Twenty Eight

610 14 4
                                    

Fifth (Part II)

-

"Sige Ms. Celajes, umupo muna kayo. Pakitingin na lang po doon sa screen sa harapan kung number niyo na ang susunod."

"Ah. Sige po. Salamat."

456 yung nakuha 'kong number. And guess what? 351 pa lang yung nasa screen! Mygahhhd! Bakit naman ngayon pa dumami ang tao? -_____-

**

Naghintay ako for 30 minutes sa admin, pero 382 pa lang yung nasa screen. Ano ba ginagawa nila dun? Urgh.

Lumabas muna ko sa admin at saka inikot ang buong school.

Habang naglalakad, nakatingin lang ako sa school buildings ng biglang..

*BOOOOGSS!*

"Aray!"

"Ay, sorry miss. Nasaktan ka ba? Pasensya na ha." Sabi ko ng may pag-aalala. At saka inalok ang aking kamay para tulungan siyang tumayo.

May nabangga akong babae. Maputi siya, maliit ng kaunti sa'kin, maganda at makinis.

"Ay hindi, ayos lang. Wag ka na magsorry, hindi rin kasi ako nakatingin sa daanan kanina eh." Sabay ngiti at saka humawak sa naghihintay kong kamay.

Ang bait niya pala. Neseye ne eng lehet.

"Ally! Ano nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?" Sabi ng boses mula sa likuran ko, at mukhang papalapit iyon. But... something's wrong. That voice sounds familiar. That annoying voice.

"Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na." Paulit-ulit nanaman sa utak ko ang mga salitang nagbago ng lahat.

Ngumiti yung babae sa harapan ko at sinabing, "oh babe, ayos lang ako."

Lumapit na ang lalaki at nilagpasan ako. Humawak sa kamay ng babaeng nasa harapan ko.

"Sigurado ka?"

"Oo, Kyle. :)"

The world stopped. And again, I heard something from my heart, falling into pieces. Naramdaman ko nanaman yung sakit na naramdaman ko noon. The world slowed down, at dahan-dahan kong nakita ang paglingon ng lalaki. No-- hindi lang basta lalaki, kundi si Kyle. Yung dating hawak ko na hawak na ng iba.

Kitang-kita sa mukha niya ang pagkagulat, ganoon din sa aking mukha. Nagdulot ito ng pagtataka ng babae na si Allyson.

"Miss, magkakilala kayo ni Kyle?"

"Uhh. Oo. Ex----"

"Ex-classmate ko siya, babe." Ang pag singit ni Kyle sa sasabihin ko.

Ang sakit, sobrang sakit. Na-reject ba ako? Ikinahiya ba ako? Or what? Ang sakit. Sobra.

"Uyy! Kate! Andito ka pala. Kanina pa kita hinahanap eh. Tara kain na tayo." Biglang dating ni Ken at saka umakbay sa aking balikat.

"Bro Kyle! Andito ka pala? Kamusta kana? Buhay ka pa pala ah. HAHAHAHA." Ang tanong ni Ken kay Kyle.

"Ah hehe." Sagot ni Kyle.

"Mukhang may kasama ka ata ah. Girlfriend mo? Sige, una na kami ni Kate. De-date pa kami eh. Haha. Joke. Bye Kyle!"

Umalis na kami, nakaakbay pa din si Ken. Alam kong nakita niya ang nangyari, at alam kong niligtas niya lang ako.

"Ayos ka lang ba? Kate?"

Tumingin ako sa mata niya. Sobrang sincere ng tanong niya. Kitang-kita ang pag-aalala.

Niyakap ko siya, at di ko napigilan, umiyak ako. Umiyak na parang bata na naagawan ng lollipop. Wala akong pakielam kung pinagtitinginan na ako, basta gusto ko lang umiyak. Para mawala yung sakit. Sakit na dulot nanaman ni Kyle.

Salamat, Ken.

PARA SA MGA BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon