Ten (Part II)

1.1K 22 0
                                    

Nauna na 'kong tumayo sa duyan at nauna na din ako sa paglalakad. Ewan ko kung bakit, parang nakakawala lang ng mood. Hayss..

Binilisan niya ang lakad niya para makahabol sa 'kin, kinuha niya kasi muna gamit niya sa may slide tapos ako, naglakad agad.

"May problema ba?" Tanong niya habang may worry sa mga mata niya.

Meron..

"Wala." Sagot ko habang nakatingin sa daan.

"Ano nga?"

You hurt me. Huhu.

"Wala nga. Kulit mo!" Naiinis kong nasabi.

"Okay.." Sagot niya sa tonong malungkot.

Naglakad lang kami ng naglakad, hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay ko. Siya kasi malayo-layo pa ang lalakarin bago makarating sa kanila.

"Uhh. Bye, Kate. Bukas ulit."

"Sige." Naiilang kong pagsagot.

Tumalikod na ako sa kanya at maglalakad na sana papasok ng bahay.

"Kate!"

Pagtawag ni Kyle sa akin kaya naman agad akong lumingon. Lumapit siya, halos ilang inch nalang ang pagitan sa aming dalawa. Hinawakan niya ang dalawa kong nanlalamig na kamay.

At nang tumingin ako sa kaniyang mata, kitang kita ko naman ang sobrang pag-aalala.

"Alam ko naman na madalas ay puro kalokohan lang ang ginagawa o nasasabi ko. Pero, tandaan mo, gusto ko lang na lagi kitang napapangiti at napapasaya. Kaya kung may problema ka, tandaan mo din na nandito lang ako. Ayos lang kung kakausapin mo 'ko dahil no choice ka na, as long as alam kong kahit papano ay nagsasabi ka din sa 'kin. I'm always here for you, Kate. I can be more than just a friend, a bestfriend. I can be anything you want me to be. Just... keep yourself open, okay? 'Cause that's what I've been doing."

Seryoso ang mukha niya, ngayon ko lang ulit siya nakitang ganitong kaseryoso. Naramdaman ko yung sincerity niya. Napaka-genuine, real. Sobrang na-touch ako sa sinabi niya kaya naman napangiti na lang ako.

"Oh sige, pasok ka na sa loob. Uuwi na din ako, najejebs na ako eh. Hahahahahaha!"

"Sira ka talaga!" Patawa kong sinabi. Kahit kailan talaga. Haha! Hays. :)

"Haha. Joke lang. Oh sige na. Bye na. Alam ko naman na mamimiss mo 'ko eh, pero kelangan ko na umuwi, hindi pa 'ko handang tumira sa inyo, masyado pa akong bata para jan, babe."

Hinampas ko lang siya sa braso tsaka tumawa. Ang adik kasi. Haha!

"Di. Biro lang. Ayan, mabuti naman at nakangiti ka na. Para kasing pasan mo na ang daigdig kanina eh. Haha. Bye Kate."

Right after he said that, he kissed me in my forehead and then went away. Ugh! Here comes the countless drums inside my body and the butterflies in my stomach. Oh God.

**

PARA SA MGA BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon