Chapter 2: What the Hell?

71 7 6
                                    

Author's Note:

Hi guys! Si Inaki ang gaganap na Sam.

JC POV

"JC!" somebody is knock on the door.

I'm terrified baka kasi yan yung guy na tumawag sa akin kanina. Nakakatakot lumapit si pinto jusko. I'm having cold sweats in here. I tried to calm myself and slowly walked towards the door. 

The person outside continues to knock that made me feel very anxious and terrified.

"Who is it?" sabi ko. Biglang nagstop magknock.

"Si Paul to. Kasama ko sila kath and jade." sabi nito. I calmed down knowing na si Paul lang pala yung nasa pinto. Mabilis kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga tao sa labas.

"Hey girl! Ang tagal mo naman magbukas ng pinto. Your doing something naughty no? Ikaw talagang bakla ka kung ano ginagawa mo sa buhay." sabi ni kath. Napansin ko na may kasama pa silang dalawang lalaki.

Si Ted at... Wtf! bakit kasama nila tong lalaki nato? Pano nagkakilala tong mga to?

"Bakit kasama niyo yang lalaki na yan?" sabi ko at tinuro ko si Sam. Napatingin naman sila sa tinuro ko.

"Ahh, kasi girl di ko nasabi sayo na may kasama kaming friend ni Teddy baby ko. Eto nga pala si Sam. Sam meet JC, JC meet Sam." Pagpapakilala ni Jade. Biglang tumaas kilay ni Kath.

"Bakit parang mukhang kakilala mo na to si Sam? Hoy, ikaw bakla ha. Lumalandi ka nanaman no! Siguro nilandi mo tong si Sam kaya ganyan reaksyon mo." Sabi ni Kath. Bigla akong kinabahan. Syempre, guilty ako sa ginawa ko hahaha.

"Imbento ka nanaman Kath. So bakit kayo napapunta sa bahay ko aber?" tanong ko sa kanila.

"Di ba pwedeng papasukin mo muna kami kasi girl ang init at nilalamok na kami dito." biglang sabi ni Jade at biglang pumasok ng dorm ko. Pumasok silang lahat at umupo sa sofa. 

"So bakit nga kayo nandito? Gabi na ha." sabi ko ng nakataas ang kilay. Napatingin ako kay Sam. He's smirking tapos biglang kumindat si gago. Hoy Mister! wag na wag mong ilalabas ang kagaguhan ko kanina sa mga friends ko.

"Well we are here to party siz. Para ito sa pagpasa nyo ng research siz." sabi ni Kath.

"Pasensya na JC kung naistorbo ka namin ha. Napilitan lang rin ako dito kasi bigla akong hinatak ni Jade tapos nawitness ko nanaman ang kalandian nila ng jowa niya." sabi  ni Paul. Mukhang na hampasan nanaman si Paul ng Single Mark sa noo.

"O sige, no choice na ako since nandito na rin naman kayo sa loob. Basta alam nyo na rules ha. Walang mangengeelam ng mga bagay, wag masyado maingay and wag masyado magpakalasing." Sabi ko.

"Wala rin magmamake out ha." sabay tingin ko kay Jade. Diniinan ko ang ang tingin dahil last time disaster ang ginawa nila ni Ted. Kulang nalang mafeel nilang nasa motel na sila.

"Yes mommy JC" sabay nilang sabi ni Paul, Jade at Kath. Tumawa pa ang mga bakla. Taray, ang cute pala tumawa nitong si Sam.

"Oh labas mo na yung mga binili natin kanina. Let's Party!!!" sabi ni Kath. Di ko napansin na may dala pala tong dalawang lalaki na to na plastic bags. Nilabas nila lahat ng foods at drinks.

Tumungo muna ako sa kitchen at kinuha ang niluto ko. Sa sobrang takot ko kanina lumamig na yung niluto ko. Nilapag ko yung niluto ko sa table kung saan nilagay nila yung mga dala nila. 

Sabihin ko ba sa kanila yung nangyari kanina? Ang creepy naman kasi nung guy na tumawag sa akin at nagbigay pa ng rose. Hindi nakakaromantic ang pagbigay niya ng rose ha! Nakakastress! Wag ko nalang muna sabihin kasi baka maging magulo lang. Mamaya may nagprprank lang pala sa akin. Well kung prank nga, hindi ako natutuwa jusko. Hindi ko nalang muna iisipin to.

Delicate Taste of MiseryWhere stories live. Discover now