at kumalma ka na." sabi ni Kath. Tumingin ako sa mga bilihan. Daming nakapila buti nalang sa may siomai rice na stall hindi marami. Lumapit ako sa stall na yun at umorder ng 3 siomai rice. Ughh!! sarap talaga nito. Tumungo ulit ako sa upuan namin.

"Girl!! Ang cute naman nung guy na yun." sabi ni Kath.

"Asan?! Asan siz?" sabi ni Jade.

"Juta ka Jade! Kumalma ka nga. May jowa ka na ha tas bet mo pang magsightseeing." sabi ko.

"Walang basagan ng trip siz haha. Interesado lang naman ako makita kung cute eh." sabi niya.

"Nandun siya sa may nagtitinda ng juice." sabi ni Kath. Napatingin naman kaming lahat dun sa pwesto na yun. Nako si David lang pala, kala ko naman kung sino cute.

"Tama lang siz. Si David yan, kaklase ko." sabi ko sa kanila.

"Ay taray naman siz. May cute ka palang kaklase." sabi ni Kath.

"Sus, sakto lang naman pagkacute niya." Napatingin ulit ako sa pwesto ni David tas kumaway siya sa akin. Nakakahiya pero kumaway ako pabalik.

"Ay ang taray ni bakla. Long hair talaga tong isang to." sabi ni Jade. Ang issue talaga nitong babaeng to. Siguro nung naglilihi nanay nito nakikinig sa chika.

"Issue ka nanaman Jade." sabi ko.

"Well cute naman siya." biglang sabi ni Paul. Tama ba narinig ko?

"Ano ulit yun Paul?" sabi ni Kath. 

"OMG! Ang taray si Paul di na gaano ka innocent mga sizzz. Betsung na yata niya lumandi haha. Ay naalala ko may special someone ka diba? Sino ba yun?" sabi ni Jade.

"Secret na yun." sabi ni Paul.

"Secret secret ka dyan. Sabihin mo na kung hindi magtatampo ako." sabi ni Jade. Jusko!'Di niyo gugustuhin magtampo itong isang 'to. Talagang ang childish ni bakla magtampo. Yung parang may kasama kang batang nagagalit dahil di nabigyan ng candy. Lumaking ganyan si girl pero masaya kasama yan.

Delicate Taste of MiseryWhere stories live. Discover now